BALL
Tulad nang napagkasundunan, si TJ ang date ni Gia sa Ball ng hospital kung saan nagwowowrk ang dalaga. 70th anniversary ng kumpanya na may hawak sa hospital kaya naman nagpa-Ball ang mga boss nya.
Head turner ang dalawa, dahil sa pareho silang pasabog sa event. Sobrang ganda ni Gia sa kanyang red heart dress na todong nagpaangat sa kaputian ng dalaga pati ang kanyang likod na sexy na sexy dahil na konti na lang ay luluwa na ito mula sa kanyang damit.
Si TJ naman ay may matinding kamandag dahil sa kagwapuhan nya. Kahit na wala syang masyadong ibinigay na effort sa kanyang look; simpleng wax lang buhok at simpleng tuxedo lang, kung ihahalintulad mo sya sa mga hollywood actor, mapagkakamalan syang kamag-anak ng Hemsworth Brothers, Tom Cruise, Brad Pitt and David Henny.
Dahil din sa kilala na Multibillionaire CEO si TJ ay halos hindi din makapaniwala ang mga nakakakilalang katrabaho ni Gia.
"Betty, kaya mo pa? Pwede naman tayong umalis after ko'ng magpakita sa mga boss ko." Bulong ni Gia sa kaibigan nang makaupo sila sa table.
"Ano ka ba. Wag na. Ok lang ako. Sayang ang bihis mo ngayon pag hindi mo naenjoy 'tong gabing 'to." Nakangiting sagot ni TJ
"Seryoso ka?"
"Oo. Nageenjoy nga ako eh." At uminom si TJ sa hawak nyang baso ng Whiskey.
"Sigurado ka ha."
"Oo naman. Kilala ko kaya boss mo."
Nanlaki ang nga mata ni Gia.
"Totoo ka ba?! Nako! Tara na pala!"
"Ha? Bakit?"
"Betty... si Harry Lee."
"Oh? Anong ginawa nya sayo?"
"Ayoko talaga... betty, inaaya ako nun mag-date. Dalawang beses na nya akong hinarang sa elevator."
"Nililigawan ka nung uhugin na 'yon?"
"Oo."
"Bakit di mo sinabi sakin? At ano? Hinarang ka sa elevator?"
"Oo nga. Betty." At pinanlakihan ni Gia ng mata si TJ.
"Kalma. Andito ako." At kinuha ni TJ ang kaliwang kamay ni Gia at inilagay ito sa kanyang braso.
"Basta kapit bisig tayo hanggang sa matapos ang event. Alam na nya yun." Nakangiting sagot naman ni TJ.
"Betty... salamat. Nandun si Harry oh." At inginuso ni Gia kung nasaan si Harry.
Pagkatingin ni TJ ay sakto nanang nakita sila ni Harry. Agad na lumapit si Harry sa dalawa. Tumayo naman ang dalawa. Bibitaw sana si Gia, pero hinawakan lang ni TJ ang kamay nito.
"Mr.Franco." Nakngiting bati ni Harry. "Dr.Gia." Sabay abot sa kamay ni TJ, pero nawala ang ngiti ni Harry nang makitanh magkakapit braso ang dalawa.
"It's so surprising that you're here!" Halata sa mukha ni Harry ang gulat.
"Yes, I have to. My girl asked me to be her date tonight." At nilingon ni TJ si Gia na may ngiti sa mga labi. Halata namang di inasahan ni Gia ang banat ni TJ.
"Oh... Dr. Gia. You always look beautiful." Halatang nagniningning ang mga mata ni Harry simula nang makita nya ang dalaga.
"Thank you." Simpleng sagot ni Gia.
"Anyways, are you enjoying the party?" Tanong ni Harry sa dalawa, pero halatang nagseselos dahil sa magkakapit-bisig pa rin ang dalawa. "We will be starting the event in 5 minutes."