REVEAL 2

93 9 0
                                    

(ALONE 1)

HINGAL na hingal na umakyat sa bakod si Luke sa kanilang bahay. Maingat ang kanyang pag-akyat hanggang sa makababa. Marahan pang tumutulo ang pawis sa kanyang noo, halatang napagod siya sa kakatakbo ng ilang metro.

Nang makababa na siya, napadapo ang kanyang tingin sa kanilang likod bahay nang may aninong dumaan. Sa sobrang bilis no'n, alam niyang nanakbo ito at nagmamanman.

Lumakas ang hinala ni Luke. Pakiramdam niya pinagpawisan siya ng sobra at hindi mapakali.

Iniisip niya ang kanyang kapatid na si Ricka. May pagka-shunga pa naman ang kanyang kapatid na babae. Makakalimutin ito at iyon ang kanyang kinatatakutan. Baka hindi nito naayos isara ang kanilang pintuan.

Walang oras na pinaghintay ang binata, bagaman natatakot, pilit niyang sinundan ang aninong kanyang nakita. Nang malapit na siya agad siyang nagtago sa pader. Pinapakiramdaman ang paligid.

Tahimik.

Dahan-dahan siyang sumilip at ng makasiguradong walang tao, agad siyang umalis sa kanyang pinagtataguan. Nagsimula na namang humakbang ng marahan. Ingat na ingat na baka makagawa ng ingay.

Mas lalong pinagpawisan si Luke ng makarinig ng mahinang kaluskos sa kanilang bodega. Ang kanilang bodega ay nasa labas ng kanilang likod-bahay, matagal na itong hindi ginagamit at pinaglumaan narin ng panahon.

Dahil gawa ito sa mga wire, nakita ni Luke ang nasa loob nito. Masyadong madilim. Oo, May kaunting liwanag ngunit nagmumula iyon sa butas na nasa kisame.

Walang kahina-hinala. Wala siyang napansin na kakaiba.

Nagsimulang maglakad si Luke. Iniisip ang kapatid niya ngayon. Gusto niya itong tawagan ngunit nagdadalawang isip siya. Siguradong-sigurado siyang may tao sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung na saan na ito ngayon. Kung nakapasok na ba ito ng tuluyan o nandito pa ito sa labas. Nagtatago.

Ang ikinababahala lang niya ay ang kaligtasan ng kanyang kapatid. Wala ng iba pa bukod doon.

May kalakihan ang kanilang bahay at malawak ang kanilang bakuran. Natatabunan ito ng naglalaking puno kaya masyadong patago. Bukod pa sa naglalakihang puno, mataas rin ang kanilang bakod na kung tatantiyahin ay may sampung talampakan.

Kusang napahinto ang lalaki ng marinig niya ang malakas na tugtog ng kanyang kapatid sa loob. Rocksong ang pinatutog nito at nakakarindi iyon kapag pinapakinggan.

Tuloy naisip ni Luke kung hindi ba ito naiingayan sa ganoong tugtog. Mukhang sanay na ang dalaga.

Mahina lang ang tugtog sa labas pero kung papasok siya sa loob, mukhang may ilalakas pa iyon.

Nagpatuloy si Luke sa paglalakad, nalibot na niya ang labas ng kanilang bahay pero walang anino siyang nakita o taong nagpakita.

Mas lumakas tuloy ang kanyang hinala na nagtatago ito. Kung saan nagtatago ay hindi niya alam.

Maswerte siya dahil hindi siya nakita ng kanyang kapatid na babae. Kung hindi, masisira ang kanyang plano.

Bumalik sa bodega si Luke at nang oras na iyon ay siya namang hinto ng pagtugtog sa loob ng bahay. Kung ano ang ginawa ng kanyang kapatid sa loob ng kanilang bahay, iyon ang wala siyang ideya.

Malayo ang loob niya dito kahit no'ng bata pa sila. Halos magka-edad lang sila ngunit matanda siya dito ng tatlong taon. Bagaman mailap ito sa kanya, mas lalo siyang nagpursigeng maging ka-close ang nasabing babae.

Hindi na niya matandaan kung ilang jokes, ilang kabobohan ang kanyang nagawa para lang gumaan ang loob nito sa kanya. At sa wakas, nagtagumpay nga si Luke. Naging malapit na ang loob nito sa kanya. Pwera sa kanilang Ina na lagi itong pinupuna sa mga kunti nitong pagkakamali. Ni ang simpleng bagay lang na ginagawa nito, sigaw ang matatanggap nito sa kanilang Ina.

Ilang segundong nakatayo si Luke sa labas ng bodega bago niya napagpasiyahang pumasok sa loob. Pagkapasok palang niya, alikabok na ang kanyang nabungaran.

Napaubo ang lalaki.

Shit.

Mukhang magkakaroon yata siya ng hika sa sobrang kapal nang alikabok na kanyang nalasap. Hindi nakaligtas sa kanya ang lawa ng gagamba na ngayon ay nasa kanyang ulo at balikat. Marahan niyang pinagpagan ang kanyang damit upang matanggal ang duming nakakapit.

Sa pangalawang pagkakataon, marahang ginala ni Luke ang kanyang tingin sa loob ng bodega. Maraming nakatambak na mga bagay na hindi na nila napakinabangan pa. Naroon ang kanilang lumang telebisyon, aparador, kama na pinatungan ng mga kahon-kahon at marami pa sa mga iyon.

Bagaman nahihirapan  sa paghinga ang binata sa kapal ng alikabok, nagpatuloy ito sa paglalakad. Marahan minanmanan ang nasa paligid, bawat mata niya ay naka-alerto sa kung saan. Nagbabakasakali na may matatagpuang kung ano.

Hindi maayos ang paglalagay ng mga kagamitan rito sa loob. Makikita na magulo ito at wala sa ayos. Kunsabagay, bodega ito at hindi silid-aklatan. Nakakalat pa sa sahig ang ilang mga papel na hindi na gamit; mga papeles na hindi na makikinabangan pa. 

Wala sa ugali ng kanilang magulang na ipagbili ang mga kagamitan nilang hindi na makikinabangan pa. Masyado itong busy sa kanya-kanyang trabaho kaya wala itong time sa kung ano. Isang taxi driver ang kanyang papa at isa na namang doktor ang kanyang ina.

Kusang napahinto ang binata ng may namataan siya sa sahig. Kumunot ang kanyang noo na dahan-dahan niyang kinuha ito.

Binasa niya ang mga naka-lathala sa isang papeles. Mukhang sa kanyang ina nanggaling ang mga iyon. Halos manlaki ang kanyang mata sa kanyang nabasa. Upang makasigurado, binasa niya ulit iyon nang paulit-ulit hanggang sa maunawaan ang mga nilalaman.

May pinulot pa siyang maraming mga papeles. Mukhang nanggaling ang mga ito sa kahon na nasa kanyang tabi na ngayon ay nakatumimbawang na.

Bawat pag-buklat ng binata, mas lalong lumalaki ang kanyang mga mata. Nang hindi na makayanan pa ang kanyang nalaman, binatawan niya iyon nang wala sa sarili.

Nanghina siyang napasandal sa aparador. Animo'y mawawalan ng lakas upang humakbang pa. Ilang beses niyang sinulyapan ang mga papeles na iyon na nasa sahig na, nakakalat.

Hindi kaagad nakuntento si Luke. Marahas niyang binuksan ang aparador na nasa kanyang likuran at doon niya nakita ang isang manika. Mukhang matagal na itong nakatambak rito at halatang hindi na nagamit pa sa hindi maipaliwanag na rason.

Akmang tatalikod na sana ang binata ng may dumapong kahoy sa kanyang ulo! Sa sobrang lakas ng hampas nito, agad siyang nahilo at napahandusay sa sahig. Duguan ang kanyang ulo at makirot iyon.

Shit… Mura niya sa kanyang isip ng maramdaman niyang may humila sa kanya. Kung sino ito, hindi niya alam. Gusto niyang pumalag pero napagtanto niyang hindi niya kaya. Masyadong malakas ang hampas nito sa kanyang ulo gamit ang kahoy para makabawi siya ng lakas.

Hindi na alam ni Luke ang sumunod na nangyari. Ang alam lamang niya, kusang nakapikit ang kanyang mata ng may pampahilo itong ipinaamoy sa kanya.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon