Chapter 1 - The Broken One

20.2K 201 7
                                        

 Karen's POV


Napatingin ako sa orasan habang inaayos ang mga papers sa ibabaw ng table ng boss ko, anytime darating na yun at kelangan handa na lahat ang mga dapat niyang pirmahan pag dumating siya. Na late ako sa pagpasok kaya tuloy nagkukumahog ako sa ginagawa ko. Napaka stickler pa naman yun sa routine niya.


"Hay naku...kung hindi ka lang guwapo."


Actually, ok naman si boss. Hindi naman suplado, napaka seryoso nga lang kaya may pagka misteryoso ang dating. Ayon sa grapevine na naririnig ko, heartbroken kaya ganyan ang ugali. Seryoso.


Pag aari ng family ng mother ng boss ko ang C&S company, ang pinakamalaking publishing company sa bansa. Lahat ng mga sikat na leading magazine nasa kanila. Magda-dalawang taon pa lang ang boss ko na namamalakad ng company as Vice President, bilang paghahanda sa malapit na pagreretiro ng lolo niya at mula nang nagsimula si Sir Allen, ako na ang secretary nito pero until now hindi ko pa rin mahuli huli ang ugali.


Magna nine na, nagmamadali akong lumabas ng room at umupo sa pwesto ko, ang table na nasa labas mismo ng pinto ng office ni Sir Allen at inayos ko naman ang mga gamit ko.


Tumunog ang elevator, hudyat na may lalabas sa floor namin. Napangiti ako, paano lahat ng mga kababaihan biglang naging conscious, yung iba tumingin pa sa salamin nila to check their make up.

Tulad ng inaasahan, si Sir Allen ko nga ang lumabas sa elevator and as expected, napaka seryoso ng mukha.

Ang guwapo talaga ni Sir!! Kahit ako na may asawa't anak kinikilig sa kanya paano pa kaya ang mga dalaga dito sa opisina. Matangkad, matipuno ang katawan at nagpadagdag pa ang pagiging suplado ng mukha sa appeal niya.


"Good morning Sir Allen." bati ko na nakangiti ng nasa harap ko na siya.

"Morning."

Yun lang at pumasok na sa loob ng opisina.


Tsk, tsk, ang tipid na nga ngumiti, ang tipid pa magsalita.


"Pssst!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.


"Yang boss mo, araw araw yata lalong gumuguwapo." Kinikilig na sabi sa akin ng ka officemate ko na nakapwesto malapit sa akin.


Napangiti na lang ako, lahat naiinggit sa akin. Paano, araw araw ko ba naman nakakausap ang crush ng bayan at kung minsan, kaming dalawa na lang ang naiiwan sa opisina pag may mga importanteng kailangang ayusin.

Kung single lang ako, matagal ko nang ni rape si boss, ang dami ko na kayang pagkakataon na magawa sa kanya yun.


Nag ring ang extension line ko.


"Karen, can you come here."

"Yes sir."


Nagmamadali akong tumayo at bitbit ang planner.

Pumasok ako at umupo sa harap niya, may kausap siya sa cellphone kaya tahimik lang akong pasimpleng pinagmamasdan si boss.


Passion and Revenge (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon