REVEAL 5

86 9 0
                                    

DAY 2

"ANITA, magdahan-dahan ka sa kakatakbo. Baka madapa ka" Saway ng dalaga sa batang babaeng si Anita na walang pagod sa kakalaro. Para itong batang binudburan ng asin, hindi mapakali. Masyadong makulit.

Hapon narin at narito siya sa bahay ng mag-asawang Cruz. Wala siyang magawa sa kanilang bahay kaya dito siya nakitambay. Sakto namang busy ang mag-asawa sa ibaba kaya siya ang nagbantay kay Anita.

"Ayos lang po ako. Hindi naman po ako madadapa 'e" Sagot ng batang babaeng edad tatlong taong gulang. Hawak ang manika sa kanan kamay at pinapaikot-ikot iyon sa sahig. Dumapa pa ito saka kinakausap ang manika na akala naman sasagutin ito.

Nakaupo lang si Ricka sa couch habang hawak ang kanyang cellphone. Minsan sumisilip siya doon na animo'y may hinihintay. Hindi nakaligtas sa kanyang pakiramdam ang nerbiyos na kanyang nararamdaman. Halatang pinagpawisan at naghuhumerantado sa kaba.

Lumipas ang ilang oras ay nakaupo lamang siya. Lihim na binabantayan ang bata na ngayon ay naglalaro parin. Wala yata itong kapaguran. Sabagay, hindi ito nabantayan ng maayos ng magulang kaya kulang ito sa atensiyon na kahit siya ay pinagkaitan ng salitang iyan. Masyadong busy sina Mr. and Ms. Cruz para sa kanilang anak kaya hindi na siya magugulat na paglaki nito ay itatrato silang wala lang.

Napabuntong-hininga si Ricka, Parang ako lang. Walang maayos na pamilya. Masyadong ma-drama.

"Ate Ricka! Laro tayo!" Pamimilit ng bata dahilan na mapasulyap siya. Nasa harapan niya si Anita habang hinatak-hatak pa ang kanyang damit. Gustong makipaglaro.

Napasinghap ang dalaga. "Bawal"

Lumungkot ang mukha nito. "Bakit po?" Para na itong maiiyak.

"Pagod na pagod ako, Anita. Bukas nalang. Maglaro ka kaya ng mag-isa riyan?" Suhestiyon niya ngunit kalaunan umirap lang ito.

"Isusumbong kita kay mommy!" May pagbabanta ang boses nito bagay na ikahinga ni Ricka nang malalim. "Babarilin ka ni Daddy! Makikita mo!" Dinuro-duro pa siya ni Anita.

Kaya ayaw ko nakipaglaro sa 'yong bata ka, masyado kang sumbungera.

"Sige, maglaro na tayo." Nakangiting aniya, hindi maitago sa boses ang galit para rito. Ang bata pa nito para pagbantaan siya. Halatang hindi tinuruan ng respeto ng sariling pamilya.

Ang kaninang nakabusangot nitong mukha ay nagbago bigla. Lumawak ang ngiti nito. "Yieee!" Tumalon-talon ang bata sa sobrang saya.

"Anong gusto mong laro?" Tanong ni Ricka.

"Ahm," nag-isip ito. "Gusto ko maglaro ng bahay-bahayan! Masaya 'yon!"

"Pero bawal ako, Anita. Masyado na akong matanda para sa ganyan, e." Tanggi niya.

Pinukulan siya ng masamang tingin. "At bakit ayaw mo? Gusto ko maglaro ng bahay-bahayan e!" Narito na naman ang sungay nito.

Nag-isip naman ng matibay na rason ang dalaga. Ang ayaw pa naman niya ay utos-utusan siya nito na akala mo isang senyora. Hindi naman siya yaya nito, pasalamat nga ay binantayan niya ito sa kabila ng masama nitong ugali.

"Hmmm... Ibang laro nalang kaya ang laruin natin?" Nakangiting suhestiyon saka nginitian niya ang bata.

Lumawak ang ngiti nito kahit napipilitan lang. "Kung iyan ang gusto mo, sige!" Nauna pa itong tumalikod at sumunod naman si Ricka upang makipaglaro.

"Wala akong makita, ate." Reklamo ng bata nang piringan niya ang mata nito.

"Siyempre, tagu-taguan to e. Alangan naman makakita ka tas dito ako sa kwarto mo magtatago? Ang liit ng kwarto mo kaya kung hindi kita pipiringan, madali mo akong makita." Paliwanag niya habang hinigpitan niya ang piring.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon