12

1.4K 40 2
                                    

Athena

"Nana may hula ka na ba kung sino ang nagpapadala sayo ng litrato? Ireport na kaya natin yan sa pulis?"
Agad na nakipagkita ako kay Farah sa isang coffee shop ng may matangap ulit akong maliit na box na may lamang picture ko ngayong umaga- kuha yun kagabi habang nakaupo ako sa hammock. Sinong matinong tao ang gagawa nun? Well kung si Justine ang kumuha ng litrato baka matuwa pa ako but no, hindi yun gagawin ni Justine without my permission- at bakit naman nya ilalagay sa mailbox ko kung pwede naman nya yung iabot sa akin? At ang nakakabahala pa nakakatangap ako every fucking week, kung hindi wednesday night saturday morning.

"Hey Nana? Nakikinig kaba?"
Kinatok pa nya ng mahina ang lamesa para kunin ang atensyon ko mula sa kapeng hinahalo.

"Ah-ah Oo naman"
Inilapag ko ang ginamit na kutsarita  sa platito para inumin ang masarap na kape.

"Ngayon lang nangyari yan mula ng pumasok ang mga intern sa Company, Im not saying na isa sa kanila but lets try to figure it out by deducting names on your list"

"Fine"
Maikling sagot ko sa kanya, nangalumbaba sya at pumikit. Ito ang isa sa maraming  dahilan kaya gusto ko si Farah once na may sinabi akong seryosong bagay hindi nya titigilan yun hangat wala syang nakukuha kahit maliit na clue.

"Lucas, imposibleng gagawin nya yan dahil kung oo dapat unang taon palang nung magsabi sya sayong gusto ka niya."
Tumango tango lang ako at hinayaan lang syang magpatuloy sa pagsasalita

"Liam wont do that either, Charles neither He nasa states na sya ngayon diba?"
Nag angat sya sa akin ng tingin

"Oo matagal na"
Bumalik ulit sya sa pagpikit at sa pinapakita nyang itsura ngayon para na nyang kinakalkal ang library ng utak nya.

"Nanliligaw din sayo si Yael diba?"

"Oo, at hindi sya makulit gaya ni Lucas kaya nung sinabi kung ayoko hindi na sya nagpilit pa"
Kung hindi ako nagkakamali nasa Q.E department sya, at ilang beses ko palang syang nakita dahil napakabusy ng department nila.

"Haba ng hair, Hmmmm Walter? Hindi rin yun mas mahal pa nun yung mga computer nya e, James? Hmmmm parang babakla bakla naman yun, Tyron!"
Parang may kuminang na bombilya sa taas ng ulo nya at napapalakpak pa sya ng mahina ng maisip ang pangalang Tyron.

"Bakit sya?"
I questioned her

"He seems a little peculiar, for me ah ewan ko lang sayo, lagi pati syang may dalang camera, dati nga nagtataka ako kung para saan yun pero mukhang alam na natin ngayon kung bakit- may kuha din sayo sa loob ng office kamo diba?"
Hindi ako umimik para alalahanin ang ibang detalye tungkol kay Tyron, pagkakaalam ko best friend sya ni Justine at matagal na silang magkakilala. Hindi ko nga lang sya nakikitang may bitbit na camera o kahit ano pag nakakasalubong ko sya.

"Okay, lets consider Tyron as our main suspect dahil sa mga sinabi mo"
Lets say na totoo ang mga sinabi ni Farah ano namang gagawin ni Tyron sa mga litrato ko? Bakit nya ipapadala  sa akin pabalik? O may iba pa syang motibo? Ang dami dami ko na namang tanong shit! Kung iisiping maigi parang hindi magagawa yun ni Tyron, isa sya sa maaamong mukhang nakita ko sa loob ng company. But then Im not sure whats in his head right? Sana pwede kong tanungin si Justine, shit! hindi nga pala ako nagpaalam bago umalis nakalimutan ko ding mag iwan ng message sa kanya. Great! Nagrereplay na naman sa utak ko yung huling sinabi nya kagabi.

"Wait lang alam mo sa totoo lang may kakaiba sayo ngayon"
Pansin sa akin ni Farah niliit nya pa ang kanyang mata at kunwaring ine eksamin ang kabuuan ko.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon