25

1K 32 0
                                    

Justine

"Come one Come all!!!!"
Masayang tawag ni Ms Farah sa lahat habang nakaupo sya sa buhanginan kasama ang iba, na tingin ko ay nauna na nyang naguyo, naka ikot sila hindi kalayuan sa bone fire na nagbibigay ng ilaw sa madilim naming gabi. Medyo malayo ang napili naming lokasyon sa maiilaw at maiingay na outdoor resto ng resort sakto para sa anumang activity na gagawin namin ngayong gabi.

"Guys, guys listen! May bago akong laro na i-introduce sa inyo!"
Tumayo pa si Ms. Farah para kunin ang atensyon ng marami, lumapit na rin yung iba, kasama na din sina James at Amy para makiumpok na rin sa kasalukuyang bilog.

"Bago yan bago?"

"Sige nga"

"Talaga ah"

"Pagbigyan"

"Nakainum na ba yan?"

Maiingay na kumento ng iba, mayroon pa ngang mahinang pumalo sa kanyang ulo na binigyan naman nya ng dirty finger. Sandali nyang ibinaba ang hawak na pulang plastic cup na may lamang inuming alak na halatang tumatama na sa kanya dahil halata na ang pamumula ng kanyang pisngi. Ikinumpas nya ang kaliwang kamay pataas at itinapat ang kanang kamay sa kanyang labi para patahimikin ang nag iingay parin nyang grupo.

"Ssshhhhh wait lang, wait lang siguradong mag eenjoy kayo dito at MABIBIGLA Yes! Mabibigla dahil hindi nyo pa narinig ang laro na ito mula pa pag kabata nyo!!!"

"Yeeeeaaaaahhhhh!!!!"

"Go Mam Farah!!!!"

"Woooohhh"

Maingay na cheer naman sa kanya ng mga nakikinig tuwang tuwa siguro sila sa bagong laro na masiglang ipinapakilala ni Ms. Farah, kahit nga akong nakikinig lang mula sa veranda ng tinutuluyang cottage ay nahahawa sa energy na dala nila.

"So ito na nga guys, ang larong ito ay!!!!!"
Huminga pa sya ng malalim at saglit na pumikit, inayus pa nya ang suot na army green beanie na bumagay sa suot nyang puting fitted long sleeve at army green  na buggy pants.

"Spin the bottle!!!!!!"
Yung kaninang maingay na suporta galing sa mga nandoon ay biglang natahimik, natawa ako sa naging itsura ni Ms.Farah nawala kasi yung malaking ngiti nya sa labi dahil sa naging response sa kanya.

"Itulog mo na yan Ms. Farah"

"Tara na ligo nalang"

"Wow, sobrang bago sa sobrang bago pati ata ninuno ko alam na ang larong yan"

Tas sunod sunod na nagtawanan ulit yung kaninang nanahimik na kumpolan, rinig na rinig yung maiingay nilang asaran sa tahimik sanang gabi.

"Why you alone?"
Nilingon ko ang bagong dating only to be mesmerized again  by her beauty, shes wearing a white off shoulder top and white maxi slit skirt that perfectly shows her sexy body, hinayaan lang din nyang nakalugay ang lagpas balikat nyang buhok na bahagyang nakakulot.

"Hey sexy, Im silently praying to see you here"
Nakangiting lumapit sa akin si Athena at ginaya ang pwesto ko, pareho na kaming nakatanaw ngayon sa grupo nila Ms. Farah habang nasa bamboo railing ang aming mga kamay.

"Sweet talker"
Nakatawa nyang komento sa akin,

"Sayo lang"
Mas lumapit pa ako sa kanya dahilan para magdikit ang aming balat, dagling hinigit ang aking paghinga dahil sa kiliting agad naglakad sa aking buong katawan.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?"

"Hindi na siguro, marami na sila doon saka wala akong tiwala kay Ms  Farah"

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon