18

1K 38 0
                                    

Justine

"Paris? What are you doing here?"
Nasa labas sya ng company at nakaupo sa isa sa mga upuang nandoon and obviously waiting for someone,ngumiti sya sa akin ng tipid at madali akong sinalubong ng yakap pagkababa ko ng taxi. Is she waiting for me?

"O-okay?"
Nabigla ma'y ibinalik ko din ang yakap sa kanya at agad na inilayo sya sa akin matapos, nagpalinga linga din ako sa paligid  dahil baka mamya nasa paligid si Mam Farah at makita kami O.A pa naman yun mag react.

"I was waiting for you, tara marami pa tayong gagawin"
Hinila na nya ako papasok ng company beaming brightly sa lahat ng nakakasalubong namin, in all fairness bagay sa kanya ang simpleng damit at simpleng make up- sabi na nga bat mas maganda sya pag wala syang heavy at O.A make up hinayaan lang din nyang nakaponytail ang tuwid at itim nyang buhok, pero kailangan talaga magkahawak ang kamay namin?

"Ikaw ang replacement ni Tyron?"
Pasimple kong hinila yung kamay ko para kunwaring ayusin ang bag na nakasukbit sa aking balikat, mukhang hindi naman nya napansin at tuloy tuloy na kaming pumasok sa production.

"Yup, nag sisimula na sila James at tayo nalang ang hinihintay ang tagal mo ah, kala ko malalate ka na"

"Sorry, may dinaanan kasi ako"
Pero mukhang hindi sya interesado dun at inikutan lang ako ng mata.

"1 month nalang matatapos na ang OJT natin at tatlong araw lang tayo kada lingo, nag aalala ako baka di matapos yung project"

"Sus, maliit na bagay parang di mo kilala ang mga kagrupo mo, dont worry nasa mabuti kang mga kamay"
I winked at her bago sya lagpasan at magpatiuna sa paglalakad
Ako lang ba to, oh ngumiti talaga sya na parang kinikilig essshhh yaan na nga lang lets get this started

#########

"Justine, may food akong dala marami to share nalang tayo"
Mas lumapit pa sya sa akin para lagyan ng Menudo at sweet and sour yung lunch box ko hindi na ako tumangi dahil paborito ko yung inaalok nya , nasa tagong bahagi kami ng canteen dahil occupied na yung karamihan kaya no choice kami kundi dito. Maigi na rin dahil hindi ganun kaingay sa pwesto namin at may katapat kaming aircon.

"Ahhh okay thanks Paris"

"Anytime"

"Penge din Paris"
Ungot ni Amy

"Kuha lang kayo madami yan"
Ibinaba nya yung hindi kalakihang tupperware sa gitna ng lamesa at bahagyang itinulak sa gawi nila Amy.

"Anong gusto mong lunch bukas? Ipapaluto ko"
Nakangiti nyang tanong sa akin, iba din talaga pag anak mayaman may tigaluto.

"You dont need to, pinagluluto kasi ako ni Mama ng lunch"

"Well you can tell her later that I'll bring you lunch tomorrow"
Alanganin akong ngumiti sa kanya

"Paris, kasali ba kami dyan?"
James interrupted

"Nope, si Justine lang"

##########

"Pinapawisan ka, wait lang lagyan kita ng panyo sa likod"
Mabilis syang naglabas ng puting towel sa maliit na duffel bag na dala nya.

"Okay lang ako Paris, dont worry"

"No I insist"
Wala na nga akong nagawa pa ng lagyan nya ako sa likod ng towel at punasan ako ng pawis sa mukha, thankful naman ako dahil hindi ko yun magawa ngayon dahil puno ng grasa ang mga kamay ko. Pero gusto ko ng magtaka sa ikinikilos nya.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon