17

1K 32 0
                                    

Justine

TODUG! TODUG! TODUG
Malakas na kabog ng puso ko dahil sa sobrang kaba rinig ko din ang pitik nito na umaabot hangang sa aking ulo
.
.

Nasa may sala kami at nagpapakiramdaman sa kong sino ang unang magsasalita, sa sobrang tahimik pati pagpitik ng orasan umaabot na sa tainga ko, kahit ata yung yabag ng maliliit na daga kaya ko ng marinig.
Ano na kayang nalaman nila?

Nagbaling ako ng tingin kay Papa na agad ko ding pinagsisihan, nasa akin ang mga mata nya at ni minsan ata hindi nya yun inalis sa akin para tuloy akong niluluto sa kinauupuan ko.

"Justine"
"PA!"
Parang may kung anong matalim na bagay na tumusok sa akin, kaya napalakas ang pagsagot ko-TSSS masyado na akong kinakain ng kaba relax self!

"You dont need to shout"
"Sorry po"
Napapunas ako sa noo gamit ang likod ng aking kanang kamay kahit wala namang pawis na tumatagaktak doon.

"Ipaliwanag mo yung post sa THE YU TODAY at kung bakit galit na galit sayo si Tyron"
Tila nawalan ako ng lakas sa tanong ni Papa nabasa na nila agad akala ko ba na-ireport na yun?parang anytime from now iiwan na na ako ng kaluluwa ko. But here it goes wala na tong atrasan hingang malalim

"Lesbianapoakosorry totoopoyungsapage atiisaangtaolang angustonaminiTyron"
Mabilis at walang hingang pag amin ko sa kanila habang madiin na nakapikit ang aking mga mata. Ayaw kong makita ang reaksyon nila natatakot ako.

"Bakit ka nagsosorry, hindi ba dapat proud ka sa amin habang sinasabi mo yan? Thats who you are right?"
Boses yun ni papa kahit kailan napakalumanay talaga nyang magsalita yung parang kusa kang kakalma kahit sobrang pangit na ng pakiramdam mo.

"Pa?"
Ibinukas ko ang isang mata para silipin sya, hindi sya nakangiti pero wala din namang bakas ng galit sa mukha  nya

"Hindi kita tinuruan para maging timid, kundi maging matapang sa lahat ng kakaharapin mo at magkaroon ka ng kompyansang kaya mo lahat"
Inayus ko ang pagkakaupo

"Pa?"
Sunod sunod na lumunok ako para matangal ang namumuong bara sa aking lalamunan, at para itulak ang sariling mas maging matapang sa harap nila Papa. Honestly hindi ko to inaasahan

"Maliit ka palang alam na namin ng mama mo at nangako kami sa isat isa na susuportahan ka namin pag handa ka ng umamin at sa anomang desisyon mo, kaya hindi mo kailangang magsorry dahil Ikaw yan. kahit sino ka pa at ano ka pa sa paningin ng iba, ikaw parin yung inaruga at nag iisa naming anak. Kaya kahit sino pa ang magustuhan mo-
Huminga sya ng malalim bago ulit magpatuloy sa pagsasalita

-Sino kami para pigilan ka"

Gusto kong maiyak dahil sa tuwa na  tangap nila kung sino at ano ako. Para akong nabunutan ng malaking tinik na nakabaon sa dibdib ko dahilan para makahinga ako ngayon ng maayus. Kung alam ko lang matagal ko na sana tong ginawa ng hindi ako nagtatago sa likod nila.

"Si Athena ba nak?"

"Ma?"
Hindi pa nga ako nakakarecover may follow up question na agad si Mama, bigla na naman tuloy pumitik yung puso ko ng sobrang bilis pagkarinig palang sa pangalang Athena

"Hindi ka naman madalas pumupunta sa bahay ng iba nak, pero kila Athena halos doon kana tumira"
Ngumiti sya ng tipid sa akin joke ba yun? Bat parang iba ang bagsak at dating, at tila may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko pa mapangalanan. Yung kaninang takot na nawala sumisipa na naman sa dibdib ko, para tuloy akong kakapusin ng hangin.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon