He is my boss?! : Part 2

10.6K 162 4
                                    

Pagkadating ni Maxie sa bahay ay ikinuwento ko sakanya ang lahat, kahit maikli lang yung nangyari samin ni Warren kahapon, siguro mga 10 minutes lang ata yung dialogue namin.

Kung gano naman ka-ikli, ganon naman kahaba ang sakit na naramdaman ko.

Hindi biro ang ilang taong pagsasama namin. Ipinaglaban ko sya sa pamilya ko kahit na tutol ang nanay ko sakanya dati. Pero dahil sa mahal na mahal ko si Warren ay ipinaglaban ko sya at mismong nanay ko ay sinuway ko dahil sa pagkabulag ko sa pagmamahal sakanya.

Feeling ko, wala na akong reason para mabuhay... wala na yung mahal ko... ipinagpalit na ako sa iba. Hindi din maganda ang relasyon ko sa nanay ko dahil sa mas pinili ko si Warren.

Masyado ko kasing minahal si Warren dahil sya ang first boyfriend ko. Ibinigay ko sakanya ang lahat. Oras, pagmamahal, attensyon. Pati sarili kong nanay, nagawa kong suwayin kasi akala ko sya na... Pero bakit nagawa nya akong lokohin?

Kung pwede lang magwala... kahapon ko pa ginawa... pero iniisip ko kapag ginawa ko ba yon babalik sa normal ang lahat?

Kapag nagwala ba ako babalik sakin si Warren kahit buntis si Heidee?

Kapag nagwala ba ako mawawala ba ang matinding sakit na nararamdaman ko?

"Girl, ilabas mo kasi yang nasa puso mo, hindi yung ikaw lang ang nakakarinig ng mga sinisigaw mo... I know Warren is your first love, kaya masakit... kaya ilabas mo na... wag ka nang magpaka-tatag-tatagan pa dyan, alam ko namang bibigay ka na... kaya sige na... ilabas mo na... " kilalang kilala ako ni Maxie pagdating sa ganito... so ano pa nga ba ang magagawa ko.

Ngumawa ako ng parang batang naagawan ng laruan. Nakakahiya kung makikita ako ng ibang tao. Sa sitwasyon ko, depressed na depressed na ako.

Kay Maxie lang ako nakakaiyak ng ganito ka-lala... kasi alam ko namang si Maxie lang ang nagiisang taong nakakaintindi sa weirdo kong ugali...

Everything about me? Lahat, alam yan ni Maxie, kung ano ang paborito kong pagkain, kulay, inumin, lugar, hayop, bagay, hobbies, etc. basta itanong mo kay Maxie, masasagot nya yan kahit tulog...

I'm was badly hurt... I need something to make me forget these things...

Alam kong mahirap agad tong makalimutan, kasi 24 hours pa lang naman ang nakakalipas at walang instant na pagmomive on, pero kailangan kong gumawa ng paraan para mabawasan man lang to ng kahit konti.

"Maxie, bar tayo..." aya ko kay Maxie na nagluluto ng lugaw para sakin, pampatanggal hang-over sa pag-iyak...

"Bar?? sa itsura mong yan may lakas loob ka pang mag-bar?" habang hinahalo na yung pa-luto nang lugaw.

"Gusto ko lang humiram ng konting tapang sa alak... kahit ngayon lang..." pagmamaka-awa ko kay Maxie...

"Girl, hindi pa nga nagsu-subside yang maga ng mga mata mo, tapos bar ka na kaagad? Jas, hindi alak ang dapat mong takbuhan. Ako, ako dapat ang takbuhan mo... kasi ako lang naman ata dito sa mundong 'to ang nakakaintindi sayo." true, tama ang bestfriend ko...

"Max... ang sakit..." eto nanaman po ako, crying out loud nanaman.

"Jas, I know... masakit talaga yan lalo na at minamahal mo si Warren ng totoo pero kahit na uminom ka ngayon ng isang drum ng alak, yang problema mo, problema pa rin yan bukas... Look Jasmine, I know si Warren ang first love mo, pero marami pang iba dyan. Don't stuck yourself to him, you've got to move on even though it hurts so much... kahit na kasi anong lupasay ang gawin mo dyan, hindi mawawala yang sakit na nararamdaman mo. Unless, you make something na pwedeng mag-alis ng attention mo sakanya..." pinatay ni Max ang stove at nilapitan ako, tapos hinagod nya yung likod ko, while ako, crying out loud...

"Pero Max, I thought sya na yung makakasama ko habang buhay..." para akong batang umiiyak sa harap ni Maxie...

"Jas, nag-assume ka kasi kaagad, kaya yan tuloy, pinanghawakan mo na. Jas, love is perfect lagi mong tatandaan yan, pero kahit na perfect ang love kung yung lovers naman ay hindi perfect, well hindi mo maiiwasan yan. Lalabas pa rin ang imperfections and sometimes maswerte yung iba kasi dahil sa imperfections na yun, yun ang naging rason kung bakit sila nagiging matatag, because they saw a hidden beauty behind that imperfection, that pain. But some... they ended up badly kasi they didn't saw any beauty towards that imperfection. Jasmine, sige, papayagan kitang iiyak at ilabas yang nararamdaman mo, pero please, don't let Warren hold you back... hindi si Warren ang buhay mo. May sarili kang buhay na kailangan mong ayusin. Lalaki lang yan, wag kang magpakasira dyan."

"Gusto ko nang mawala 'tong... 'tong hayop na sakit na 'to. Max, minahal ko sya! Minahal ng buong-buo. Totoo ang pagmamahal ko para sakanya. Pero bakit? Bakit ganito ang kinahinatnan ko?"

"Jas, tandaan mo 'to... walang short cut. Walang simplified na paraan para maghilom ang sugat. Everything happens for a reason. God puts people in your life for a reason, and removes them in your life for a better reason. Hindi naman mangyayari ang lahat kung walang kapalit eh. Soon, you'll see how will this situation change you. Sa ngayon, hayaan mo na muna yang sakit na yan na nararamdaman mo... na iniiyakan mo, because it will help you a lot and will change you, it will mold you into a stronger and better person."

Sa mga sinabi ni Maxene, medyo natauhan ako... andun pa rin yung sakit sa dibdib ko, andun pa rin yung galit, pero nabawasan dahil sa mga piece of advice ni Max para sakin. Naliwanagan ako kahit papaano, ang kailangan konna lang ay tanggapin ang lahat ng ito. Tapos na kami ni Warren.

Hindi ko na muna pinauwi si Maxie, pinag-overnight ko sya sa bahay.

Ginigising ko sya sa madaling araw if hindi ko kinakayang i-control ang mga iyak ko. Si Maxie din ang nagpapatahan at nagpapatulog sakin kapag naaabutan nya akong gising oa at nakatulala.

I'm so glad, I got Maxie in my life... kung hindi, siguro matagal na akong naglaslas.

One week, I still can't get my head off him. Parating wala sa sarili, parating hibang, palaging tulala. Hindi na din nakakapasok sa trabaho. My boss called and I asked for a sick leave. He happily approved of it.

So Maxie, without me even knowing about it, set me up on a blind date..

"Girl, I can't take you anymore, mukha ka nang zombie sa itsura mo... maga ang mga mata, laglag ang mga pisngi, at malalaking eye bags. Later, matulog ng maayos ha... tapos bukas let's go somewhere. Gagawin kitang tao ulit." habang nag aalmusal kami...

"Bakit naman?" I was curious... napatingin ako sa cellphone ko to check my reflection.

"Basta, you'll know..."

Before I went to sleep, I prayed to God na sana maging maayos na ako, na sana tumigil na tong sakit na nararamdaman ko, na sana makatulog na ako ng maayos, na sana matanggap ko nang hindi kami para sa isa't-isa ni Warren.

Dininig naman ni Lord ang prayers ko, nakatulog ako. Kinabukasan, tanghali pa ako nagising, nasarapan ako ng tulog.

Diinala ako ni Maxie sa isang salon, susyal na salon! Mamahalin! After 6 hours na proseso para magmukha daw akong tao ulit, natapos din bandang 2PM. Gutom na ako pero nang maiharap na nila ako sa salamin.. WOW! Ako ba ito? Oo alam ko naman na ako pa rin to... pero huy! May igaganda pa pala ako?

Instant... yung mahaba kong buhok na hanggang siko, ay naging hanggang balikat na lang, tapos may style-style pang nalalaman yung stylist, nilagyan nya ng hair color, tapos kinulot nya.

After sa salon, dinala ako ni Maxie sa isang susyaling dress shop. Yayamanin talaga this my friend.

She bought me a knee-lenght red off-shoulder fitted dress na bumagay sa mahaba kong legs at bagong style ng buhok ko...

Maxie was like O.O when I got out of the dressing room.

"Oh may gosh Jasmine... you are so different!!! Shet! Ganda mo gorl!" gulantang na gulantang talaga si Maxie...

"Maxie, laway mo tumutulo..." natawa na lang kami pareho.

"Eto ang gusto kong makita sayo... bagong itsura, bagong aura. Level up. So from now on, don't ever dare na umiyak or gawing topic si Warren kahit kanino, specially sakin, kasi kakalbuhin talaga kitang bakla ka." pagbabanta sakin ni Maxie.

"Sige, I will try... promise." I smiled na, kasi alam kong may bukas pa para sakin dahil kay Maxie.

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon