He is my boss?! : Part 7

8.7K 165 0
                                    

It's Sunday morning... day-off ko.

May time ako para makabonding ang anak ko.

I took him to an amusement park... kasama si mommy.

Lahat siguro na ata ng rides dito nasakyan na namin dahil kay TJ. Akay akay namin sya pareho ni mommym Pag tumatakbo si TJ ako na lang din ang humahabol, hindi na rin kasi makatakbo ng mabilis si mommy.

Nang mapagod si TJ ay umupo kami sa isang bench habang pinapanood ang mga taong nagtatakbuhan, nagtitilian, ang mga rides na paikot-ikot at paakyat-baba, mga batang kumakain ng cotton candy, mga pamilyang masaya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala si TJ sa dibdib ko habang kandong ko sya.

"Naku, nakatulog na pala ang apo ko..." sabi ni mommy. Inayos ko si TJ at iniunan ko ang braso ko sakanya.

"Naku, ang laki na ni TJ, parang kahapon, baby lang sya na iyak ng iyak tuwing gabi..." nakangiting pagre-reminisce ni mommy... "if only his father was here..." patuloy pa ni mommy.

Ako, hindi umiimik...

"What if someday anak, magkita kayo ng totoong ama ni TJ?" concern na tanong ni mommy sakin...

"Edi i'll let him know na may anak kaming nabuo after nung gabing yun..." para akong bangag na sumagot sa nanay ko...

"Alam mo... yan ang problema sayo anak... Sige ka lang ng sige, kahit delikado sumusuong ka pa rin... Eh pano kung malaman nyang isinunod mo sa apilido nya si TJ at kunin nya sayo ang bata? Anong gagawin mo?" ayan, start nanaman ang pagtataray ng mommy ko sakin.

"Ma, dyan kami magkakagulo... He can never take TJ away from me... Ano yun? Instant, nalaman lang nya kuha kaagad? No ma... Definitely no..." sagot ko kay mommy.

"Sinasabi ko sayo Jasmine, pag nagkita kayo ng nakabuntis sayo, ideny mo na may naging bunga kayo... kapag nakita nya si TJ, sabihin mo may asawa ka nang iba. Wag mong hayaang malaman nyang nagka-anak kayo, dahil hindi natin alam ang utak nung lalaking yun at baka pag nalaman pa ng pamilya nya eh kunin satin si TJ. Para na din yun sa ikakatahimik ng buhay nyong lahat."

"Hinding-hindi nya makukuha si TJ sakin ma..."

"Pero sabihin mo nga sakin... Nagbabakasakali ka pa ring maging pamilya kayo no?" aba, ang galing ni mommy, nabasa nya ang iniisip ko ngayon...

"Eh ma, kahit sino naman ata eh gustong magkaroon ng buong pamilya... ayokong matulad sya sa akin ma. Maganda pa rin na may kalakihan syang tatay, pero syempre, sino ba ako? di hamak lang naman na ako lang naman yung babaeng nabuntisan nya dahil sa one-night-stand hindi ba? Syempre kailangan kong tanggapin ang kahihinatnan namin ni TJ, kasi hindi naman namin talaga both expected na dadating si TJ, so kung may iba na syang pamilya, itatago ko na lang sa sakanya si TJ para hindi magulo ang pamilya nya... at ipagpapatuloy ko na lang ang kasinungalingang inumpisahan ko kay TJ."

"Edi umaasa naman ang bata."

"Eh ma, kaysa naman malaman ng bata na nabuo sya dahil sa kagagahan ng nanay nya... kahit mahirap at masakit, kailangang paghandaan, dahil hindi ko alam kung kelan kami magkikita ng ama nya."

Alam ni mommy na nakipag -one-night-stand ako, pero hindi nya alam kung sino at kanino ako nakipag churvah, nirespeto naman nya ang privacy ko na hindi na ipaalam pa saknaya ang details kung sino ang nakabuntis sakin.

Gabi na nang makauwi kami, traffic eh.

Kinabukasan, monday nanaman... pasok nanaman. Kalaban ko talaga ang lunes.

"Anak, isama mo na muna si TJ sa trabaho mo, aalis ako kasama ni Tita Hilda mo, may pupuntahan lang kami..."

"Ok, sige ma... Tulog pa ba si TJ?" tanong ko kay mommy habang naghahanda ng almusal.

"Gising na, nandun sa kwarto ko, nanonood..."

pinatay ko ang apoy ng stove at umakyat sa kwarto ni mommy.

"Good morning TJ..."

"Good morning mommyyy." bati sakin ng anak ko habang nakaupo sa sahig at hawak ang remote ng tv.

"Sama ka daw sa work ko sabi ni mamu..." mamu kasi ang preferred ni mommy na itawag ni TJ sakanya.

"Bakit po?"

"Aalis kasi si mamu kasama si mamay..." mamay, si tita hilda, bestfriends kasi sila ni mommy, at laging nakikita ni TJ si tita hilda sa bahay kaya mamay ang tawag na nya dito.

"opo, sama po ako saiyo mommy..." tapos ngumit ang anak ko at pinagpatuloy ang pinapanood nya.

"TJ after mo manood baba ka na ha... breakfast tapos ligo na tayo."

"opo mommy..."

tapos lumabas na ako ng kwarto at bumaba para magprepare na ng almusal namin...

"Ma, should i still drive you to tita hilda's house?" tanong ko kay mommy...

"no need, susunduin nya ako dito..." sagot ni mommy... "TJ, wag kang magulo or maglilikot sa office ni mommy mo ha... okay?"

"opo mamu..." sagot naman ni TJ.

mayamaya lang ay dumating na si Tita Hilda tapos umalis na sila, kami rin after naming tapusin ni TJ ang almusal namin ay umalis na rin kami...

pagdating namin sa supermarket ay binati ako ng lahat ng makasalubong ko... taray lang eh no? Manager nga po kasi... diba?

pagkapasok ko sa ffice ko ay nandoon na ang lahat ng paper works ko... may mga mail... habang iniiscan ko yung mga envelopes, nakita ko ang isang envelope na naka-address mismo saakin, tinignan ko ang logo nung envelope...

"ENF Company."

Binuksan ko ang envelope at binasa ang sulat...

May party daw para sa lahat ng branch managers... Sa makalawa 6PM ng gabi sa Blue Leaf.

Dumating ang gabing yun...

Paalis na sana ako nang biglang lumapit si TJ sakin...

"Mommy, i feel sick..." matamlay na sabi ng bata.

"huh? Bakit?" huminto naman ako sa pagaayos at nilapitan ko ang anak ko na nakatayo sa pinto ng kwarto ko, nilapitan ko sya at kinarga papunta sa kama.

"Bakit? Anong masakit sayo?" tanong ko kay TJ.

"I don't know mommy, my head hurts, tapos makati  po buong body ko..."

agad ko naman na tinanggal ang long-sleeves ni TJ, puro rashes ang katawan nya, at nang sinapo ko ang noo nya ay sinisinat si TJ. Napanic na din ako kaya naman hindi na ako pumunta sa party, agad ko na lang na dinala si TJ sa hospital. Baka dengue.

Pagdating namin sa hospital at inasikaso na agad si TJ ng isang nurse, ipinasok sya sa isang kwarto nandoon naman ang ilang mga doktor.

"Ma'am, we'll run some test to find out if dengue nga or anything ito..." tapos pinabuhat sakin si TJ para kunan ng dugo, temp at urine samples.

Nang matapos na syang kunan ay nandoon lang kami sa loob hinihintay ang results.

Habang nakaupo ako at habang nakadapa sa dibdib ko si TJ ay nagtext na ako sa isang kaibigan ko na manager din sa ibang branch. Ipinarating ko na may emergency kay TJ at hindi ko papalagpasin ito. Ok naman daw sabi nya, kasi emergency naman daw kaya understandable. After ng one hour na paghihintay...

"Allergy reactions lang ang mga nakitang rashes at yung sinat nya... may nakain lang ang bata kaya nagsilabasan ang mga rashes, at siguro dahil first time nyang labasan ng rashes, sininat sya. Thomas is safe from dengue, there's no need for you to worry ma'am..." paliwanag sakin ng doktor.

pagkatapos nyang resitahan si TJ ng gamot ay sumakay na kami sa kotse. Habang on the way na kami pauwi...

"mommy, i'm hungry... I want Jollibee." request ng anak ko...

Sakto may nakita akong Jollibee sa highway...

Habang nakapila ako sa counter ay buhat ko si TJ, medyo nawawala na siguro yung sama ng pakiramdam nya kaya okay na sakanyang hindi pa muna umuwi.

nang biglang may kumalabit sakin...

"Jasmine? Is it you Jasmine Razon??"

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon