"HANGGANG kailan mo ba titigilan 'yang pagtitig diyan sa piklat mo, babe?" Tanong ni Daryl sa kanya. Naroon iyon sa sofa, nakaupo habang tinitignan siya sa malayo.
Mataman muna niyang tinignan ang kanyang braso na may peklat mula sa repleksiyon sa salamín bago siya humarap kay Daryl, ang kanyang asawa niya ngayon.
Dalawang taon na silang magkasama nito at aaminin niyang masarap itong maging asawa talaga. Bukod sa gwapo si Daryl at mayaman, mabait rin ang lalaki at laging mapag-pasensiya. Mga bagay na hinihiling niya kapag mag-aasawa siya.
Napabuntong-hininga si Ricka bago siya lumapit sa kanyang asawa. Umupo siya sa tabi nito at marahang isinandal ang kanyang ulo sa braso ng kanyang asawa, pinikit ang kanyang mga mata. "Ewan ko ba, babe… Hindi ko kasi maiwasang hindi mapatingin sa braso ko. Ang mga piklat roon na naging saksi sa karumal-dumal kung buhay.. Ang mga piklat na laging nagpapa-alala kung gaano ka-miserable ang buhay ko habang nasa puder ako ng kilala kung kuya..." kwento niya sa kanyang asawa.
Bagaman nakangiti bakas sa mukha ni Ricka ang labis na sakit. Apat na taon na pala ang lumipas… Ang sakit na kanyang napagdaanan ay nasa kanya parin.
Hanggang ngayon kasi sariwa parin sa kanyang alaala ang lahat-lahat. Kahit anong gawin niyang pagpapalimot, tila hinahabol siya ng katotohang iyon. Ang katotohang hindi niya mabaon sa ilalim ng kalupaan.
Apat na taon na ang lumipas nang makaligtas si Ricka sa pangtangkang panggagahasa sa kanyang kinikilalang kuya.
Nang gabing iyon, hindi niya aasahang dadating ang mga kapulisan para arestuhin ang kanyang kuya Luke. Naalala pa nga niyang naging hostage siya nito at tila nawalan siya ng lakas habang nakadampi sa kanyang leeg ang matinis na kutsilyo na nanggaling sa ilalim ng kama nito.
Gano'n paman, naging tensiyon ang pagitan ng lahat. Hindi makapasok ang mga kapulisan dahil kinandado pala nito ang lahat ng pintuan kaya't ang glass window nalang ang binasag ng mga iyun upang makapasok. Ang operasyon ay lubhang hindi mapakadali dahil alam niya na ang kanyang kuya ay laging handa sa posibilidad na mangyari.
Tumagal pa nang dalawang oras ang eksenang iyon. Tandang-tanda pa niya na ang gabing iyon ay isang kamatayan para sa kanya. Isang maling galaw at pasya nito, magigiliitan na siya ng leeg.
Lihim siyang napapikit sa sobrang takot at kaba. Nangangatog rin ang mga tuhod niya. Tila nabuhusan ng malamig na tubig sa hilakbot. Nanghihina ang kanyang katawan sa labis na takot.
Lihim na tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Maging ang paghinga niya ay sadyang pinigilan niya pa.
Narinig niya ang mahihinang tawa ng kanyang kuya Luke. Nababaliw na nga ito. Hindi na nito alam ang pinaggagawa.
"Ibaba mo ang hawak mong kutsilyo! Walang masasaktan kung susunod ka Mr. De Cerna!" Ani ng isang kapulisan habang ang baril nito nakatutok sa kanilang dalawa. Hiniling niya na hindi ito magpapaputok.
"ULOL! Ano ako tanga para ibaba ang kutsilyo ko? Manigas kayo!" Natatawang sagot ng kanyang kuya. "Pakyu! Mamatay na kayo!"
Wala talaga itong balak na sumuko. Alam iyon ni Ricka. Kilala niya ang ugali nito, hinding-hindi ito magpapatalo ng basta-basta lang.
Kaya nakapag-desisyon na siya....
Nakakatakot man sumubok, kailangan niya itong gawin. Wala siyang kasiguraduhan kung magbubuhay pa ba siya o makakaligtas ng walang sugat na hindi niya makukuha.
Nanginginig man, sinubukan ni Ricka na pakalmahin ang kanyang sarili. Lihim siyang napakagat sa kanyang dila upang mabawasan ang kanyang takot.
Wala sa oras, wala sa planong hinawakan ng dalaga ang kutsilyong nakadikit sa kanyang leeg. Malakas at pwersahan niya itong inalayo sa kanyang leeg at umikot siya upang pilipitin ang hawak nitong kutsilyo. Dahil narin sa mabilis niyang ginawa, hindi ito nakakilos kaagad!
BINABASA MO ANG
She Was Alone (Part One)
Mystery / ThrillerSiya si Ricka laging mapag-isa. Takot sa liwanang dahil nasisilaw siya. Paano kung dahil sa kanyang pag-iisa may mangyaring masama sa kanya? Ipikit ang mga mata at tuklasin natin ang madilim niyang storya! Written by WencyllSanti This is a work of...