9

1.4K 47 0
                                    

Justine

"Tol? Diba kapitbahay mo si Ms. Flores?"
Taas kilay akong nagbaling ng tingin kay Tyron mula sa pagkakatanaw ko sa labas ng bintana ng kanyang kotse, wala naman akong ibang kapitbahay na Ms. Flores kundi si Athena, Nakaramdam ako ng inis may hinala na ako kung saan pupunta ang usapan namin.

"Oo, bakit?"
Kunwaring tanong ko, kahit sa totoo lang ay nag sisimula ng bamangon sa akin ang pagka irita.

"Tinamaan ata ako kay Ms. Flores tol, wala syang asawa no? Pero sabi ni sir Lucas may dalawa na syang anak"
Hindi ako sumagot at hinayaan lang syang magsalita, sa pagkakakilala ko kay Tyron pag sinabi nyang gusto nya ang babae at tinamaan sya ibig sabihin seryoso sya dun and He will do everything to pursue and win the girl. What a pain.

"Tol, tingin mo pwede ko syang ligawan?"
See Im so right about it, naikuyom ko ang kanang palad to suppress my anger. Pero ano bang karapatan ang meron ako para pigilan sya? Wala diba?

"Tanungin mo sya, wag ako"
Hindi ko na napigilan ang diin at bigat sa pagkakabigkas ng bawat salita.

"Ui tol ah, nagseselos ka ba?"
Tila hanging nawala ang kaninang nararamdaman at dagli itong napalitan ng kaba, Hindi ko man nakikita ang sariling mga mata alam kong halata dun ang takot. Damn it! Im not yet ready for this. Paano si Athena? Anong sasabihin nya? Baka layuan nya ako?

"Alam mo tol, hindi naman ako mawawala sayo tropa parin tayo,liligawan ko lang si Ms. Flores at magiging girlfriend kung sweswertehin"
Saglit syang lumingon sa gawi ko at agad ding ibinaling sa pagmamaneho ang buong atensyon. Alam kong seryoso sya sa sinabi naalala ko dating muntik ng masira ang pagkakaibigan namin dahil sa pagkabaliw nya sa babae.

"Promise hindi na mauulit yung nangyari dati, I will guard myself to stay sane"
Dugtong pa nya, sa totoo lang nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya, akala ko mabubuko na ako
"Gago! Magdrive ka na nga lang, saka as if naman na papasa ka kay A- Ms.Flores"

"Alam ko naman masama bang mangarap"

"Buti alam mo s-saka bawal yun superior natin si Ms. F-Flores"
Mahina kong sagot, kahit paanoy nag kakaroon ako ng pag asang titigil din sya isang araw sa pagpapantansya kay Athena.

"Pero tol, si Henry matagal ng may gusto sayo yun bakit hindi mo bigyan ng chance? Mabait naman yun gwapings pa"
Kinabig na nya pakaliwa ang sasakyan papasok sa parking area ng Sumito Company, pagdaan sa guard house ibinigay muna namin ang dalang student Id para mapalitan ng Visitor pass at magkaroon kami ng access sa loob.

"Ayoko dun mukhang labanos saka hindi ako naghahanap ng boyfriend"
Bamaba na ako ng sasakyan at isinara ang pinto.

"Uhm how about Rey? Patay na patay sayo yun tol, alam mo come to think of it sa totoo lang ang daming nagkakagusto sayo sa campus pero ni isa wala kang pinapansin"
Nakasunod na sya sa paglalakad ko at nakakainis lang dahil tuloy tuloy parin sya sa pagsasalita. Minsan may pagkamanhid din tong taong to e, Ano bang malabo sa sinabi ko? Pagkakaintindi ko malinaw kung sinabing hindi ako naghahanap ng boyfriend.

"Alam ko at Ayoko"

"Bakit? Nasa tamang edad ka naman na"
Bakit ba ang laking deal na dapat may karelasyon na pag tumuntong na sa tamang edad? Pero sinarili ko nalang ang tanong baka masira ang araw ko pag nagkataon.

"Kasi ayoko, bilisan mo na dyan baka nasa taas na sila Amy"
Mas binilisan kung maglakad para na din huminto sya sa kakatanong, sa totoo lang naguguilty ako na hindi ako nagiging totoo sa nag iisang kaibigan ko, hindi ko kasi alam kong paano sasabihin sa kanya na hindi ako straight at ngayon namang ikinokonsidera ko ang pag-amin sa kanya saka naman naging komplikado.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon