Pagdating ko sa bahay, sakto nandoon na si Maxie kahit hindi ko pa sya tinatawagan...
Hinatak ko sya sa sulok ng balcony sa labas ng bahay, habang sila mommy at TJ ay abala sa paghahanda ng pagkain sa loob ng bahay.
"Bakit ba hinatak mo pa ako dito sa labas ng bahay? Pwede namang sa loob na rin..." angal sakin ni Maxie.
"Max, nagkita kami kanina,,"
"Nino?" with a grin look.
"Ni Ethan..." bulong na sabi ko.
""What!? Ni Ethan!? Paano?!" halatang nagulantang talaga si Maxie sa news ko...
"Kanina habang nandun kami sa fastfood chain. Habang nakapila ako sa counter kasama si TJ, kinalabit nya ako. Paglingon ko si Ethan nga... Akala ko namamalik mata lang ako... pero totoo... sya nga..." kwento ko kay Maxie.
"Hala ka! Nakita nya si TJ?!" pagaalang tanong ni Max sakin.
"Oo... pero sinabi ko sakanya may asawa ako... kaso namatay sa isang car crash four years ago." sagot ko.
"gaga ka talaga... di ba dapat sinabi mo na sakanya na si TJ ang naging bunga nung gabing yun?" tanong nya sakin, tapos sabay titig sakin ng matalim.
"basta Max... wag muna ngayon... hahanap ako ng oras para sabihin sakanya... may tamang panahon dyan... pero sa ngayon, hahayaan ko munang hindi nya alam..."
"Girl, sana hindi ka magsisinungaling ng mahabang panahon sakanya, kasi mabait naman si Ethan, at may karapatan sya kay TJ, at si TJ, gustong-gusto na nyang makilala ang papa nya... wag mo naman sanang ipagdamot ang karapatan nilang dalawa sa isa't-isa..."
The next day...
I have to go to work kahit na tinatamad ako...
Si Ethan pa rin ang nasa isip ko hanggang ngayon. Yung pagkikita namin kagabi na sobrang biglaan, hindi ko talaga inaasahan, tapos kasama ko pa si TJ.
Yung asawa nya...
Yung anak nya...
Mukha na talaga silang masayang pamilya...
Walang espasyo para samin ni TJ or kahit si TJ na lang. Pero kahit ganito, kailangan tanggapin... everything was sudden back. Oo hindi planado si TJ, pero hindi ko din naman tinatanggal ang katotohanan na responsibilidad din sya ni Ethan dahil sya ang ama. Ayoko lang talaga na baka makasira pa ako ng pamilya kapag lumitaw kami ni TJ.
Ang gusto ko lang naman ay mainigay kay TJ ang lahat ng kailangan nya. Oo nasa needs din na may tatay sya, pero mukhang hindi ko maibibigay yung Biological Father nya, lalo na ngayon at nagdadalawang isip ako kung ipapakilala ko si TJ kay Ethan.
Hay nako! makapag-trabaho na nga lang! Emoterang palaka nanaman ako... tsk! Hayun, nagpakabagal ako... maala usad pagong ang trip ko ngayon. Ganito pala kapag andami mong iniisip, at the same time nadedepress ka na sa iniisip mo. Feeling ko wala akong magagawa sa problema ko.
Kumain ng 15 minutes ngayon na dati ay halos 7 minuto lang siguro... naligo ng 20 minutos na dating 10 minuto lang halos. Nagbihis ng 20 minutos na dati ay 10 minutos lang naman. Nage-expect din ako na baka may mabubunggo ko sa kalsada na bata o kaya pusa, pero wala naman so far. Nakarating ako ng supermarket ng buhay at walang gasgas ang kotse ko.
Pasok na.
Bati dito ng mga staffs, bati doon ng mga makakasalubong na mga empleyado, pero wala talaga ako sa mood.
"Huy, parey, ngayon yung dating ni Sir Nick! Bakit ka nagpaka-late!?" ginulat ako ni Lory mula sa likod.
"Ay?! Ngayon ba yun?!?!" para akong inuntog sa pader kaya naman bumalik na ako sa wisyo at tamang pagiisip...