FINAL 1

191 11 0
                                    

After 6 months...

After all of those months, naging masaya naman ang buhay ni Ricka.

Unti-unti narin niyang nakakalimutan ang mga nangyari nang gabing iyon sa kanya. May mga oras parin na sumasagi sa isipan niya ang mga 'yon dahilan na napaluha siya bigla.

Sa kabila nang madilim na mundong nangyari sa kanya, dahan-dahan siyang bumangon at nagsimula nang bagong yugto ng kanyang buhay kasama ang kanyang kuya.

Halos anim na buwan na ang nakalipas nang makalabas siya sa galing hospital. Akala niya masaya ang paglabas niya ngunit mali pala ang dalaga. Dahil isa namang panibagong pasakit ang kanyang kakaharapin.

Namatay na ang ama niya.

Iyon ang masakit na katotohanan na ayaw niyang paniwalaan sa buong buhay niya.

Masakit pala kapag mawala sa'yo ang taong pinakamamahal mo. Ang taong naging kakampi mo sa lahat nang pagsubok. Ang taong nagtatanggol sa'yo sa lahat ng pang-aapi.

Napaiyak muli si Ricka nang maalala niya ang pagkamatay ng kanyang ama.

Mabilis na pinunasan niya ang kanyang luha nang marinig niya ang boses ng kanyang kuya Luke.. Nakauwi na pala ito....

Dali-daling lumabas si Ricka mula sa kusina. Kagagaling lamang niyang magluto ng hapunan. Alas na rin ng hapon. Maaga palang nakauwi ang kanyang kuya galing sa trabaho nito. Isa itong assistant manager sa kompanyang kilala.

Makalipas ang ilang buwan ay may sarili na ring pamilya ang kanyang kuya Luke at may anak na ito, si baby Rican. Ang nakakalungkot lang isipin ay namatay rin ang asawa nito makalipas nang manganak ito.

Naalala pa nga niyang no'ng burol ni Ate Patty, asawa ng kanyang kuya Luke ay hindi ito umiyak ang kanyang kuya.

Ang sabi nito, "Bakit naman ako iiyak kung alam kung no'ng nabuhuhay siya ay minahal ko si honeybabe? Atleast alam kung naging masaya siya habang nabubuhay siya, naiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kailangan kung magpatatag, kailangan kung kumayod para sa magiging anak namin na si Rican," aniya nito at sinulyapan nito ang anak na si Rican na dalawang buwan pa lamang. Kahit paano may punto naman ang kanyang kuya Luke.

"Tama kuya, ganyan nga. Makakaya mo 'yan para sa magiging pamangkin ko. Nandito pa naman ako 'e. Nandito pa ako para umalalay sa'yo." Aniya niya saka ngumiti sa harapan nito.

Nang pumanaw rin ang ama nila, sumunod naman ang ina nila na nagpakamatay dahil sa depresisyon. Hindi yata nakayanan nito ang katotohanang wala na ang asawa nito. Kaya ngayon dalawa nalang sila ng kanyang kuya.

Nakapundar narin ito ng bahay at dito na sila tumira kasama ang pamangkin niyang si Rican. Ang kanyang kuya ang nagtatrabaho para sa kanila habang ang dalaga naman ay napirme sa bahay, nag-aalaga sa kanyang pamangkin.

"Kuya! Nandito kana pala!" tawag niya sa kanyang kuya na nandoon sa kuna at nilaro-laro si baby Rican. Nakangiti ito kahit bakas sa mukha nito ang pagod galing sa trabaho.

"Ay oo. Maaga kaming umuwi Ricka." Sagot nito na ang tingin ay naroon kay baby Rican. Sa opisina nagtratrabaho ang kuya niya bilang taga-ayos ng mga papeles. "Oo nga pala, kamusta itong si baby Rican? Hindi ba umatungal ng iyak? Nabigyan mo na ba ng gatas?" Tanong muli nito na ang tingin ay nasa kanya. Wala na kay baby Rican.

Umiling lang ang dalaga at sumagot, "Hindi naman kuya. Good boy yata 'yan si baby Rican 'e. Kagaya mo kuya atsaka bago ko lang si baby pinainom ng gatas." aniya niya at tumawa ng mahina.

"Good boy ka d'yan. Good girl din 'yan," sumulyap ito sa kanya, "kagaya mo rin." Ngumiti ito sa kanya.

Napalunok ang dalaga dahil doon. Pakiramdam niya nangilabot siya dahil sa sinabi ng kuya Luke n'ya.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon