ALONE 3

327 11 0
                                    

DAY 3. The Last Day.

Agad na nadismaya si Ricka dahil hindi dumating ang mga kaibigan niya kahapon. Inaasahan pa naman niya ang mga presensya ng mga ito.

Gusto niyang magtampo pero huwag nalang. Napaiyak ang dalaga bigla. Tila ba'y naghintay lang siya sa wala. Kagabi pa niya hinintay ang mga ito, lumipas nalang ang umaga hindi parin ito dumating sa bahay nila.

Ito na pala ang huling araw. Kahapon buong araw nilang hinanap ang anak ni Mr. and Mrs. Cruz na si Anita ngunit sa kasamaang-palad, hindi nila ito nakita at natagpuan.

Nagpatulong sila sa kapulisan ngunit gaya parin ng nangyari, wala silang nakuhang lead kung saan ang bata. Kung saan na ito ngayon, kung buhay pa ba o nasa mabuting mga kamay ito.

Hindi na nakapagtataka kung marinig ni Ricka ang malakas na iyak ngayon ni Mrs. Cruz. Animo'y nawawalan na ito ng bait sa ulo. Nakaalalay naman dito ang mama nito. Wala ang asawa ni Mrs. Cruz, marahil ay nandoon sa kompanya. Nagta-trabaho.

Ginawa ni Ricka ang lahat upang makita niya si Anita pero wala, e. Nauwi sa pagod ang lahat. Ang pinanghahawakan na lamang nila ngayon ay ang salitang pag-asa.

Pag-asa na makita nila ito. Hindi niya alam kung kailan pero sana... sana nga.

Dalawang araw nang nandoon sa hotel resort ang kanyang pamilya at walang balita ang dalagang natanggap sa mga ito. Marahil ay nag-eenjoy ang mga 'yon. Panigurado. At wala siyang pakialam doon.

Siguro mamaya pang gabi ang balik ng mga ito. Maghahanda nalang siya ng hapunan. Para sa kanya.

Hapon na sa wakas. Makulimlim ang kalangitan. Sabagay, nabalitaan niya sa internet na may paparating na bagyo kaya medyo maulan ang buwang ito. Parang kay kahapon lang nangyari ang lahat.

Sinilip ni Ricka ang bintana malapit sa tahanan ng mag-asawang Cruz nang mapansin niyang nakabukas ang kwarto ni Anita.

Bahagya pang nagsasayaw ang kurtina sa bintana nito dahil sa malakas na hangin.

Wala namang kakaiba doon kaya sinirado na niya ang kurtina. Mabilis na tumalikod ang dalagang si Ricka.

Agad rin siyang napahinto ng makarinig ng kalabog mula sa tahanan ng mag-asawang Cruz.

Dali-dali niyang hinawi ang kurtina at dumapo ang tingin ni Ricka sa kwarto ng anak nito.

Nawala bigla ang kalabog.

Paranoid na yata ako.

Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at pumunta nalang ang dalaga sa kusina upang uminom ng tubig. Pakiramdam kasi niya uhaw na uhaw na siya. Ramdam pa ng dalaga ang pawis na tumulo sa kanyang noo. Whooo-ahhh. Nakakapagod! Animo'y may ginawa siya ngayong kakaiba pero sa pagkakatanda niya, wala naman talaga.

Alas Sais na ng hapon. Huminto narin ang iyak ni Mrs. Cruz. Napanatag ang kalooban ng dalaga. Ayaw ko nang maingay kaya salamat. Sinigurado niyang naka-lock ang lahat ng mga pintuan. Maging sa kusina, sala at kwarto ay dinouble-check pa niya. Pati ang mga bintana sa kabilaang kwarto at sulok ay isinarado ni Ricka nang mabuti.

Naalala kasi niya ang panaginip niya noong nakaraang araw. Natakot siya ng husto. Naalarma na baka magkatotoo ang mga 'yon.

.

.

.


.

"HA HA HA HA HA!" Bahagya pang natawa ang dalaga habang kaharap ang tablet niya. Comedy ang pinanood niya at hindi niya tmapigilang hindi mapatawa.

She Was Alone (Part One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon