REVEAL 3

100 9 0
                                    


Nakatayo ang misteryosong lalaki sa harapan ng biktima na kanyang iginapos at binusalan ang bibig.

Marahan niyang sinipa ang paa nito at nang hindi maalimpungatan, lihim na kumawala sa kanyang labi ang ngiting tagumpay.

Gotcha!

Phone ringing...

"Oh?" Bored na bungad ng lalaki nang may tumawag sa kanya. Hindi na niya kailangan tignan kung sino ang caller, kilala naman niya kung sino ito.

"Nasaan kana ba ah? Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka man lang sumagot 'kang bata ka!" Sigaw nito matapos ang kanyang litinya.

"Tapos?"

"Anong tapos-tapos? Bwesit ka!" Asar nitong sabi, mahina ang boses nito na halatang ayaw marinig ng iba bukod sa kanya. "Ano, nagawa mo ba ang ipinagawa ko sa'yo?"

Saglit na sinulyapan niya ang lalaking nakagapos bago nagsalita. "Oo-"

"Ano!? Sino ang kinanti mo ah? Si Luke ba? Ang anak ko?!" Galit na nga ang bruha.

"Aling Metring, huwag kang mag-alala. Hindi ko sasaktan ang bakla mong anak" nakangising sagot ng lalaki sa kausap.

Natigilan ito. Maya-maya nagsalita si Aling Melda, "Hayop ka! Hindi bakla ang anak ko. Tandaan mo 'yan!"

"Defensive, mama? Eh kung gahasain ko kaya 'to dito? Papayag kaba ah?"

"Hayop ka! Sundin mo nalang ang utos ko sayo, Lake! Huwag mong sasaktan ang kapatid mo-"

"Hating kapatid nga." Dugtong niya rito. Asar na asar.

"-Fine, just... just don't hurt your step brother, Lake. Kung ano ang utos ko, iyon ang susundin mo. Maliwanag ba?"

"Oo na. Asan na 'yong pasigaw-sigaw mo riyan? Mukhang kumalma ka yata?" Sarkastikong anas niya kaagad sa kanyang ina. Alam niya kung bakit ito kumalma, ang hilig pa naman niya ay asar-asarin ito hanggang sa magalit.

Lumipas ang ilang segundo hindi ito nakasagot.

Napalatak ng tawa si Lake. Tawang-tawa. "HAHAHAHA! Sabi ko na, e. Napatahimik karing animal ka. Alam natin pareho mama kung ano ang gusto mo riyan sa anak mong lalaki. Oh, mali pala," ngumisi siya, "ang anak mong binabae!"

"Wala kang hiya..." Humina ang boses nito sa kabilang linya. Nai-imagine na ni Lake kung ano ang mukha nito ngayon, halatang nanggigigil na sa galit. "Huwag mo akong galitin. Tandaan mo iyan. Masama akong gumanti, siguraduhin mo 'yan-"

"Masama? Gaganti? Mama naman!" Nagkunwari siyang nasaktan. "Baka ang gusto mong sabihin 'e matagal ka nang masama, mukhang nakalimutan mo lang. HAHAHHA! Huwag kang feeling malinis diyan, alam nating dalawa kung ilang turon na ang nakapasok diyan sa pokpok mong kweba bago ka naluklok sa pagiging doktor! What a BITCH!"

"M-Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Lake! Hindi ka buhay ngayon kung hindi dahil sa akin! Hindi mo alam kung ano ang hirap na pinagdaanan ko bago ako namukadkad!"

Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tenga. Narindi sa lakas nitong sigaw. "Huwag mo akong sigawan, mama. Mukha kang alien." Napasinghap si Lake bago sumagot, "Oh, ibaba ko na to ah? Naku, kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa'yo, matagal na kitang pinugutan ng ulo."

"Tandaan mo ang bilin ko sa'yo. Patayin si Ricka. Huwag mong idamay si Luke. Parang awa muna.."

"Sige. Sabi mo, eh. Pero maiba nga, bakit gustong-gusto mong patayin ang kapatid kung babae ah? Este half-sister pala. Naks, ang ganda nang anak mo ah. Kung hindi ko lang alam na magkapatid kami sa ina, matagal ko na iyan niligawan at pinagsawaan." Tawang-tawang aniya at sumagi naman sa kanyang balintataw ang mukha ng dalaga. Minsan lang niya ito makita dahil balita niya lagi itong nakakulong sa bahay. Kung hindi palang kilala niya ang ina nito, matagal na niyang inisip na may sakit ang babae kaya lagi itong nakatago sa madilim na sulok.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon