REVEAL 4

77 9 0
                                    

DAY 1

HALOS magngitngit ang ngipin ni Aling Melda ng makita niyang mahimbing na natutulog ang kanyang asawa sa kama. Halatang pagod ito sa kanilang ipinagagawa nila kanina. Magkatabi silang dalawa at maluwag naman ang kama dahil king size bed ang kanilang narentahan.

Kanina kumain lang sila sa lobby at nag-swimming. Marami silang ginawa ngunit para kay Aling Melda, hindi iyon masaya. May kulang... at nadismaya siya kung bakit wala ang anak niyang si Luke upang damayan siya sa sakit na kanyang nararamdaman.

Kulang nalang ay sakalin niya ang asawa sa sobrang pagpipigil niya ng galit. Naningkit ang kanyang mga mata at gigil na gigil sa hindi maipaliwanag na rason.

Naalala naman ni Aling Melda ang ginawa nito sa kanya noon....

Isa siyang prostitute sa kilalang bar noon nang makilala niya ito, si Dante. Akala niya isa itong mayamang negosyante dahil lagi niya itong nakikita sa bar, nakasuot ito ng suit at mukhang sosyal nga ang datingan.

Noon, walang pinipili si Aling Melda, mapa-binata man 'yan o may asawa, pinapatulan niya alang-alang sa naghihimutok niyang sikmura sa gutom.

Kung hindi sya kikilos at tutunganga lang sa tabi, wala siyang mapapala kundi gutom ang kanyang aabutin. Nang araw ding iyon ay libre siya kaya pwede siyang makipaglandian nang kung sino ang kanyang matitipuhan.

Lumapit siya rito at tinanong niya ito. Halos magulat si Aling Melda na propesyunal itong magsalita. Halos walang kakaba-kaba sa boses nito. Natural itong magsalita at ang nagustuhan ni Aling Melda rito ay mapagbiro ang lalaki kaya gumaan ang kanyang loob niya kalaunan.

Halos limang buwan rin pumupunta ang lalaki sa bar na pinagtatrabahuan niya at kalaunan nakilala niya ito pangalang Dante. Sa tuwing naroon iyon sa bar, siya lang ang kinakausap nito na kaagad naman niyang ikinatuwa.

Lumipas ang anim na buwan ay nalaman ni Aling Melda na isa itong negosyante sa kilalang kompanya. Hindi lang iyon, nag-alok itong bibilhin siya upang makatakas sa masalimuot na lugar na kanyang kinasisindakan.

Agad na um-oo ang ginang. Mabilis nangilid ang kanyang luha sa sobrang saya.

Iyon talaga ang gusto ni Aling Melda, ang makatakas sa rehas na ito. Kung hindi lang siya inambandona ng kanyang inang pukpok 'e tiyak na wala siya rito hanggang ngayon. Masyado siyang inosente upang pasukin ang pagiging bayarang babae sa edad na dose anyos. Wala siyang magawa kundi tanggapin ang nakatakda sa kanya. Kalaunan rin ay nasanay na si Aling Metring sa buhay na meron siya.

Ngunit parang ngayon...may nagbigay sa kanya ng liwanag upang magbago. Kung noon, ayos lang sa kanya ang makipagtalik ng kung sino-sinong lalaki. Ngayon ay hindi na. Dahil kay Dante, nagbago ang lahat sa isang iglap.

Nangako ito na kapag makakalabas na siya, sasama siya rito at bibigyan ng maayos na buhay.

Iyon nga ang nangyari. Nakalabas si Aling Melda sa bar na kanyang pinagtatabahuan ng ilang dekada sa halagang kalahating milyon. Oo, mahal ang kanyang presyo dahil isa siya sa mga mahuhusay na babaeng bayaran. Kung sex man lang ang usapan, maraming alam diyan si Aling Metring.

"Ito na ba ang bahay mo?" Tanong niya kay Dante nang idinala siya nito sa bahay.

May kalakihan naman ang bahay. Ang nakakapagtaka nga lang ay luma ito at masyadong...nakakatakot. Akala pa naman niya ay titira siya sa magarang mansiyon, iyong mga mansiyon na lagi niyang napupuntahan tuwing may bidding na nagaganap.

Sinulyapan niya muli ang bahay, mukhang haunted house yata ang kanyang matitirahan.

Tinignan siya ng kanyang asawa ngayon. "Oo. Mayaman ako Melda at ayaw ko ng malaking bahay. Ang gusto ko ay maliit lang, para sa ating dalawa.... at sa ating mga anak." Nakangiting ani nito at para hindi magmukhang mapipili siya, nginitian niya ito ng pabalik.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon