"ANO NA? Hindi kaba sasama sa amin? Aba, huwag mo kaming paghintayin! Sayang ang oras namin, Ricka. Sasama kaba o hindi?" Ilang ulit pa siyang tinanong ng kanyang mama tungkol doon.
Halatang badtrip na ito at atat na atat na makaalis.
Naiirita niyang tinignan ito nang tingin. "Hindi na nga po, mama. Dito nalang ako sa bahay. Tutal naman kakain lang kayo doon, tapos may pagkain naman dito. Kaya no need na. I want to be alone, okay?" Napairap pa si Ricka at binalik niya ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Ano namang trip nito?
"Ano ka bang bata ka ah! Ikaw na nga 'tong niyayang sumama, aayaw ka pa. Atsaka ano bang handa-kain iyang pinagsasabi mo? Resort ang pupuntahan natin hindi piyesta!"
"Magkapareho lang iyon, mama. Ang pinagkaibahan lang may mga kama roon sa resort, sa piyesta wala," angil ng dalaga.
Ayaw pa naman niya sa lahat eh 'yung pinakikialaman ang buhay niya.
"Nagbabakasakali lang naman kami kung magbago pa 'yang isip mo Ricka. Ikaw naman, oh." Narinig pa niya ang biro ng kanyang kuya Luke.
"Eh, sa ayaw ko nga kuya. May maggagawa ba kayo doon? Kayo nalang ang mag-enjoy at habang ako naman, mag-eenjoy dito ng wala kayo. Masaya kaya kapag mag-isa ka lang." Aniya na ang tingin ay nasa cellphone parin habang may tinitipa doon.
Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang papa. "Hayaan na natin 'yan si Ricka. Dalaga na 'yan. Atsaka kaya naman niya ang kanyang sarili kaya don't worry." Saway pa nito na ikangingiti niya ng palihim.
Kahit papaano ay may kakampi parin siya dito sa bahay na ito.
Aside sa kanyang mama at kuya na lagi siyang pinupuna at hinihikayat na lumabas, ang kanyang papa lamang niya ang laging nandiyan para sa kanya. Sinusuportahan at lagi siyang iniintindi.
"Kaya lumalaki iyang ulo ng anak mo Dante dahil sa kakukusinte mo! Panay ka pagtatanggol sa kanya, hindi mo tinuruan ng maayos!" Siyempre, boses iyon ng kanyang mama.
"Ano kaba naman, Melda. Huwag mo naman ganyanin iyang bata."
"Bata? Husko! Dalaga na iyang anak mo! Dalagang-dalaga na. Aanhin pa ang kagandahan kung nasobrahan na sa kaputian! Mukha na 'ngang bampira, wala pang respeto!" Walang respeto at mukhang bampira… Labis nasaktan si Ricka sa mga 'yon. Sa bibig pa ng kanyang ina nanggaling ang lahat ng mga iyon. Sino ba ang matutuwang gaganyanin siya?
Simula ng lumaki siya at nagkaisip, ang trato ng kanyang ina sa kanya ay ibang tao. Hindi man lang siya tinawag na anak, kung meron mang tinatawag nitong anak siyempre ang kuya Luke niya iyon. Nakakatawa ka, mama. Sarap mong yakapin nang mahigpit na mahigpit. Nangangalaiti niyang angil na ang tingin ay nasa cellphone parin.
"Okay na nga 'yan Melda kaysa mapasama iyang anak mo sa mga taong walang magawa sa buhay. Mas mainam nga na narito iyan sa bahay kesa matotong gumala." Depensa ng kanyang papa.
"Alam ko. Pero ang sumobra sa ganyang lagay niyan, ibang usapan na!" Buwelta kaagad nito. "Tignan mo ang mga bata sa labas, natatakot na sa kanya! Biruin mo, makita lang nila niyan sa bintana, makakamanlan na nilang multo!" Dagdag ng mama ni Ricka at hindi pa ito nakuntento, tinuro pa siya.
Gusto niyang sagot-sagutin ito pero hindi pwede. Hangga't may respeto pa si Ricka sa matandang ito, kailangan niyang unawain at ituring itong ka-pamilya. Kahit ang turing sa kanya ay ibang tao.
Bagaman gusto niyang itama ang sinabi nito ukol sa kanya, napagtanto ng dalaga na totoo ang mga sinabi nito. Noong isang araw nga ay may mga batang naglaro sa kanilang bakuran at no'ng makita siya, nanakbuhan na animo'y nakakita ng multo.
Sa totoo lang, ayaw ng dalaga liwanag. Nasisilaw siya. Kung sa pisikal niyang anyo ngayon masyado na siyang maputla. Hindi iyun halata dahil lagi siyang gumagamit ng pampapula. Maputi din ang balat niya, matangkad na babae at may mahahabang buhok.
Sa madaling salita, mukha siyang bampira. Kunsabagay, siya ang bampira sa kanilang bahay. Hindi lumalabas. Laging nakatago sa kwarto. Pakialam ba nila?
"Mama, hayaan na natin si Ricka. Mas mabuting nandito lang siya sa bahay. Atsaka isa pa, may pupuntahan tayo remember? Baka ma-late pa tayo" Marahang pigil ng kanyang kuya Luke dito nang akma siya nitong lalapitan para sampalin.
Hindi pinansin ito ni Ricka. May tiwala siya sa kanyang kuya. Kapag ito na ang pumigil sa kanyang mama, hihinto ito na parang sunod-sunuran sa anak.
"Ay ano pa nga ba…" Napahinga ng malalim si Aling Metring, ang ina ni Ricky. "Oh siya, mag-iingat ka dito ah? Palagi kang manirado ng mga pintuan baka may biglang pumasok na ibang tao at may gawing masama sa'yo. Huwag kang tatanga-tanga. Itatak mo 'yan sa kokote mo."
"Oo na. Gets ko na, mama. Ilang araw ba kayo doon, ah?" Mabilis niyang sagot.
"Siguro tatlong araw mula ngayon. Bakit mo naman 'yan naitanong?" Ang kanyang kuya Luke ang sumagot.
Yes!
"Wala lang. Masaya lang dahil tatlong araw kayo doon. Pwede rin magtagal kayo doon sa hotel. Okay lang ako dito." Nakangiting pa niyang suhestiyon. Sinulyapan niya ang mga ito ng tingin.
Agad na kumulo ang dugo ni Aling Metring. "Abang bata ka---" Bigla naman itong inawat ng kanyang asawa na si Manong Dante.
"Tara na. Baka gabihin pa tayo doon." Ang suhestiyon nito sa kanyang asawa. Baka kung magtagal pa sila dito, may posibilidad na mag-away ang dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Manong Dante na magkaaway ang mga ito.
Ewan ba ni Manong Dante, away nang away. Iisa naman ang dugong nanlalaytay.
"Tama si papa, ma. Tara na. Baka gabihin pa tayo pagdating natin doon. Kailangan ko pa naman ngayon ang magpa-body massage," nakangiting sabi ni Luke at ngumisi pa, "Stress ako eh." dagdag pa nito.
"O, aalis na kami. Mag-iingat ka dito,a. Lagi mong tandaan 'yung mga bilin namin sa'yo. I-take note mo nalang sa cellphone mo kung makakalimutan mong bata ka."
Hindi na sumagot si Ricka at tango lang ang ginawa niya sa kanyang kuya Luke at papa niya. Hindi niya pinansin ang kanyang ina na ngayon ay ramdam na ramdam niyang nakatitig parin ito sa kanya.
"Tss.." napaismid siya.
"Sana mag-enjoy ka dito, anak. Sana nga…." Dinig niyang bulong nito.
Kasabay no'n ay ang pagkarinig niya ng pagsirado ng pintuan tanda na umalis na ang mga ito. Umalingawngaw sa kanyang pandinig ang malakas na ugong ng kotse na papaalis.
Saglit na natigilan si Ricka sa pagtipa sa kanyang hawak na gadget, naiisip ang huling sinabi ng kanyang ina sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit.. Pero kinilabutan siya dahil doon.
Shit!
BINABASA MO ANG
She Was Alone (Part One)
Mystery / ThrillerSiya si Ricka laging mapag-isa. Takot sa liwanang dahil nasisilaw siya. Paano kung dahil sa kanyang pag-iisa may mangyaring masama sa kanya? Ipikit ang mga mata at tuklasin natin ang madilim niyang storya! Written by WencyllSanti This is a work of...