1

4.8K 83 2
                                    

Athena

"Ma! Aya change the channel again Im watching disney!"
My 6 year old son Alexis appear in the master bedroom just after his complain may ilang luha pang bumabagsak sa kanyang mata habang nakatingin sa akin. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit galing trabaho dahil inuna ko muna silang asikasuhing magkapatid, ramdam ko na ang pagod at sakit ng ulo sa mga costumer complain na natangap ko kanina dahil sa ilang defects.

"Aya- "
Lumabas ako ng kwarto at madaling nagmartsa pababa ng hagdan nakasunod sa likod ko si Ali and Im so aware na may ngiting tagumpay na nakapaskil sa mukha nya, sumilip ako sa hagdan to see my four year old daughter who is siting comfortably in the couch.

"hun, turn the tv off, its already late time for bed and also you Alexis I dont want another fight okay?"

"But mama?"
Bahagya pang hinila ni Alexis ang laylayan ng damit kung pantrabaho at halata ang pakikiusap sa bilogan nyang mga mata, gusto ko naman sana syang pagbigyan pero pagod na talaga ako and I really want to catch some proper sleep halata na nga ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ko dahil sobrang late na akong nakatulog kagabi para lang tapusin ang mga inuwi kong mga reports. Kung nandito lang sana si Marcos kahit paano may katulong ako, He's been away for almost 2 months now cause of work.

"Kuya Alex ayaw mo bang tumangkad o gusto nyong matulad kay Dagul?"
I pull a small smile, bahagya ko ding ginulo ang tuwid nyang buhok na ikinatawa nya.

"Ayaw ko po mama"
"Good, go to your room then, lets go Aya"
Tumalikod na sa akin si Alexis at tuloy tuloy ng pumasok sa kanyang kwarto, hindi nya isinara ang pinto dahil alam nyang ako ang nagsasara nun after ko silang icheck bago ako matulog. May maliit na pigurang yumakap sa binti ko ibinaba ko ang tingin ko to see Aya I smiled at her ng makitang halata na ang namimigat nyang mga mata.

"Ako mama ayoko po, I will sleep na din para agad akong maging big girl"
"Ang very good naman ng baby girl ko"
Binuhat ko sya para dalhin sa kanyang kwarto, nilagpasan namin ang kwarto ni Alexis nakita ko pang nakasampa na sya sa kanyang kama.

"Goodnight hun Love you"
"Love you mama"
Hinalikan ko si Aya sa pisngi bago lumabas ng kanyang kwarto I check her once again before closing her door, sumilip ako sa kabilang kwarto to check Alexis.

"Goodnight kuya love you"
Lumapit ako sa kanya kissing his forehead
"Loveyou mom"

I heavily sigh after closing the door behind me ang hirap talagang ibalanse ng trabaho, pag aalaga sa mga bata at pag aasikaso sa bahay I hope Marcos will come home soon.

"Finally"
Pabagsak akong humiga sa kama at dinama ang lambot nito hindi pa ako nagtatagal sa pagkakahiga ng may marinig akong pumaradang sasakyan sa kabilang garahe

"Mukhang magkakaroon na ako ng bagong kabitbahay"
I said to myself



Justine

"Wooow laki ng bagong bahay natin pa ah may second floor pa"
Manghang kumento ko ng huminto kami sa tapat ng aming lilipatang bahay.

"Nagustuhan mo?"
Nakangiting tanong ni mama sa akin, nilingon pa nya ako sa back seat para makita ang magiging reaksyon ko.

"Sobra"
Hindi parin ako makapaniwala na dito na kami sa subdivision titira at may sarili na kaming bahay, nangungupahan lang kami dati at okay naman doon wala akong reklamo basta magkakasama kaming pamilya.

"Halika anak tulungan mo akong ipasok yung ibang box"
Malaki ang pagkakangiti ni papa ng lingonin nya ako halata ang saya sa kanyang gwapong mukha, masaya ako sa tagumpay niya at alam kong deserved nya ang binigay na promotion ng kanyang boss.

"Nilabi (mahal) pabukas nalang ng pinto at ng mga ilaw"
Pakisuyo ni papa kay mama bago tuluyang bumaba ng sasakyan agad na sinundan ko si papa para tulungan sya, si mama namay dumiretso na sa beranda at madaling binuksan ang pinto ng bahay. Nailipat na ang ibang mga gamit noong nakaraang lingo at ayun kay mama naayus na nila ito at nakabili na rin sila ng iba pang mga karagdagan.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon