5

1.5K 56 2
                                    

Athena

Ilang araw na rin mula ng magsabi sa akin si Justine na gusto nya ako and honestly hindi pa rin ako makapaniwala, hindi ko akalaing nagkakagusto sya sa babae specifically sa akin, alam kong hindi naman na yun bago ngayon. Hindi lang ako makapaniwala, masyado syang maganda para magkagusto sa akin, hindi ko rin naman itatangi na medyo nakaramdam ako ng tuwa sa loob ko nang malamang may gusto sya sakin I mean, parang nakakahaba lang ng buhok at nakakaganda lang din lalo. I shake my head left and right to brush away my thoughts, kailangan kong magconcentrate sa ginagawa.

"Concentrate Athena! Shes a college girl"
I groaned in frustration ano ba tong iniisip ko? Tinapik tapik ko ng mahina ang aking pisngi para gisingin ang sarili sa aking mga iniisip. This is crazy.

Tok! Tok!
Mahinang katok ang narinig ko galing sa labas ng aking office, dahan dahang bumukas yun at pumasok si Farah isa sa mga leader ng production.

"Mam, nandito na po yung mga ojt galing sa Yu University na orient na po sila sa admin at naghihintay na sa meeting room"
"Okay, mamya ko nalang sila kikitain pag kasya pa sa oras may tatapusin pa akong preparation para sa online meeting send them to engineering department"
"Yes mam"
"Also I want their project proposal to be done in two days"
I got tons of work to do,

"Yes mam"

Justine

"Good morning guys ako nga pala si Lucas ako muna ang makakasama nyo for the rest of the day, so bale bibigyan ko muna kayo ng tour sa kompanya, para makita nyo din yung kabuuan ng lugar at makapag isip kayo ng mga idea para sa improvements proposal na gagawin nyo"
Kasalukuyan kaming nasa manufacturing company para sa isang ojt, kailangan naming kumalap ng data at plano para magkaroon ng ideya kung paano makatulong na  mapabilis at magkaroon ng mas komportableng lugar ang mga mang gagawa. Sa totoo lang naiinip na ako gusto ko ng umuwi at makapagpahinga parang natotorta na ang utak ko dahil sa dami ng mga gagawin at kailangang ipasa. Plus isang lingo na halos ng huli kong maka usap si Athena mula nung sabihin ko sa kanyang gusto ko sya, natotorete na ako I need to see her!

"Tol tignan mo yun, ang ganda nya oh"
Ngumunguso nguso pa si Tyron sa kung saan, bakit kasi pumayag ako na mag apply kami ng magkasama.

"Tigilan mo ako Tyron naiirita na ako sayo, ang init init dikit ka ng dikit"
Bahagya ko pang inuntog sa kanya ang balikat ko para ilayo sya sa akin, umiikot na kami sa mga pasilyo ng lugar at busy akong makinig kay Sir Lucas naka on din ang recording ng cellphone ko incase I missed something.

"Ang sungit mo ngayon tol ah meron kaba?"
Bulong nya sa akin na lalo kung ikinainis

"Gusto mo sapakin kita para manahimik ka"
Lumingon ako sa kanya para sana samaan sya ng tingin pero para na syang nabato balani habang nakatingin sa harapan kasama ng dalawa ko pang kaklase.

"Everyone this is our General manager Ms. Athena Flores"
"A-Athena?"
Ulit ko sa sinabi ni Sir Lucas, madali akong nagbaling ng tingin sa harapan to confirm if its really the Athena that I know, and there she is standing tall in front of us wearing a beautiful blouse and cream pants at kagaya noong una ko syang nakita tinahip na naman ng malakas ang dibdib ko.

"Grabe kasing ganda nya ang pangalan nya, mukhang sisipagin akong pumasok dito tol"
Bulong parin ni Tyron sinamaan ko sya ng tingin pero hindi na nya ulit yun napansin dahil titig na titig sya kay Athena.

"Welcome to Samito Mechatronics company, I hope na magkaroon kayo ng maraming ideya sa pagiikot nyo and hopefully by this makapag create kayo ng plano na pwede nyong maiambag sa kompanya at magamit nyo din sa inyong proyekto. Try to identify the current problem by this you can create a solution, Sir Lucas will accompany you for the rest of the tour"
Nakakatakot pala ang aura nya pag nasa trabaho na parang hindi mo sya gugustuhing lapitan. Nagtama ang mga mata namin pero parang hindi nya ako kilala dahil mabilis syang nag iwas ng tingin para ibaling yun sa iba, muli nyang kinausap si Lucas at nagpaalam na din matapos. Parang nanikip yung dibdib ko dahil sa paraan ng pagtingin nya sa akin ano nga ba ako sa kanya diba? Hinabol ko din ang paghinga ko dahil bigla akong kinulang ng sustento ng hangin sa dibdib.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon