"RICKA.. Gising na.." narinig niya ang boses ng kanyang kuya Luke na tinatawag ang kanyang pangalan. Marahan ang tono nang pananalita nito ngunit nababakas doon ang pag-alala.
Bahagya pa nitong inalog ang kanyang balikat dahilan na naalimpungatan siya lalo. Nasaan ako?
Agad na naamoy niya ang medisina sa loob ng kwartong ito. Ang amoy na iyon ay pamilyar sa kanya... Nasa hospital ba ako? Ano ang ginagawa ko rito? Naguguluhang tanong niya.
Napahinto sa pag-iisip si Ricka nang marinig niya ulit ang boses ng kanyang kuya Luke. Patuloy tinatawag ang kanyang pangalan.
Nakapikit parin ang kaniyang mga mata. Walang ganang ibukas iyon.
"Gising na uy. Na-miss ka na namin. Na-miss na namin ang pagiging up mataray mo, Ricka. Namiss na namin ang pagiging pasaway mo, wala na kaming masasaway dahil nakahilata ka diyan," nakinig lang si Ricka sa kinuwento ng kuya niya sa kanya, "gumising kana diyan. Huwag kang madaya uy. Sige ka, baka magtampo ako niyan." Lihim lamang nakinig si Ricka.
Sa isip niya, ano naman ang nakain ni kuya Luke at ganyan ang trip niya? Natawa pa si Ricka sa kanyang isipan.
"Alam mo bang bawat birthday mo 'e naghahanda kami sa'yo? Oo, e. Kahit hindi ka namin makasama sa birthday mo, nag-si-celebrated parin kami. Lagi kaya kami nandito sa room mo tapos kinakantahan ka namin ng 'happy birthday' aasang magigising kana diyan. Ops. Maiiyak ako ah? Asus, biro lang." Tumawa ito. "Oo nga pala, nakalimutan ko na matanda ka na pala. 21 na ah. Naks naman noon 19 ka palang 'e," Kwento ulit nito dahilan para mabingi si Ricka sa sinabi nito.
21 years old na ako? Paanong nangyari 'yon? Ano bang nangyayari? Bakit wala akong matandaan na kahit ano?
Nagpanggap lang ng tulog si Ricka. Gusto niyang makinig pa sa kanyang kuya kahit naguguluhan na siya sa mga pinagsasabi nito.
"Dalawang taon na pala ang lumipas Ricka bago ka namin dinala rito sa hospital.." dagdag nito na ikatitigil niya.
Dalawang taon na pala akong nandito sa hospital? Paanong... napatigil sa pag-iisip nang malalim ang dalaga ng marinig niyang tumunog ang cellphone ng kanyang kuya Luke.
Hindi niya alam kung bakit... May naalala siya bigla.
Dalawang taon na pala ang nakakalipas pero ang ringtone ng cellphone ng kanyang kuya Luke ay tandang-tanda niya pa.
"Hello, bro? Yup. Nandito ako. Bakit?" Paused. " Ah, okay. I'm coming. Oo na. Hahhaa" may kausap ito sa cellphone nito. "Oh, paano ba 'yan Ricka? Aalis muna ako ah? May pupuntahan lang ako. Mag-iingat ka dito,ah?" rinig niyang paalam ng kuya Luke sa kanya.
Gusto niya itong pigilan upang tanungin pero nagdadalawang isip si Ricka.
Maya-maya pa ay narinig ng dalaga ang pagbukas-sirado ng pintuan sa room niya. Hudyat na lumabas na ng tuluyan ang kanyang kuya.
Hinintay niyang lumipas ang limang segundo saka nagmulat ng mata si Ricka. Napasinghap pa siya nang makita niya ang liwanag na nanggaling sa bintana.
Shit...
Mabilis na sinangga ni Ricka ang kanyang kamay sa kanyang mata. Masakit sa mata. Pumikit ulit ang dalaga at nagmulat, saka sinanay niya ang kanyang paningin sa nakakabulag na liwanag.
Nang maaayos na ang lahat, lihim niyang in-oobserbahan ang kwarto. Nilibot ni Ricka ang tingin kung 'asan siya ngayon, nanuot sa kanyang ilong ang amoy ng medisina.
Ang tanong bakit siya nandito?
Unti unting pumapasok sa isipan niya ang nangyari noong gabing iyon. Bumigat ang paghinga niya. Husko...
BINABASA MO ANG
She Was Alone (Part One)
Mystery / ThrillerSiya si Ricka laging mapag-isa. Takot sa liwanang dahil nasisilaw siya. Paano kung dahil sa kanyang pag-iisa may mangyaring masama sa kanya? Ipikit ang mga mata at tuklasin natin ang madilim niyang storya! Written by WencyllSanti This is a work of...