FINAL 2

169 12 0
                                    

PATULOY na dumadaloy ang luha't pawis ni Ricka  sa kanyang pisngi nang gabing iyon. Hindi magkamayaw na pinagpawisan siya nang husto at muntikan na nga siyang mahimatay sa kanyang nadiskubrihan.

Lumipas ang ilang segundo, mas lalong bumibilis ang pagkabog ng kanyang dibdib.

Pakiramdam niya hindi siya makahinga. Hindi makahinga sa sobrang pandidiri sa kanyang katawan. Ayaw niyang maniwala. Ayaw paniwalaan ng dalaga ang mga konklusyon niya ngunit sa tuwing makikita niya ang dalawang bagay na nasa harapan niya parang gusto na niyang maniwala kaagad.

Maniwala na ang kanyang kuya Luke niya ang gumahasa sa kanya nang gabing mag-isa siya!

Bakit? Bakit ito pa? Bakit ang sarili nitong kapatid ang pinagsamantalahan nito? Bakit… Bakit nagawa iyon ni kuya Luke sa akin?

Gustong panindirihan ni Ricka ang kanyang sarili ngayon. Gusto niyang maligo at kuskusin ang kanyang katawan upang mawala ang maruruming mikrobyo na hanggang ngayon nakatatak parin sa kanyang katawan. Na hanggang ngayon ay hindi matanggal-tanggal!

Nakakasuka! Nakakadiri!  Nakakapangilabot! Yun ang totoo.

Naisip niya sa oras na ito ang kanyang kuya Luke, mabilis na nangilid ang luha ni Ricka.

Nagdadalawang-isip siya kung kokomprontahin ba niya ito o itatago nalang ang kanyang nalamang sikreto?

Sa alin man 'yon,wala siyang pagpipilian. Nagugulumihan ang dalaga.

Ang nasaisip na lamang niya, kailangan na niyang makaalis dito! Ora mismo. Hindi na siya ligtas.

Agad na pinahid ng dalaga ang kanyang mga luha at sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili.

Tatalikod na sana si Ricka upang tumakas ng saktong pumasok sa kwarto ang kanyang kuya Luke. Nakasuot ito ng boxer at wala itong pang-itaas na damit.

Agad na tumingin ito sa kanya. "Oh, nandito ka pala, Ricka? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito at pinasadahan siya nang tingin.

Hindi siya makasagot.

Pinigilan ang hindi mapaiyak.

Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Gusto niya itong lapitan at sakalin nang sakalin!

Pakiramdam niya kasi wala siyang maisasatinig. Tila nakatahi ang kanyang bibig. Hindi makagalaw at kapwa naguguluhan.

"Ricka?"

Naalerto ulit ang dalaga nang tinawag na naman nito ang kanyang pangalan!

Sunod-sunod ang kanyang paglunok. "N-nandito kasi a-ako para… si b-baby Rican, k-kuya.." kanda-utal utal niyang sagot.

"Ah, gano'n ba." aniya nito.

Nakita niyang lumapit ito kay baby Rican at pinagmasdan nang tingin ang anak.

Napausog si Ricka. Pawis na pawis. Kabadong-kabado.

Lunok....

Lunok ulit.

Matunog ang pagsinghap nito. "Mabuti nalang ay nandito ka Ricka…." Panimula nito. "Paano kung wala kana? Edi mag-iisa nalang ako.."

Husko...

Pilit na ngiti ang ginawad niya nang sumulyap ito sa kanyang gawi.

"Kaya nga lubos talaga akong nagpapasalamat na nandito ka 'e. Na ikaw ang tumatayong ina ng anak ko… simula ng mamatay ang asawa ko. KAYA nga hindi ko hahayaang na iwan mo ako, Ricka.. hindi ako sanay na mawalan ulit ng kapatid.."

Animal ka! Sigaw niya dito. Gusto niya itong isatinig pero hindi pwede. Gusto niyang umalis sa poder nito ng palihim!

Halos mangilid ang luha ni Ricka sa sobrang galit. Kanina pa niya ito pinapatay sa kanyang isip.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon