He is my boss?! - EXTRA - 11

839 9 1
                                    

Nang makatulog si Gia after syang bisitahin ni Dr.Cindy, pinanood ko lang sya. Bakit pa nangyari ito. Of all the people on earth, bakit kay Gia pa nangyari.

Andaming tumatakbo sa isip ko. Paano ko maibabalik sakanya yung memories namin? Maibabalik pa kaya? Maalala pa ba nya ang nangyari samin? Paano kapag hindi na nya maalala?

Nakakatakot.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan- ano ang gagawin ko.

A call cut me off and saw my secretary's number calling.

"Good evening sir. Medyo urgent matter lang po. Mr.Tonegawa called this afternoon about the shipments of the products from Japan. Mukhang hindi daw po matatapos ng factory ang targeted number ng first batch ng production. Nasira daw po kasi yung dalawang makina nila, kaya hindi po nya maipapangako na mashiship nya yung buong batch. baka kalahati lang po."

"What? Malulugi tayo sa shipment pa lang. Kaya nga sinabihan ko sya to start the production at least 3 months bafore the planned start di ba? Para maiwasan na magkaroon ng ganitong aberya. Alam na ba 'to ni Dad?"

"Yes sir. Sinabi ko na din po yan kay Mr.Tonegawa na tayo naman po ang maiipit sa cost of shipment and madedelay ang launch ng mga produkto sa U.S. Alam na po ni Sir Ethan. He is also waiting for you decision sir."

"Okay... I will call Tonegawa tonight, can you please inform him that I want to talk to him?"

"Ok po sir. Informing him now."

"Okay. And... as for dad. Nandyan ba sya ngayon sa office nya?"

"Yes sir. He'll be here until 7:30pm daw po."

"Okay. I will call him. Thank you Karen."

"No problem sir."

Napahilamos na lang ako ng mukha. Ngayon pa nagkaproblema sa production, kung kelan launching na ng mga produkto sa US and Germany sana in a month.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Gia...

Kung gising ka lang ngayon, paniguradong pinagtatawanan mo ako ngayon. Ang lakas ng hagalpak mo dahil natutuwa kang nasstress ako. Pero kahit pinagtripan mo na ako at lahat, you will ask me to calm down and keep my focus straight. Papakalmahin mo ang kumukulo kong dugo at eventually, makakapgisip na ako ng matino.

Ibinilin ko na muna si Gia sa private nurse nya at umalis na ako para pumunta sa opisina.

...

Lumipas ang isang linggo at nadischarge na si Gia sa ospital. Since nakauwi si Gia, nag-stay si Mama dito sa Pilipinas para magbantay at magalaga kay Gia dahil kailangan nila tito at tita na bumalik ng Russia para sa kanilang business. May isang bwan din kasi silang nawala sa Russia. They've hired private nurses pero si mama na din ang nagvolunteer na mag-stay dahil naiintindihan din ni mama sila tita at tito. Their business won't run kapag hindi sila ang mismong nakaharap sa mga investors and partners nila.

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon