"Allen, darling..are we not going to start?"
Darlingin mo ang pagmumukha mo!
Ang kapal talaga ng mukha ng impakta!! at nagsusumiksik pa sa tabi ni Sir kahit merong bakanteng upuan. Does she really think na babalikan pa siya ni Sir ngayong may Mam Victoria na siya.
Hindi ako makakapayag! over my dead body!
Napatiim na lang ako habang sini serve ang inumin sa mga bisita ni Sir, although they are all Sir Allen's friends pero business matter ang dahilan kung bakit nandito sila ngayon. At itong si Lara umeepal, kung makaasta akala mo boyfriend pa rin niya ang amo ko, nakayakap pa sa braso ni Sir, hindi ba niya napapansin na naasiwa si Sir sa ginagawa niya. Masyadong gentleman lang ang amo ko kaya hindi siya pinapahiya sa harap ng mga kaibigan nila.
"We are waiting for Victoria, she has to be there in the meeting." pasimpleng tinanggal ng amo ko ang kamay ng malandi sabay hugot ng mobile niya sa bulsa.
Napakunot nuo ito ng walang may sumasagot sa kabilang line, siguro si Mam Vic ang tinatawagan. Halfday lang yata ngayon si Mam at kanina pa namin hindi makontak dahil naka off ang mobile nito.
"Where's Vic by the way? Dumaan ako sa office niya but it's closed." si Sir Kyle. Nasa tabi nito ang dala niyang bulaklak para kay Mam Vic na hindi nakaligtas sa amo ko, kaya kanina pa matalaim kung makatingin si Sir sa kaibigan niya.
Napapailing na lang ako sa sitwasyon nila, sinong magaakala na maging magkaribal pa ang dalawa kay Mam Vic. And who would think na may pagka territorial din pala itong si Sir Allen, kung magselos wagas. Hindi ko pa nakalimutan kung paano sumugod ang amo ko sa opisina ni Mam Vic nung nalaman niyang dinalaw ni Sir Kyle si Mam Victoria.
"Why she has to be in the meeting? does she have to be a diva para paghintayin tayong lahat." singit naman ng impakta na nag pout pa, kala niya cute siyang tingnan e mukhang bisugo naman.
Naku! ang sarap lang kutusan.
"She has the right to be there as the owner of this company Lara." matigas ang boses ng amo ko..hindi ko mapigilang mapa smirk, konting hirit na lang ng impaktita at makikita niya na talaga ang hinahanap niya.
"Sir, may kailangan pa ho kayo?" tanong ko na na lang kay Sir, baka pag tumagal pa ako sa loob ng opisina hind ako makapigil masabuyan ko lang ng juice ang impakta.
"It's ok Karen, sabihan mo na lang ako pag nandiyan na si Vi at pag dumating na yung lunch na inorder, send it straight to the meeting room."
"Tuloy na ba talaga ang plano mo?" narinig kong tanong ni Sir Tony sa amo ko.
"Plan? what plan?" usisa naman ng maldita, mainit talaga ang dugo ko sa babaeng yun. Siya lang, siya lang ang bukod tanging nakapa iyak sa akin sa kamalditahan niya. Mabuti na lang at hindi siya ang nakatuluyan ng amo ko or else parusa talaga siya sa akin.
Pabagsak akong umupo, nakakainit lang kasi ng ulo ang hilatsa ng mukha ng Lara na yun, kala mo kung sinong maganda. Mas maganda pa si Mam Victoria kumpara sa kanya no! kaya ganun na lang ang pagka insecure niya nung unang makita niya si Mam Vic dito at inaway niya agad, nararamdaman niya na siguro na maagaw sa kanya ang amo ko.
Sa ugali pa lang, walang wala na siya, huwag nang isama pati katawan dahil nagmumukha lang siyang kawayan pag tinabi kay Mam Victoria.
BINABASA MO ANG
Passion and Revenge (ON HOLD)
RomanceRATED SPG: Some chapters may not be suitable for young readers. They met..they got married. They are madly in love...so, she thought. But he left her without giving any reasons. They have a son she doesn't remember and he doesn't know existed. Sa mu...
