ALONE 1

513 12 0
                                    

Pagkaalis ng mga ito ay agad tinungo ni Ricka ang mga pintuan at bintana sa iba't ibang sulok ng kanilang bahay.

Isinirado niya ang mga 'yon. Walang tinira na nakabukas.

Nagmistulang dilim ang loob. Nagtungo siya sa switch at in-on ito. Nabigyan na rin sa wakas ng liwanang.

Napabuntong-hininga pa siya. Mamaya pa ay napatalon siya sa sobrang tuwa!

'Yes! Masosolo ko narin itong bahay! Magagawa ko narin ang gusto ko!'

Walang ina na palagi akong binubwesit, walang kuya Luke na mangungulit sa'kin! Haysss. Napaikot-ikot pa siya, bakas sa kanyang mukha ang nag-uumapaw na saya't tuwa. Ang sarap ng buhay! Whooo-aaah!
.

.

.

.

.

Naalimpungatan si Ricka mula sa pagkakatulog nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Bakit may tao sa kwarto ko? Iyon kaagad ang naitanong niya. Nakahilatay siya sa higaan at lihim na in-oobserbahan ang paligid.

Agad na kumunot ang noo ng dalaga. Shit…

Hindi siya gumalaw sa kanyang kinahihigaan.

Ni ang paghinga ay tila pinigilan pa niya.

Ang bawat minuto ay lalong bumibigat, bawat pintig ng kanyang puso ay lumalakas-bumababa.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng tahol ng aso sa kabilang bahay. Dahil sa tahol na iyun, bigla siyang napabangon. Kinakabahan na baka may nakapasok sa bahay na ito.

Takot man ang dalagang si Ricka ay wala na siyang pagpipilian pa. Kailangan niyang makasigurado. Kahit ito pa ay delikado at masyadong mapanganib kung ito man ay totoo.
.

.

.




.







.

HAWAK ang baseball bat, dahan-dahan siyang naglakad pababa ng hagdan. Kumakabog ang kanyang dibdib. Nalilito at naghi-histerya sa sobrang takot. Bakas sa kanyang mukha ang agam-agam at pangamba na baka ito na ang katapusan niya.

Nang makababa na ng tuluyan ang dalaga, mas humigpit ang hawak niya sa kanyang bitbit. Kasabay nang paglakas ng kanyang pintig, nanlaki ang mga matang nakamasid ang dalaga sa bawat paligid.

At doon niya napagtantong-

.




.





.






.

nakapatay ang lahat ng mga ilaw!

Na noon bago pa siya umakyat kani-kanina lang ay in-on pa niya ang mga ito? Paanong nangyari 'yon?

"Aww! Aww! Arf! Arf!"

Lumakas ang tahol ng aso. Dumaragdag iyon sa kanyang takot.

"Shit..." Wala sa katinuang naibulong niya.

Dahil masyadong malaki ang bahay nila, nahihirapan siyang magtungo sa bawat pintuan. Sa kadahilan na nangangatog rin ang mga tuhod niya, nanginginig rin ang mga ito na parang nanlalamig.

Sa pangalawang pagkakataon, narinig ulit ni Ricka ang malakas na tahol ng aso sa kabilang-bahay.

Sa bawat hakbang na ginawa niya ay masyadong maingat. Maging ang paghinga ay kontrolado pa.

Nasa bungad na ng kusina si Ricka ng mapansin niyang bahagyang nakabukas ang pintuan ng kusina nila. Hindi na iyon naka-lock na kanina lang in-lock niya ito bago siya nagtungo sa kanyang silid.

Agad nanlaki ang bilugan niyang mga mata. Bakas pa sa sahig ang mga putik na kaybago lang.

Ang nakakahilakbot pa doon, bakas iyon ng paa ng isang tao!

'May nakapasok!' nagsimula ng maghisterya ang dalaga sa takot. Agad na nabitawan niya ang hawak niyang baseball bat. Sanhi na gumawa iyon ng nakakabinging tunog.

Abot abot ang kaba niya. Kulang nalang ay mapaihi si Ricka sa kanyang palda sa sobrang kilabot at labis na pagkatakot.

Maya-maya, natigilan ang dalaga.

Hindi siya makagalaw nang maramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likuran.

Gusto man niya itong lingunin, hindi niya magawa. Dahil narin sa kanyang agam-agam na baka kapag lumingon siya, deadbols siya. Tigok. Baka hampasin siya nito ng kahoy kung may dala man ito.

Hindi na siya makatiis.

Napaihi na ang dalaga sa kanyang salawal.

Nangangatog ang tuhod.

Hindi makahinga nang maayos.

"S-Sino k-ka.." bagaman natatakot si Ricka ay nagtanong parin siya kahit sobrang hina na ang kanyang boses.

Lumipas ang ilang minuto, wala siyang natanggap dito.

Alam niyang...... nakatayo ito sa kanyang likuran. Nararamdaman niya ang malakas nitong presensya. Ang presensya nitong naghatid ng ibayong kaba sa kanyang sistema.

Lunok.

Husko… Lilingon ba ako? Anong gagawin ko?

Hindi niya alam!

Lumipas ang mahigit isang segundo nakatayo parin si Ricka. Pinakiramdaman ang kanyang likuran.

Bawat segundo dumaragdag sa tensiyon.

Bawat oras nakakapangilabot.

Hindi na niya nakayanan pa …

Nanginginig man ang dalaga, dahan-dahan niya itong nilingon.

Isa...

Nakita niya ang kanang braso nito. Bagaman madilim, hindi niya alam kung lalaki ba ito o babae. Wala siyang idea.

Pangalawa...

'Ayan na...' huminto ang paghinga ni Ricka.

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang tingin... Sunod-sunod ang lunok na ginawa niya. Hindi siya mapakali! Ramdam niya ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

Tatlo...

LUNOK.

At sa pangatlo, nakita na niya ang kabuhuan nito. Hindi makapagsalita ang dalaga.

Naging blangko ang kanyang utak. Kumikibot-kibot ang kanyang labi na tila'y may sasabihin.

LUNOK ULIT.

Totoo ba 'to? Husko!

Hindi niya alam… wala siyang alam… Ang hinuha lamang ni Ricka, lalaki ito.

Ang mas malala pa-

Shit…

wala itong ulo!

Sa isang iglap, sa labis na takot ng dalaga, kumawala sa kanyang labi ang mahahaba at matitinis na tili na kanina pa niya pinipigilan- "AHHHHHHH!"

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon