Dahan dahan akong lumapit kay TJ sa sofa and sat down on the floor and just stared at his face looking so peacefully sleeping.
I missed this person. Sobrang na-miss. Kamibigan ko pa ba 'to?
Sa sobrang tindi ng emotions na nararamdaman, hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Finally, after 3 months, nandito na si TJ. Nasa harap ko na sya ngayon. Hindi natapos ang araw ng birthday ko na hindi ko nakasama si TJ. This is already enough for a Birthday gift. Kanina wish ko lang, natupad agad.
Mukhang pagod si TJ. Saan kaya 'to galing? China? Buti nakauwi sya ng Pilipinas. Na-miss ko 'tong lalaking 'to.
If only he knows kung gano ko sya kamahal.
Oo. MAHAL KO SI THOMAS JAMES FRANCO. Matagal na. Itinatago ko lang, kasi mas mahalaga sakin ang pagkakaibigan na nabuo namin since then. Hindi man kami magkatuluyan, pero ayokong mawala sya sa buhay ko.
I endured everything, yung pagpapanggap ko na kaibigan lang nya ako, na chill lang ako sakanya, na friends lang talaga kami, pero napaka-hirap. This past few months, masyadong maraming nangyari. First time naming magaway ng matagal.
Mahal ko na si TJ, at sigurado ako don. Wala akong doubt. Pero dahil sa pagkakabigan, itinago ko ang lahat. Kasi sabi ko sa sarili ko, hindi man maging kami, gusto ko nasa tabi ko lang sya palagi. Kuntento na ako na araw araw ko syang nakikita, na araw araw ko syang nakakasama, kahit ganun na lang, atleast nakakasama at nakakausap ko sya palagi, pero mahirap ang magkunwari.
I leaned closer.
I miss this man.
Sobrang namiss ko 'tong taong 'to.
I cupped his face... I gave him a peck on his cheeks. Pero mainit sya.
Pagkatapos nun ay tumayo na ako at pumunta sa kwarto para kumuha ng kumot.
Pagbalik ko ay half awake na si TJ pero nakahiga pa rin sya sa sofa. Kinumutan ko sya at kinuha ang thermometer sa bag ko.
"Nilalagnat ka."
Nginitian nya ako pero nakabalik sya sa pagtulog.
I just stayed by his side hanggang sa nakatulog na din ako. It's a relief that he's back.
----
"Wake up Gia."
I opened my eyes to see kung sino ang gumigising sakin.
It's TJ, and ako na ang nakahiga sa sofa.
"Teej." Then I smiled. Automatic ang paglabas ng ngiti ko nang makita ko si TJ. "Feeling better?"
"Ofcourse. Binantayan mo ako eh." Then he sat on the sofa. Kahit naiipit nya ako, okay lang. sobrang namiss ko naman tong taong to.
"Sorry if hindi ako nakauwi ng maaga for your birthday. I took the earliest flight that I can get just to return here, pero nadelay ang flight. Nung pagkadating ko naman, tinanong ko sa mga friends mo kung nasa ospital ka pa pero sabi nila kakauwi mo pa lang kaya dito na ako dumiretso. Kaso nakatulog naman ako. Great."
"Ano ka ba. Okay lang yun. Enough na yung nandito ka na."
"But we missed your birthday tradition."
"Hey... okay lang. Promise."
"No. Babawi ako today. Bihis ka na."
"Saan naman tayo pupunta."
"You'll see. Bring clothes."
---
I don't have any idea kung saan kami pupunta ni TJ. Nang makapagempake ako in 30minutes, wala nang ligo ligo, umalis din kami ni TJ.