22

864 28 1
                                    

"Grabe ilang kembot nalang matatapos na yung machine natin, kunting evaluatiin nalang and we're done"
Akala mo naman si Amy kong maka were done nakikipagbreak sa jowa nya, nasa huling lingo na kami ng intern period namin sa Sumito company at masasabi kong successful ang naging project namin base narin sa nakukuha naming datus kada araw. Gusto din itong bilihin ng management para i-install sa lahat ng department na may kaparehong process.

"Paris okay na ba yung speed?"
Ang main problem ng manual assembly ay human error at yun ang ginawan namin ng solusyon, by making a programed machine-yung buong procedure ng isang product ay hinati hati namin. Isinunod naming ilagay doon ang standard time na kakailangan nila per attachment at ng masigurong ayos na ang mga yun inilagay naman namin ang mga tools na kakailanganin nila sa lahat ng procedure, kusang bumababa yun galing sa taas depende sa kung ano ang ikakabit nila.

"Hmm tingin ko okay naman na lagyan nalang siguro natin ng speed adjustment para may choices sila"

"Sige, lagyan natin"
Pinakialaman ko ulit ang program ng machine at inilagay ang speed adjustment, nakadepende na ito ngayon sa kong gaano kabilis at kabagal ang gagamit pero pwede parin itong ilocked ng main user kung ang magiging goal nga nila ay productivity .

"Sir Echo patry nga ng assy kung pasok na sayo yung adjustment"
Agad namang sinubukan ni Echo yung machine at tingin ko nasatisfied sya sa naging resulta.

"Okay na mga Mam, ayus"

"Thank you sir"
Nagthumbs pa sya sa amin bago sya umalis at bumalik sa kaninang ginagawa isa sya sa mga specialist dito na lagi din naming inaabala.

"Pack up na tayo, tas report tayo sa mga leader"

"Okay"
Koros na sagot nila sa akin bago simulang ligpitin yung mga equipments at kalat namin. Bago tangalin ang plug ng aking laptop luminga ako sa taas kung saan makikita ang office ni Athena nagbabakasakali na sana makita sya.

Para na namang pinupunit yung dibdib ko pag naaalala ko sya Athena namimimiss na kita, hindi ko na sya nakausap mula ng una syang sinundo ni Liam sa tapat ng bahay niya, araw araw ko syang minemessage walang palya pero kahit isa wala syang naging reply, inaabangan ko din sya lagi sa labas ng bahay nya o kaya namay kumakatok ako sa pintuan nya pag naiiwang bukas yung gate kasu ni minsan hindi nya ako nilabas. wala akong nakuhang sagot at mga paliwanag sa kanya, wala bang saysay para sa kanya yung mga araw na pinagsamahan namin. Habang lumilipas yung araw mas nararamdaman ko yung malaking pader sa pagitan namin kumakapal ng kumakapal yun, matitibag pa ba yun? Paano kung hindi na?
Sigh

-Ano sasama ba tayo?

"Oo naman sasama tayo para nga sa atin yun tas tayo ang wala nakakahiya"

-Shocks excited na ako overnight yun diba?

"Oo, dala tayo pang ligo ah napaka generous naman ng Sumito company

-Ikaw Justine sasama ka ba? Ui Justine?
Siguro naduduwag na din ako, nasasaktan na din ako lalot lagi kong nakikita si Liam na kasama sya, hatid sundo pati yung mga bata parang ang saya saya nila. Pag nakikita ko yun pakiramdam ko araw araw din akong namamatay. sa gabi bago ako matulog hindi pwedeng hindi pumatak yung luha ko dahil sa  napakarami kong bakit at sana. Alam kong napapansin na din nila Mama ang ikinikilos ko pero hinahayaan lang nila, siguro dahil nirerespeto nila ang desisyon kong manahimik.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon