"Ikaw nanaman!?"
"huh? Bakit Jasmine?"
"Don't tell me ikaw ang nakabunggo ng sasakyan ko, Ethan?"
"Sayo to Jamine?!" gulantang si Ethan sakin.
"Hindi ba halata?! KAya nga nagngangawa ako dito di ba!?"
"Naku!!! Sorry talaga!!!" tapos napa-palm face sya.
"Anong gagawin ko ngayon!? Hindi pa tapos ang loan ko dyan!?" naguusok na tenga at butas ng ilong ko, hindi pa tapos ang bayaran wala na kaagad yung binabayaran!?
"Papalitan ko na lang ng panibago... sorry talaga... hindi ko sinasadya... bago lang din kasi yung kotse ko, eh may problema ata kaya biglang nag-drift..."
"Nagdrifting ka dito pa sa parking lot na 'to?! Bakit hindi mo na lang yun ginawa sa kalye!? Bakit dito pa?! Nadale mo tuloy ang pinagpapaguran kong kotse!!!!" wala na akong pake!
Naiiyak na ako...
Naka-upo ako sa harap ng kotse kong wasak, habang naka-palm face ako...
"Naku, wag kang umiyak Jasmine..." nakaupo na rin sya sa harap ko habang hawak yung dalawang kamay ko na nasa mukha ko... "sorry talaga Jasmine.. papalitan ko na lang talaga... promise, yung mas maganda pa dyan... please... sorry talaga... wag ka nang umiyak... please, please, please... tama na...:" narining ko ang gma takbo at yapak ng mga sapatos, panigurao, sila Lory at JOnathan na 'to...
"Jasmine!!!" napasigaw si Lory nang makita nya ang sitwasyon ng sasakyan ko, laglag ang harap, yupi yung gilid...
Rinig ko ang mga yabag ng paa nila papatakbo sa kinakauupuan ko at ni Ethan
"Anong nangyari sa kotse mo!?" tanong ni Lory habang nakaupo na rin sa harap ko at tinitignan ako habang umiiyak...
...
"Wala na! Sira na! Bwisit kasi 'tong Ethan Franco na 'to!!!" parang bata akong umiiyak over my devastated car... Hindi ko matanggap, wasak na ang kotse kong babayaran ko pa ng halos 3 taon!
"Edi sana tuition na lang yun ni TJ!" pahabol ko pa nang maalala ko ang tungkol sa loan ng kotse ko...
"Sir, okay lang po ba kayo?" narinig kong nagsalita si Jonathan... SIno kaya ang sini-sir nito? Matingnan nga...
Pag-angat ng ulo ko...
Si JOnathan, kaharap si Ethan...
"Anong "sir" ka dyan?" tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko...
"Si Sir Nick Franco..." sagot naman ni Jonathan.
"Si Sir Nick Franco ba yan?! Eh si Ethan Fr---." natigilan ako... Ay tanga ka talaga Jasmine! Malamang! Nick FRANCO, Ethan FRANCO... MALAMANG BAKA FRANCO 'TO!
"You mean, Franco, as in si Sir Nick Franco at Si Ethan Franco na kakilala at nakabangga at nakawasak ng kotse ko ay iisa lang?" tumayo na ako, pansin ko kasi, mukha na akong tanga.
"My full name is Ethan Nicholas Franco, you can call me Ethan if we are close friends, Nicholas if you are my relative, and Nick if we have acquaintance in business..."
I'm was 0.O!
"Weh?" aba, lakas talaga ng loob kong mag "weh" di ba?
"Oo nga..." sagot ni Ethan... "Uhm, iwan nyo muna kaming dalawa dito ni Jasmine, we'll just settle this things on our OWN..." utos ni Ethan sa mga empleyado, including Jonathan.
Mabilis naman silang naglaho...
"Ikaw? ikaw? Ikaw ang boss ko?!"
"yeah, surprised?" Aba eh loko talaga tong Ethan na 'to, nakangiti pa..
"nangaasar ka ba?" tanong ko sakanya...
"Parang bata ka pa rin umiyak.. walang nagbago sayo, ikaw pa rin talaga si Jasmine Razon na nakilala ko..." nanahimik ako... awkward moment..
"anyways... about dito sa sasakyan mo, tatawag na lang ako mamaya para kunan ka ng panibago..." segway ni Ethan, nakahalata ata...
"Ah, eh wag na... okay na 'to, babayaran ko na lang yung loan.." tumalikod na lang ako... tapos naglakad pabalik na sana...
"Jasmine! teka nga..." hinabol ako ni Ethan...
Naabutan naman nya ako.
Inilabas nya ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa habang hawak ang braso ko...
"Jonathan, don't talk, just listen to what i'am going to say... get a new Ford Focus now.. ayusin mo ang mga papeles ASAP. Ipangalan mo kay Jasmine... Ah teka... (tiningnan nya ako) Anong middle name atsaka last name mo?" inilayo nya ng bahagya ang cellphone nya mula sa kanyang bibig...
"Jasmine Lopez Razon." tulala ako, nakatitig sa mukha ni Ethan... namiss ko 'tong taong 'to...
"Good, buti naman at hindi mo pinalitan ang pangalan mo.. (bumalik sya sa kausap.) Kay Ms.Jasmine Lopez Razon. Okay that's all. I need it by next week... thank you." ibinulsa na ulit ni Ethan ang cellphone nya...
samantalang ako, eto tulaley ang lola nyo...
"okay na... basta wag ka nang umiyak ulit..." pinunasan ni Ethan ang mga natirang luha sa mga pisngi ko...
"hindi mo naman kailangang palitan yung sasakyan eh..."
"Ayoko lang nakikita kang umiiyak..."
O.O
Bigla na lang nya akong inakap...
Gawsh! Ambangooooooooooooooo nya... same perfume, same scent, same deo pa ata... kaparehong kapareho ng amoy nya nung gabing yun...
BUT THIS IS ALL WRONG!
I pushed him away tapos tumakbo na papasok sa building...