REVEAL 1

117 9 0
                                    

So, these past few weeks I've always been thinking if gagawa ba ako ng extra revelation sa story na 'to. So far marami talagang nakatagong lihim sa storyang ito and here is it, buo na ang loob ko. Hahahahah.

So, are you ready for the revelation? Yeah, yeah! Let's begin! :')

-------------

(PANIMULA)

PAGKAALIS nina Mang Dante, sakay ng kanilang kotse, napansin nila ang pangangatog ng kanilang anak na si Luke. Naroon ito sa likuran habang may binubulong na kung ano. Sa sobrang hina ay hindi nila maiintindihan.

"Luke, okay kalang ba?" Boses iyon ni Aling Metring. Sa dalawa niyang anak, si Luke ang kanyang paborito. Habang ang asawa naman niya, si Ricka ang idolo.

Hindi sumagot ito.

Si Mang Dante naman ay kasalukuyang nagmamaneho. Hindi niya magawang tignan ang anak na lalaki baka mabunggo pa sila. Atsaka isa pa, wala siyang pakialam dito.

"Anak?" Nag-alala na si Aling Metring. Kita niya sa dalawa niyang mata ang pamumutla ng labi nito. Kumikibot-kibot ang labi na parang may binubulong. Hindi niya ito maiintindihan, wala siyang alam.

Ang malala pa roon, hindi mapakali ang kanyang anak sa kinauupuan. Pawisan ito at takot na takot.

"Ibalik niyo ako, mommy..."

"Ano bang nangyari sa'yo ah? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Nagsimula na siyang mahestirya. "Dante, ihinto mo ang sasakyan! Bilis!"

Huminto bigla ang kotse. "Ano bang nangyari diyan sa anak mo, Melda?" Asik ng asawa sa kanya.

"Huwag kangang ganyan! Nakikita mo bang masama ang pakiramdam ng anak natin?"

"Ano naman ang pakialam ko kung may sakit niyan?" Balik nito kaagad. "Alam naman nating pareho na-"

Nagsalita kaagad si Aling Metring, ayaw niyang may masabi ito na maaring marinig ng kanyang anak na si Luke. "Wala kang kwenta! Napakasama mo!" Akmang hahambalusin niya nang palo ang asawa ng maramdaman nilang bumaba sa kotse ang kanilang anak.

"Anak! Saan ka pupunta ah?" Tanong ni Aling Metring dito. Gulat na gulat. "Bumalik ka dito sa loob."

"B-Babalikan ko si Ericka." Mabilis nitong sagot saka tumakbo.

"Bakit!?" Sumigaw na ang matandang babae.

"Babalikan ko siya, mama! Susunod ako sa inyo! Huwag niyo na akong hintayin!" Sigaw nito habang tumatakbo.

Akmang tatawagin sana niya ang kanyang anak ng makalayo na ito.

Nagulat na lamang ang matandang babae nang biglang umandar ang kotse. Napalingon siya sa kanyang asawa na nagsimula nang magmaneho. "Dante, anong-!"

"Tumahimik ka riyan, Melda. Walang mangyayari sa anak mo kaya umayos ka riyan." Saad nito, ang tingin ay nasa daan. Mabuti nalang ay kaunti lang ang sasakyang kanilang nadadaraanan, hindi masyadong ma-traffic.

"Paano ako tatahimik kung iniwanan natin si Luke!" Angil niya.

"Nag-alala ka kay Luke pero sa anak nating si Ericka, hindi ka nag-alala na ngayon ay mag-isa sa bahay? Nasisiraan kana ba ng ulo ah?" Naiwan namang napatahimik si Aling Melda sa sinabi nito. "Mas mabuti kung nandoon si Luke, may magbabantay kay Ricka." Dagdag nito.

"Paano ang bakasyong ito? Masisira lang dahil sa babaeng iyon?" Inis niyang wika.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Melda. Mukhang nakalimutan mo yatang sino ang totoo nating anak sa dalawa.." makahalugang pigil ng kanyang asawa habang tinignan siya ng tingin. "Alam mong si Ricka ang totoo nating anak, hindi si Luke." Bumalik kaagad ang tingin nito sa daan.

Bagaman gusto niyang magsalita mas pinili na lamang niyang tumahimik. Umayos ng upo si Aling Metring at isinantabi ang pag-alala sa kanyang anak na lalaki.

Buong biyahe walang nagawa ang matandang babae kundi ang tumahimik hanggang sa marating nila ang hotel resort kung saan sila magbabakasyon ng tatlong araw.

Sa isip ni Aling Metring, hindi yata ito ang bakasyon na pinagarap ko. Kasalanan mo 'to, bruha ka.


She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon