19

918 34 0
                                    

Justine

"Malapit na pala ang graduation ng mga anak natin Pre, may pinakilala na bang boyfriend si Justine sa inyo?"
Tanong ni Tito Martin sanhi ng pagkasamid ko saktong umiinom pa naman ako ng soda, mabilis na itinakip ko ang table napkin sa mukha ko at doon umubo ubo ng malakas parang kakapusin ako ng hininga Putik.

"Okay kalang ihja?"
Tanong ulit ni tito Martin, si Athena naman ay panay ang himas at tapik sa likod ko. Nasa hapag kami kasama ang iba pa at kumakain ng dinner, nasa kaliwa ko si Athena at ang mga bata, kasunod nun ay si Marcus at si Mam Farah, kaliwang dulo ay si Tito Martin kasunod nya ay si Paris, James, Amy, Mama sa kabilang dulo naman ay si Papa.

"Are you okay?"
Nag aalalang tanong ni Athena, tumango ako ng sunod sunod sa kanya at agad tinunga ang tubig na ibinigay nya sa akin. Mamatay ata ako ng wala sa oras dahil sa tanong ni Tito.

"Ayus ka lang?"
Tanong ni Paris, at kahit medyo malayo sya sa akin ramdam ko ang pag aalala nya, nag thumbs up naman ako bilang sagot at para din malaman nilang okay ako. Sana lang makalimutan na ni Tito yung tanong nya

"Naku pre walang boyfriend si Justine-
Bigla akong kinabahan ng magsalita si Papa, sasabihin ba nya? Please wag muna hindi ko alam kong paano magrereact si Tito. Tumingin ako sa gawi ni papa at sakto namang nakatingin din sya sa akin. Maunawa syang ngumiti bago ulit ibaling ang atensyon sa kausap

-pero pagkakaalam ko may napupusuan na sya hindi ba anak?"

"Y-yes Pa"

"Gusto ka din ba?"
Singit ni Paris wala sa akin ang atensyon nya at nasa pagkaing kinakain, pero mabigat at parang may pait yung paraan ng pagtatanong nya.

"Ahm- e"
Hindi rin ako sigurado sa magiging sagot ko isa pa, alam kong gusto din ako ni Athena pero okay lang bang sabihin ko? Sinilip ko sa dulo ng aking mata si Athena at mukhang wala syang paki alam sa pinag uusapan namin pero bago pa ako malungkot hinawakan nya yung kamay ko sa ilalim at bahagyang pinisil, kaya napangiti ako ng maluwag.

"Naku mukhang wala na atang pag asa si Paris kung ganun"
Tumawa pa sya ng mahina, at gaya ng iba pare pareho kaming napahinto sa pag nguya at pagsubo ng kinakain  dahil sa sinabi niya. Saglit ding nanahimik ng dahil doon at tila pigil ang bawat oras ng halos lahat kami ay mapalingon sa gawi nilang mag ama.

"Dad? you're embarrassing me "
Mahina pero abot sa mga tainga naming reklamo ni Paris

"Im sorry sweetie, I just want to help you"
Bulong pabalik ni tito pero rinig parin naman namin, mag ama nga talaga sila

"Youre not helping me Dad arrgghh"
Reklamo ulit ni Paris, pero sa halip na sumagot tinawanan lang sya ni Tito.

##########

"Mauna na po kami Mrs. Do salamat sa pag imbita"
Paalam ni Athena kay Mama that I happen to heard habang palapit ng kusina

"Sabi ko naman sa iyo, tita nalang ang itawag mo sa akin"

"O-okay po t-tita, mauna na po kami"

"Sige salamat sa pagpunta, sa uulitin dumalaw kayo ulit"

"Opo naman,salamat po ulit"

"Pasensya na at hindi ko na kayo maihahatid sa pintuan at tatapusin ko muna ang pagliligpit"

"Ako na Ma, hatid ko na sila"

"Maigi nandyan ka, sige at lumalalim na ang gabi siguradong inaantok na yung dalawang bata"

Nakangiting nilapitan ko si Athena para ayain ng lumabas dinaanan namin yung dalawang bata sa sala na abalang abala pa sa panonood. Ang ibang bisita ay kanina pa nakauwi maliban kay Athena at dalawang chikiting dahil tumulong pa sya sa pagliligpit.

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon