Hindi ko alam, pero hinatak na ako palabas ni Maxie ng boutique tapos isinakay na nya ako sa kotse nya.
"San ba tayo pupunta? Atsaka bakit ba ganito ang suot ko? Gimmick ba tayo? Papainumin mo na ko ng alcohol?" I was curious, kasi ako naka-formal, tapos si maxie, naka-Jeans at t-shirt lang...
"Isopropyl alcohol bet mo? Hay nako, you'll know when we get there. Don't worry, I'm helping you... bet mo to. Chill ka lang dyan." sabay ngiting nakakaloka si Maxie.
After 20 minutes of drive nakarating kami sa isang bar.
"Shet Max! Hiling ko sayo to nung nakaraan ah!" naexcite ako bigla. Matagal ko nang gustong uminom.
"I know. We're here..." sabi ni Maxie, tapos hinila na nya ako papalabas ng sasakyan.
Pagpasok namin, crowded, maraming taong nagsasayawan sa dance floor... may mga ilang artista din akong namataan, akala ko, isang surprise party yun para sakin na parang sa Wish ko Lang.
While we're making our way...
"His name is Ethan Franco. 26 years old... Bachelor, businessman... tall- 5'10, fair, sexy eyes, with 6 pack... blah blah blah"
Huuh? bakit parang stat ata ng tao mga pinagsasabi ni Maxie...
"Hep, teka Max, ano to? Bakit tayo nandito? Bakit hindi ka nakaayos? Bakit ako lang? Tsaka sino yun?" i paused for a while.
"Jasmine, it's not like ibinenta kita para ganyan ang tanong at tingin mo sakin... ginagawa ko 'to para malibang ka lang at mawala na yang pag-iisip mo kay Warren na yan... Please, Jasmine, pumayag ka na... ito na yung blind date na ipinangako ko sayo... please... he's waiting for you..." nagpuppy eyes at nagmakaawa si Maxie sakin... at ako naman si mahabaging Jasmine ay pumayag na rin para lang hindi masayang ang effort nya...
"Bwisit ka Max... akala ko surprise na parang sa Wish Ko Lang, dinala mo ko sa bar, may mga artista akong kita. Maiiyak na ako eh!"
"Gaga... hindi sila tumutupad ng wish ng nakipaghiwalay sa jowa! Blind date to teh!
"As in? Ngayon na ba talaga yung blind date na yun?"
"Oo... Wag ka nang choosy! Mas better to sa Wish Ko Lang. Tara na!"
Hinila na ako ulit ni Maxie papasok pa sa loob ng bar. Sa isang sulok sa isang couch ay natanaw ko na kung sino yung ipapakilala nya sakin. Based pa lang kasi sa intro nya kanina sya na sya na talaga yung lalaki na yon.
Tama nga ang hinala ko sya nga yung ipapakilala sakin ni Maxie. Ipinakilala nya ako, pinakilala nya rin sakin yung Ethan na yun... tapos maya-maya eh parang bula na lang nawala si Maxie. Sabi nya magcCR lang sya.
"Wag mo na syang hanapin, hindi yun nagCR. Umuwi na siguro yun. Masyadong maraming tao, ako na lang ang maghahatid sayo." sabi ni Ethan sakin.
"Hindi ko kasi alam kung saan umuwi si Maxie ngayon, kasi sa bahay ko sya tumutuloy pansamantala." paliwanag ko kay Ethan.
"Yeah, I heard, you recently broke up with your boyfriend?" usisa sakin...
"Yeah, a week ago..." sabay inom sa juice ko na nakapatong sa lamesa sa harap namin ni Ethan.
"Alam mo, walang mangyayari sayo kapag juice lang ang ininom mo then problemado ka. Want something alcohol? Yung medyo may tama?" aya sakin ni Ethan.
"Sure, pwede rin naman." I smiled at him. Buti pa si Ethan naiintindihan ako kaya ibinibigay ang kailangan ko... di katulad ni Maxene na KJ. Ayaw man lang ako patikimin ng alak?!
Tumayo kami ni Ethan, tapos nagpunta kami sa bar at umorder ng isang bote ng whisky. Lakas pre.
Ikinuwento ko ang lahat kay Ethan... lahat ng nangyari samin ni Warren.