24

936 28 0
                                    

Athena

"Mine!!!"
Mabilis na sinalubong ni James ang bola at agad na pinasa kay Paris she immediately toss the ball for a set na mabilis namang nakita ni Justine, galing likod ay tumakbo sya ng mabilis palapit sa net at ng masiguro ang distansya mataas na tumalon sya para i-ispike ang bola ng malakas.

"Shit!!"
Farah shouted, hindi nya kasi nahabol ang pagbulusok ng bola kahit pa nagdive na sya sa buhanginan parang ang sakit lang ng pagbagsak nya. Thats the reason why I hate sports ayokong nasasaktan.

"Ano na Ms. Farah bawi bawi din pag may time"
Malakas na kantyaw ni Justine sa pagbangon ni Farah pinupunas pa ng huli ang mga buhangin na agad bumalot sa maputi nyang balat. Well, she have all the right in the world para magyabang, shes good.

"Wag assumera Do, dahil dodotdotin ko yang mata mo pag katapos nitong game sisiguraduhin kong talo kayo"
Tumawa pa sya ng malakas na akala mo kontrabida sa isang pelikula, minsan napapatanong din talaga ako sa sarili ko kung pinsan ko ba talaga si Farah.

"Match point"
Sigaw ni Kim na syang taga sulat ng score sa provided board, team Intern at team Elders ang naglalaban at nakakatuwa lang na sineseryoso nila ang laban para sa maliit na premyong bigay ng company. Pero kung titignan tambak na ang team Elders dahil 15 points palang sila at 24points naman na ang team Intern, malabo na silang makahabol kung hindi sila makakabawi sa second game, talo na sila.

"Go Justine! Go Justine! Go Justine!"

"Shit gurl ang astig ni Justine! Te may pa abs ang lola mo, yummylicious!"
Maarteng sigawan ng mga babaeng nanonood galing sa production department, hindi ako aware na  ganito pala  kalakas ang karisma ni Justine sa tao lihim akong napangiti hindi ko itatanging natutuwa ako sa mga papuri nila para sa kanya.

"Go team Elders!!"

"Mga balakang team Elders, hinay hinay"
Kanya kanyang pakulo ang mga manonood para icheer yung mga paborito nila. Majority ata ng mga tao kahit hindi part ng Sumito company ay dito na pumunta para manood dahil nga sa mainit na laban.

Prrrrrttttt!!!

Malakas na pito ng tumatayong game referee inangat pa nya ang kamay kung nasaan ang court ng team Intern.

"Go Jus!"
Sigaw ni Paris bago malakas na pumalapak pansin ko din tong isang to masyado syang dumidikit kay Justine.

"Tapusin mo na Do"
Sigaw ulit ni Amy tumango naman sa kanya si Justine bago sya lumayo ng kaunti sa line court kita ko din ang malalim nyang paghinga tanda ng kanyang konsintrasyon ilang segundo lang ay hinagis na nya ang bola pataas at mabilis na tumakbo para umipon ng momentom sa pagtalon, halos hindi ko nakita ang pagbagsak ng bola sa kabilang court dahil sa bilis ng delivery nun.

"In!!! Intern score"
Sigaw ulit ni kim, malaki ang pagkakangiti ni Justine ng lumingon sya sa gawi ko na sya ko din namang ibinalik sa kanya.

"Ai shit gurl sa akin ata sya ngumiti" G1

"Sorry to burst your bubble Ateng sila na ni Paris" G2

"Di nga? totoo yan baka naman fake news yan" G1

"Ai hindi gurl sila na talaga saka bagay sila no?" G2

"Ai Oo gurl may chemistry sila ni Justine" G1

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon