Lumipas ang mga araw at sa wakas ay nakpag-leave din si Gia sa kanyang trabaho ng mahigit 10 days.
Agad na inilabas ni Gia ang kanyang cellphone nang mapirmahan ang kanyang leave permit ng President ng hospital para tawagan si TJ na bumalik ng China 2 araw na ang nakaraan, kaso wala syang natatanggap na balita sa kaibigan since then.
Naupo sa labas ng out-patient wars si Gia habang iniintay nyang sumagot ang kaibigan sa kabilang linya.
"Hello? Betty... naka-3 tawag ako sayo. Sorry. Busy ka ba?"
"Who's this?"
"I'm Gia. TJ's bestfriend. Who's speaking?"
"Oh... Hi Gia! I'm Xiang Qin. TJ's girlfriend! Wow! It's so nice to finally talk to you."
Napakunot ang noo ni Gia. "Girlfriend?!". Nawala sa focus si Gia.
"Oh. Hi. Where's TJ? Can I talk to him?"
"Oh okay. I'll just call him."
Matyagang nagintay si Gia para makausap ang kaibigan. Halos hindi na mapakali si Gia sa kanyang upuan.
"Hello? Gia."
"First... May 10 days LOA na ako Teej. Pwede na akong sumunod dyan sa China. Second... Xiang Qin? Who is she?" Kalmado pa ang boses ni Gia pero nagpipigil na si Gia na tumaas ang kanyang boses.
"Oh... really?! Papasundo na kita ngayon!" Halata sa boses ni TJ ang excitement nang malaman na nyang makakapagbakasyon na si TJ.
"TJ? Who's Xiang Qin?" Sumeseryoso na ang boses ni Gia.
"Gia... can you please cone out for awhile? May susundo na sayo dyan sa labas ng hospital. Si Bong. Ihahatid ka na nya sa airport. Nagiintay na din ang private plane. Can you please do that?"
"Okay." Halata sa boses ni Gia na nagpiligil sya na magalit dahil hindi umaamin si TJ sa simpleng tanong nya. "I have my passport here with me."
At pinatay ni Gia ang kanyang cellphone kahit na hindi pa sila tapos magusap ni TJ.
Paglabas ny ay nasa labas ng entramce ang driver ni TJ na si Bong. Sumakay sya sa White BMW na sasakyan ni TJ at in just 20 minutes ay nakarating sila sa airport.
Dahil sa walang dala si Gia, maliban sa kanyang shoulder bag na kahit papano ay kumpleto ang laman, ay madali syang nakapag-check in. Saglit lang din ang kanyang interview sa immigration since private trip nya iyon. In just an hour naka-alis din si Gia sa bansa.
4 hours and 45 minutes ang naging byahe ni Gia, at sa loob ng mahigit 5 oras na iyon ay puro tanong lang ang umikot sa kanyang ulo.
Si TJ? May girlfriend?
Sino si Xiang Qin?
Bakit hindi man lang nasabi ni TJ?
Nang makapag-landing ang eroplano sa Baijing ay agad syang bumaba ay sinalubong sya ni Carla.
"Si TJ, ate?"
"Nasa hotel po. Doon ko po kayo ihahatid."