26

1K 30 0
                                    

Athena

Ilang araw nalang bago ang nalalapit na graduation ni Justine, habang tumatakbo ang oras parang mas lalo akong kinakabahan tila may mangyayari na hindi ko magugustuhan. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng minuto at kailangan ko ng magmadali, ano ba tong iniisip ko? Okay na ang lahat at confident naman ako na papabor sa akin ang sitwasyon besides Charlie promised me to catch my ass pag nagkaroon ng aberya. Naka set na ang meeting ko kina Mama at hangang ngayon ay wala pa silang ideya na ako ang kikitain nila, sabi pa nga ni Patricia they are very pleased na makilala ako and thats I think the most funny part of this all. I cant wait to see their faces damn it this is making me uneasy

"Mama?"
Maingat na bumukas ang pinto ng aking kwarto at cute cute na sumilip doon si Ayah suot nya ang kulay dilaw na pares na pajamang bigay sa kanya ni Justine habang hila hila din nya ang paborito nyang stuff toy na pinangalanan nyang baby baboy. Mukhang nagising lang sya mula sa pagkakatulog bahagya pa nyang kinukusot kusot ang kanyang mga mata.

"Come here"
Tuloy tuloy na pumasok naman sa kwarto ko si Ayah at dumiretso sa kama kong saan din ako nandoon, inihiga din nya sa kabilang gilid si baby baboy

"Yes anak?"
Ibinaba ko sa bedside table ang binabasang notebook para maibigay ko ang atensyon sa kanya, matapos nyoy umayos ako sa pagkakasandal sa aking headboard para ayain si Ayah na mas lumapit sa tabi ko. Ginaya nya ang aking pagkakaupo kaya nilagyan ko ng unan ang likod nya at ng hindi pa makuntento ay pumihit sya paharap sa akin para yumakap.

"Miss ko na po si Justine, can we go see her? Please"
Mula ng umeksena si Liam sa buhay namin ay hindi ko na rin muna pinayagan sila Ayah at Alexis na makipagkita kay Justine, natatakot akong may makarating na kwento galing kay Liam at maging dahilan ito para masiraan ng loob si Justine.

"Late na nak, also maybe Justine is tired and already sleeping we dont want to wake her up right?"
Hinalikan ko ang noo nya at bahagyang tinapik tapik ang kanyang likod.

"Mama look Justine is waving at me"

"Huh?"
Bumalikwas sa pagkakahiga si Ayah at akala mo may spring ang mga paa nya ng agad ay marating nya ang aking bintana na nakaharap sa kwarto ni Justine.

"Mama please?"
Sinundan ko si Ayah at maluwag na ibinukas ang aking kurtina, ilang segundo lang ay malinaw na naming nakikita si Justine sa kabilang bintana malaki ang pagkakangiti nya habang kumakaway sa amin.

"See I told you Mama shes waving at me"
Ngumiti ako kay Ayah kahit pa wala akong ideya kung paano nya nalamang nasa kabilang bintana si Justine at kumakaway, saglit na iniwan ko si Ayah para kunin ang cellphone sa aking bedside table at tawagan si Justine.

"Hello Justine, Im sorry for calling you this late-

"Mama please?"
Singit ni Ayah, maunawa ko namang ibinigay sa kanya ang cellphone para sya na ang makipag usap kay Justine. Hindi ko naman sya masisi dahil alam kong miss na miss na nga nila si Justine, walang araw at gabi na hindi nila nababangit ang huli akala mo nga kung pag usapan nila ay karugtong na ito ng buhay nila.

"Really?? YEEEYYY!!!"
Maingay na sigaw ni Ayah mukhang may napag usapan na naman sila dahilan ng masayang mukha ni Ayah at hindi na ako magtataka kung hindi nya yun sabihin sa akin. Nakakatampo man minsan pero mas loyal pa silang magkuya kay Justine kesa sa akin.

"Mama, Justine wants to talk to you"
Inabot sa akin ni Ayah ang cellphone at masayang lumabas na sya ng aking kwarto bitbit si babybaboy mukhang babalik na ulit sya sa pagtulogtignan mo tong batang to

"Gusto kong magtaka sa sinabi mo kay Ayah Justine, ipaliwanag mo ang sarili mo"
Nakangiti kong kausap sa kanya, magkaharap parin kami sa may bintana at mukhang katatapos lang nyang magshower may nakapatong pa na towel sa ulo nya habang nakasuot parin sya ng roba.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon