ALONE 4

249 14 0
                                    

"HUWAG kang lalapit..." Sinulyapan niya ito nang tingin, nangangatog siya sa takot. "Pakiusap... Layuan mo ako..." Gumaralgal ang boses ni Ricka habang walang tigil siyang nagmamakaawa dito.

Nasa harapan na niya ang lalaking naka-raincoat na kulay pula. Kulang nalang ay mahalikan siya sa sobrang lapit nito sa kanya. Nakausli sa labi nito ang nakakapangilabot na ngisi. Iyong tipong ngiti nang demonyo. Maging ang mainit nitong hininga, nararamdaman pa ni Ricka.

Nakakapanindig balahibo.

Agad na napaluha ang dalagang si Ricka. Bakas sa mukha niya ang takot at pangamba na baka may gawin itong karumaldumal sa kanya. Sana naman ay hindi! Husko!

Gustuhin man ni Ricka na itulak ang nilalang na ito para makatakas, alam niya sa kanyang sarili na wala siyang lakas na gawin iyon. Sa katawan palang ng lalaking ito, tanggap na niyang dito na siya matatanggalan ng ulo.

Isa-isa tuloy pumasok sa isip ni Ricka ang mga payo at paalala ng kuya Luke at mama niya sa kanya noon... Ilan man sa mga iyon hindi niya pinakinggan.

"Ricka, tumigil kana diyan sa kaka- cellphone mo! Wala ka nalang ibang ginawa kundi ang lunurin iyang sarili mo diyan!" Boses iyon ng kanyang mama, nakatayo sa hamba ng pintuan.

"Hoy, Ricka. Lumabas ka naman paminsan-minsan. Tignan mo nga 'yang sarili mo oh? Para ka ng zombie sa itsura mo ngayon."

"Paki ko ba kuya Luke? Eh, ayaw ko ngang lumabas 'e. Nasisilaw ako sa liwanang. Sumasakit ang ulo ko." Pagdadahilan niya noong kausap niya ang kanyang kuya Luke.

"Asus. Ikaw bahala. Pero bilang kuya mo, responsibilidad kung pangaralan ka. Magtaka kanalang sa susunod na wala ng kuya Luke mo ang susuwayin ka. Wala nang ako ang itatama ka sa mali mong gawain at higit sa lahat wala ng ako ang pakikialaman ang buhay mo." Wika ng kuya Luke niya, "Pero Ricka, makinig ka naman sa amin. Wala kaming atensiyon na saktan ka, naiintindihan mo ba?  Ang gusto lang namin mapabuti ka. Yun ang dapat mong isipin. After all, ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo, e. Ang magagawa lang namin ay pagsabihan ka nang pagsabihan." Ngumiti ito sa harapan niya at tinapik pa ng kuya Luke ang balikat niya bago siya nito iniwan... naman.

Hindi na bago sa kanya ang mga iyon. Wala siyang pakialam kung mamatay ito sa kakasigaw sa kanya. Bahala sila.

"Hoyy! Aba, kang bata ka! Maglinis ka naman sa bahay Ricka! Ano ba ang trip mo sa sarili mo? Ang mag-papa-feeling Señora sa bahay na ito? Hoy, paalala ko lang sa'yo ah, sa akin ka lumabas kang bata ka kaya matuto ka namang tumanaw ng utang na loob!" Galit na galit na wika ng mama niya sa kanya at dinuro-duro pa siya nito ng hawak nitong walis.

Ayaw niya talagang maglinis. Wala siyang alam na gawaing bahay. Ni ang pagluto ng itlog ay hindi niya alam, ni ang paghugas ng pinggan ang kanyang kuya pa ang gagawa. Literal na wala siyang alam. Sabagay, pinapangunahan ng katamaran.

"Sino ba kasing magsabi na mag-aano kayo ni papa ah? Kasalanan ko bang nabuntis ka at isilang ako? Wala naman, ah. Kung ayaw mo palang sasakit ang ulo mo. Eh huwag ka ng manganak ulit! 'E di sana noon pang buntis ka palang, pinalaglag mo na ako-" napahinto sa pagsagot ang dalaga ng maramdaman niyang may dumapong kamay sa mukha niya.

Sa sobrang lakas no'n, maging ang ulo niya ay napatabingi bigla!
Sinampal siya ng kanyang ina.

"Napakawalang hiyang bata ka! Sumasagot kana ah!" Hiyaw nito, galit na galit. "Maawa ka naman, Ricka! Akala mo lang madali lang ipalaglag sa sapupunan ang sarili mong anak? Pwes, nagkakamali ka! Nagkakamali ka!" Sigaw nito sa kanya, "Kung alam ko lang na sakit lang pala sa ulo ang mabibigay mo dito sa pamilyang ito, noon pa man matagal ko ng ginawa iyon!" Dagdag nito.

Napayuko na lang ang dalaga. Sa isip niya, 'Ah, sampal na naman? Weak. Di naman gaano kasakit.' Napangisi siya.

Napansin niyang tumalikod na ang kanyang mama sa kanya at sa isang iglap naiwan na naman siyang mag-isa sa kanyang kwarto noon.

Gaya nang dati; pasok sa tenga, labas ulit. Paulit ulit ginagawa iyon ni Ricka sa tuwing pinapangaralan siya nang mga ito.

Tanging papa lamang niya ang nandiyan sa kanya.

Napahagulgol lang nang iyak si Ricka nang maalala niya ang mga 'yon. Ang mga alaalang binalewala niya noon na susi ngayon. Pinagsawalang bahala lamang niya ito.

Walang nagawa si Ricka nang hawakan siya nito sa kanyang balikat. Agad na naramdaman niya ang mga kamay nitong humahaplos pataas sa leeg niya dahilan upang mangilabot siya.

Nakakapanindig balahibo na nakakadiri!

Sa paraang paghaplos nito, alam na niya ang binabalak nito sa kanya. Ang kasunod na ayaw niyang mangyari!

Bago pa man mahimas nito ang maamong mukha niya, inunahan na niya ito. Kinagat niya ang kamay nito at kasabay no'n sinipa niya ang parteng iyon kaya nabitawan ng lalaki ang hawak nitong palakol.

Naghuhumiyaw ito sa sakit at impit.

Walang oras na sinayang ang dalaga kaya't tumakbo na siya paalis sa kanyang kwarto.

Narinig pa niya ang pamimilipit nito sa sahig.

Yan ang bagay sa'yo! Piste!

Agad na pumanaog si Ericka sa hagdan nila at nagtungo sa pintuan. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at hindi alam ang gagawin!

Akmang bubuksan niya ang pintuan ng makarinig si Ricka nang kalansing.

Kusang natigilan siya ng makitang naka-lock ang pintuan nila!

Putragis!

Pinagpawisan ang dalaga nang malapot. Natataranta at nagpapanik.

Napalingon siya sa taas at nanlaki ang mga mata niya na naroon na ang lalaking iyon, nakatayo at nakatitig sa kanya!

Agad na kinabahan si Ricka at hindi alam ang dapat niyang gawin. Nakakasigurado siyang naka-kandado ang lahat ng pintuan sa loob ng bahay nila. Kahit saan siya magtago, mahahanap din siya ng killer na ito.

Nanatiling nakatingala parin ang dalaga dito. Kahit natatakot na siya sa maari nitong gawin, nagpatatag parin si Ricka. Nangangatog ang tuhod niya at kinikilabutan pa nang sobra-sobra.

Ang hindi inaasahan ni Ricka ay ang pagtaas nito ng palakol na hawak. Kitang kita niya iyon sa kanyang dalawang mata.

Agad na bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib! May ideya na siya sa kung ano nitong gagawin. Hindi siya sigurado. 

Natanaw niyang pumosisyon ito, handa nang ibato sa kanya ang palakol.

Sa hindi inaasahan na oras, nanlambot ang mga tuhod ng dalaga. Dumoble pa ang paglaki ng kanyang mga mata!

Sa paningin niya, unti unting nag-slowmo ang lahat. Animo'y umiikot-ikot pa ang palakol sa ere!

At doon sumiksik sa utak ni Ricka na kapag hindi siya gagalaw sa kanyang kinatatayuan ngayon, tiyak na matatamaan siya nito ng palakol na iaasinta sa kanya!

Dahil roon, agad na napatakbo si Ricka pa-kaliwa para maiwasan ang palakol na tatama.

Gano'n nalang ang paglaki ng mata ni Ricka ng makaramdam siya ng kirot.

Bago paman makahakbang siya, bumalatay sa kanyang mukha ang sakit nang matamaan sa wakas ang kanyang braso!

Napasubsob siya sa sahig. Namimilipit sa sakit. "AHHHHHHHH!"

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon