13

1.1K 35 1
                                    

Athena

"Sigurado na ba tayong sya?"
Kunot noong tanong sa akin ni Farah pagka alis palang nila Justine

"Wala pa akong concrete evidence pero malakas ang kutob ko, sayo na din nangaling kanina lagi mo syang nakikitang may bitbit na camera, narinig mo din ba yung sinabi nya, latest version ng canon camera ang binili nya para saan? Sa mas malinaw na kuha? Isa pa- ibig sabihin knowledgeable sya sa mga function nun, tignan mo to-
Inilabas ko din yung iba pang litrato na nauna ko ng natangap.

-Tingin mo cellphone camera ang may kuha nyan? Kahit ipakita natin to sa eksperto they will say the same thing"
Mahabang paliwanag ko habang tinitignan ang mga picture na nasa lamesa -may katapat na bakanteng lote ang harap ng bahay namin posibleng doon nakapwesto ang taong kumuha nito,palapit na sya ng palapit at yun ang isa pang nakakatakot. Muli akong humigop ng kape matapos nyoy nilabas ko ang aking cellphone.

"Wait Athena, bakit hindi mo nalang tanungin si Justine magkaibigan sila for sure may alam sya kung totoo man ang hinala natin"
Suhestyon ni Farah, but no I can't risk that unless sigurado na nga akong si Tyron ang nagpapadala ng picture

"No, kagaya nga ng sinabi ko at sinabi mo hindi pa ako sigurado, hinala palang to at magkaibigan sila ni Justine, who knows kung anong lamat ang gagawin nito sa pagitan nila, at ayokong ako ang maging dahilan nun"

"Okay if you say so"
Samandal sya sa upuan habang hinihintay din ang susunod kong gagawin, saglit akong nag isip kung tama bang magconduct ako ng own investigation regarding this matter, but hey safety ko na at ng mga anak ko ang nakataya dito tsk, what a pain- nang sigurado na ako sa gagawin sinimulan ko ng tipain ang aking cellphone para magcompose ng message, mabilis na senend ko ito sa pinagkakatiwalaang tao asking her to check and investigate Mr. Tyron Solis's profile including his medical status and history.

"Pag nakuha ko na ang result, saka ko kakausapin si Justine please, Farah sa atin na muna to"
Ibinaba ko ang cellphone sa lamesa para hilutin ang aking sintido, tsk!

"Bakit kasi ang ganda ng lahi natin"
Nakatawang biro ni Farah, well kahit ako nagtataka din.. smirk

#########

Justine

Napakatahimik ng naging byahe namin ni Tyron patungong bahay hangang sa makarating kami ng parking lot ng mall. At sa totoo lang hindi ko alam kong anong una kong itatanong sa kanya, nararamdaman kong iba ang aura nya ngayon kesa sa mga nakaraang araw, bakit ba hindi ko to napansin agad?

"Anong bibilhin mo dito?"
Flat na tanong sa akin ni Tyron, sya na rin ang unang nagsalita at bumasag sa kanina pa naming katahimikan.

"Tol? May problema ba? May gusto ka bang sabihin sa akin?"
Hindi ko na matiis na tanong sa kanya, ayoko ng magpaikot ikot pa lets go down and address the problem.

"What? Wala akong problema ano namang iniisip mo?"
Tumawa sya ng mahina but I sense no emotion on it.

"Come on tol, dont do this to me you are not usually like this I know something is up"
Nakikiusap ang mga matang tumingin ako sa kanya, saglit na lumambot ang ekspresyon ng mga mata nya at frustrated na hinampas nya ng sunod sunod ang manibela ng kanyang sasakyan impit pa syang sumigaw matapos. Rinig ko ang marahas na pagbuga nya ng hangin at tila pinipigil na pag iyak, pero hinayaan ko lang sya ayokong maramdaman nyang prinepressure ko syang magsalita but for him to know that I will always be here.

"Nababaliw na ako kay Athena-
Kinabahan ako ng marinig ang pangalan ni Athena dagli kong naikuyom ang kanang palad ngunit pinili kong manahimik at pakingan sya.

-I t-think Im losing it, bumabalik na naman ako sa dati nararamdaman ko yun and I cant control it"
Mahina pero may diin ang bawat salitang lumalabas sa kanya, alam kong nahihirapan din sya sa sitwasyon nya at hindi rin nya gusto kong ano man ang nangyayari sa kanya ngayon.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon