14

1.1K 35 1
                                    

Justine

"Excuse me? Hello!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, may iba pa kaming kasama?  Shit!! Baka kung anong isipin nya! Pero bago pa tumalon kung saan saan yung utak ko naramdaman ko nalang yung mahinang tapik ni Athena sa aking likod para pakalmahin ako. Nakaka amaze lang na dagling naging kalmado yung mga muscle ko sa katawan.

"Marcus-
Simula ni Athena, nagbaling ako ng tingin sa kanya to check her reaction pero napakakalmado lang ng maganda nyang mukha, wala akong kaba, takot o kahit anong reaksyon na maaninag dun

"Athena Idol ba sya?"
Mukha syang ppop Idol, bihira akong humanga sa lalaki pero swear this one is my exception

"Huh?"
Kunot noong tanong sa akin ni Athena, nagtataka marahil sa kung anong sinasabi ko

"May artista ka palang bisita, hello po Im Justine nakatira ako sa kabilang bahay"
Saglit na tumingin ako kay Marcus para sya ngitian, kunwari naman syang nahiya at inipit pa sa likod  ng kanyang tainga yung ilang hibla ng kanyang buhok na nakukulayan ng  kulay lila. Napakakinis at ganda ng kanyang mukha . Nasa lahi talaga nila Athena ang pagiging mga dyosa at dyos

"Awww I like this gal, come pasok ka Im Marcus- younger brother ni Ate"
Pansin ko lang na medyo maarte syang magsalita, is he? Parang matagal ko na tong tanong sa sarili napakamot ako sa dulo ng kaliwang kilay

"Kasama ka ba sa ppop group? O lumalabas ka sa mga serye?"
Pasimple kong kinuha ang kamay ni Athena para saglit na pisilin iyun, iiling iling naman na ngumiti sya sa akin pabalik bago namin sundan si Marcus sa sala na ngayoy prente ng nakaupo sa mahabang itim na sofa.

"Ow no dear, Im sorry hindi ko bet yung mga ganun but I do modelling"
Wow model pala sya, sabagay hindi naman na nakakapagtaka yun facial at body features palang above average na sya.

"I see-
Dagli kong naalala ang isang magazine parang nakita ko na sya dun, teka kung hindi ako nagkakamali Asiana Collection, February to April 2021 sya ang-

-Ikaw ang cover photo ng Asian Collection, Feb to April this year , wooow I cant believe this Im so honored"
Inabot ko ang kamay ko sa kanya na agad din naman nyang tinangap, umupo ako sa malapit na upuan at hangang ngayon ay mangha parin dahil sikat palang modelo ang kapatid ni Athena.

"Oh well dear, maliit na bagay"
Ngumiti pa sya na akala mo may kamerang kumukuha sa kanya ng litrato.

"Wag mong masyadong pinupuri yan Justine at baka lumubo na ang ulo nyan, gusto mo bang magmeryenda? May niluto akong empanada"

"Sige ba, thank you Athena"

"Ako din te"

"Akala ko ba diet ka? May shoot ka nextweek diba?"

"Sige na te please"
Ungot ni Marcus, pero hindi na sya pinansin ni Athena at tumuloy na sya sa kusina. Parang gusto ko tuloy magsisi ngayon na nagpaiwan ako dapat ata pala sumama ako kay Athena para tulungan sya, teka paano yung pakay ko?

"Ilang taon kana gurl?"

"19, ikaw?"
Pumihit ako sa direksyon nya

"24, bata mo pa pala-college?"
Sumandal sya sa sofa at tinignan ako na parang sinusuri, arghh nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailang ganito pala ang feeling pag kaharap mo ang isa sa pamilya ng mahal mo.

"Yes, industrial engineering last year ko na ngayon sa college"
Napalunok ako ng laway, nagsisimula na naman akong kabahan

"Ohhh invite mo ko sa graduation mo ah, makikilafang(makikikain) ako"
Tumawa sya ng mahina, tinakip pa nya ang palad sa kanyang bibig para takpan ito parang mas babae pa sya sa akin kumilos

KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon