7

1.5K 58 5
                                    

Justine

Malalim na ang gabi pero heto't mulat parin ako iniisip yung kaninang pangyayari at lahat ng mga rason ni Athena, naiintindihan ko naman ang mga yun pero ang hindi ko maintindihan e kung bakit napakalaking isyu na magkagusto ang parehong babae sa isat isa. Hindi mo naman pwedeng diktahan ang puso mo kung kanino to dapat tumibok. Diba?

Sigh

Tumayo ako sa pagkakahiga at sinilip ang kwarto ni Athena napakaswerte ko dahil magkatapat lang kami, napakunot ang noo ko ng makitang bukas pa ang ilaw nya.

"Bakit gising pa sya?"
Gustuhin ko man syang imessage para makapag usap kami, wala naman akong number nya.

"May facebook kaya sya? Teka! Bakit ko sya kakausapin ayaw nga nya sa akin diba? Hindi nga daw tama na magkagusto ako sa kanya"
Nasabunutan ko ang sarili dahil sa kung ano anong pumapasok sa isip ko, naguguluhan na ako at nagtatalo ang maraming opinyon sa utak ko. But one thing is certain

"Namimiss ko na si Athena"
To think na ilang oras ko palang syang hindi nakikita, Im so crazy about her that I cant stay mad at her.

"Damn it!"
Suot ang hoodie sweater at gray jogging pants dahan dahan akong lumabas ng kwarto, pigil ang aking hininga habang pababa sa kahoy na hagdan napapapikit pa ako ng bahagya sa bawat langitngit ng akin paghakbang baka magising sila mama, ingat na ingat na makagawa ng ingay habang palabas ng bahay. Agad na sinalubong ako ng malamig na hangin pagkasara ko ng pinto, naglakad ako palabas hangang sa marating ang tapat ng bahay nila Athena, salamat sa maliwanag na paligid dahil sa bilog na buwan at liwanag ng mga street lights sa bawat kalye. Sobra akong kinakabahan pero mas nanaig ang kagustuhan kong makausap si Athena, nilabas ko ang cellphone sa bulsa ng aking jogging pants at madali kong hinanap ang pangalan ni Athena sa facebook.

Athena, Nasa labas ako ng bahay mo- can we talk? Justine

Huminga ako ng malalim before hitting the send icon, and waited for a few minutes after receiving a reply.

Are u nuts? be there

Sa wakas ay nakita ko na ding bumukas ang  pituan ng kanilang bahay mabilis na kumalat ang liwanag galing sa loob, maya maya lang ay iniluwa na nun si Athena nakasuot sya ng puting pantulog, more like big shirt with no short I guess nagmamadali syang naglakad palapit sa akin para buksan ang gate.

"Why are you here Justine?"
Bungad na tanong nya sa akin

"Can we go inside first? You might catch- a cold"
Tumikhim ako at mabilis na nag iwas ng tingin. Hindi na sya umimik pa at pareho na kaming naglakad papasok ng bahay.

"Now talk, its getting late"
Nakapameywang pa sya habang nakatingin sa akin, seryoso agad agad? Hindi pa nga ako nakaka upo but hey gusto ko yan nakaka-hot lalo.

"Athena its already late, morning perhaps"
Ngumisi ako sa kanya na ikinaikot ng mata nya

"Hindi kaba hahanapin sa inyo?"
"Tulog na sila at gusto kitang makita also to say sorry about my actions a while ago pero hindi sa mga sinabi ko"

Umupo sya sa malapit na upuan crossing her leg, and I cant help myself but to watch every move that her makin I gulp several times to stay sane shes so so fucking sexy.

"Justine"
She called my name with a warning in her voice

"Athena-Do you really want me to stop?"
Sinalubong ko ang kanyang mga tingin dahilan nang paglambot ng matigas nyang ekspresyon.

"Alam mong yun ang makakabuti"
Mahina ang pagkakabigkas nya animoy ayaw din nya ang sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon, at aaminin ko na para ng bibigay ang aking puso pakiramdam ko ang bigat bigat na nito at limitado nalang ang bawat paghinga ko.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon