"AHHHHHHHHHHH!"
Agad na napabalikwas sa pagkakahiga si Ricka mula sa kanyang panaginip.
Hapong hapo siya.
Mahahabang paghinga ang kanyang nagawa. Pawisan at nangangatog sa kaba't takot.
Bumibilis ang kabog ng kanyang dibdib.
Panaginip lang pala! naisigaw niya sa kanyang isip. Napagtanto niyang nasa loob siya sa kanyang kwarto ngayon.
Tumagal ang ilang segundo nang sa wakas ay napakalma na ni Ricka ang kanyang sarili. Mahabang paghinga ang kanyang nagawa kasunod ay pagtulo ng pawis mula sa kanyang noo.
Maiilap ang mga mata, nanginginig ang kalamanan na pinalibot ng dalaga ang kanyang tingin sa kabuhuan.
Nasa kwarto parin siya.
Nakampante naman siya kahit papaano dahil doon.
Biglang bigla nalang pumasok sa kanyang utak ang kanyang nasa panaginip. Parang totoo…
Maya-maya natigilan sa pag-iisip ang dalaga.
Hindi siya makapaniwala.
Napatulala ang dalaga nang marinig niya ang kahol ng aso sa kanilang kabit-bahay!
At doon niya na-realize....
na parang De Ja Vu ang nangyari sa kanya!
SHIT!
..
.
.
.
ALAS DIEZ na ng gabi. Hindi makatulog ang dalaga. Inubos nalang ang oras niya sa kapapanood ng T.V sa kanilang sala.
Dalawang oras rin siyang nakaupo bawat magdamag.
Nakaramdam siya ng biglaang pagkaantok.
Tumayo si Ricka. Nagtungo siya sa kanilang kusina upang magtimpla ng gatas, iniwan niya na nakabukas ang kanilang T.V.
Pagbalik niya, nanginig ang kalamnan niya.
Hindi siya makapaniwala.
"P-Pa-paanong nangyari 'y-yun..." Nauutal na bulong niya. Ang kanyang tingin ay nasa telibisyon.
Bigla nabitawan niya ang hawak niyang baso na naglalaman ng tinimpla niyang gatas.
Agad na nabasag iyun.
Nanigas sa kinatatayuan si Ricky.
Hindi siya makapaniwala.
Sunod-sunod ang kanyang paglunok na tila ba'y mauubusan na ng laway.
Ang kanyang tingin ay nakatuon sa isang bagay na hindi niya aakalaing nangyari.
LUNOK.
SHIT...
Ang palabas kasi sa kanilang telibisyon-
ay siya na kumakanta ng 'row row your boat' noong bata pa siya!
.
.
.
.
10P.M and she still awake. She can't sleep. Hindi niya alam. Maging siya ay wala siyang idea. Nakititig lang si Ricka sa kisame, hindi parin makapaniwala sa eksenang nangyari kanina.
Maraming tanong ngunit walang matinong sagot.
Gaya ng kung paano iyun nangyari? Isang rom-com ang kanyang pinanood kanina at nalingat lang siya sandali para magtimpla ng gatas sa kusina, pagbalik niya isa ng tape ang nakasalang sa kanilang DVD player. Ang malala pa ay ang tape niya iyon ng bata pa siya!
BINABASA MO ANG
She Was Alone (Part One)
Mystery / ThrillerSiya si Ricka laging mapag-isa. Takot sa liwanang dahil nasisilaw siya. Paano kung dahil sa kanyang pag-iisa may mangyaring masama sa kanya? Ipikit ang mga mata at tuklasin natin ang madilim niyang storya! Written by WencyllSanti This is a work of...