He is my boss?! EXTRA - 1

3.6K 59 1
                                    

Okay, so I have decided to put extra story ng HIMB kasi sobrang natuwa ako.

Nung sinulat ko itong story na 'to, I was merely 17 years old lang, and natapos ko ang kwento dahil sa boredom ko. Hindi ko naman aakalain na aabot ng almost 97K reads and 1K votes 'tong story ko, tapos nag-rank pa 'to ng maraming beses!! Grabe di ba? HAHAHA Sorry guys! Mababaw ako na tao kaya super napsaya nyo ako!

Sa lahat ng mga nagbasa, kasalukuyang nagbabasa at naka-save pa 'tong story ko sa mga library nyo, here's an extra update 😘😘😘 This time, si TJ naman ang gagawan ko ng kwento ❤️

-Ms Gia

>>>>>>>>>>>>>>>❤️<<<<<<<<<<<<<<<

"Sir TJ, Ms.Gia's here na po." Isinara ni TJ ang folder na kanyang binabasa upon hearing his bestfriend's name... GIA.

"Okay, sige. Yung food pakipasok na lang din dito." isinantabi na muna ni TJ ang lahat ng gamit sa table nya at itinago na muna nya ang mga ito sa ilalim ng desk nya, then sakto naman, Gia came in to his office nang nakangiti. Nakahanda na din ang dinner nilang dalawa na pinabili ni TJ about an hour ago.

"Hey!" Bati ni TJ sa kaibigan.

"Betty! I got goodies for you from Germany!!!" pero nang nakita nya si TJ nawala ang energy ni Gia.

"Ano kaya pa?" at tumawa na lang si Gia nang makita nya ang kanyang bestfriend na halos ubos na ang sigla sa katawan.

Tuluyang pumasok si Gia sa office ni TJ at ipinatong nito ang shoulder bag sa center table kasama ang isang malaking paper bag na pasalubong nya at pabagsak syang umupo sa sofa.

"Haaaaa!!! It's good to be out!!!" atsaka nag-stretching si Gia. Itinaas nya ang kanyang mga kamay at inunat ang mga paa, tapos hinubad nya ang kanyang sapatos at ipinatong ito sa ibabaw ng center table.

"Bakit? Dami 'bang pasyente pagbalik mo?" tumayo si TJ mula sa kanyang kina-uupuan at lumipat sa tabi ni Gia.

"Oo. Marami-rami. Sabayan pa ng isang surgery. Wala beauty ko Betty! Pagkauwi ko from Germany bakbakan agad." at hinilot panandali ni Gia ang kanyang mga legs.

"Wala naman talaga. Asa ka pa." at humalakhak si TJ sa harapan ng kaibigan at inilipat nya ang mga paa ni Gia mula sa center table papunta sa lap nya. TJ gave her a foot massage.

"Ano kakain na ba tayo?" halatang relaxed na relaxed si Gia sa ginagawa ng kaibigan nya. Hindi na bago kay Gia at TJ ang ginagawa ng binata sakanya, dahil palagi na nilang ginagawa ito sa isa't isa noon pa man.

"Oo... pinapahanda ko lang yung pagkain."

"So? Anyare betty? Bakit lugmok sa putikan ang sigla mo?"

"Nagsimula na ang expansion ng kumpanya sa China, kaya lahat kami dito subsob sa trabaho."

"Asan si Tito Ethan?"

"Ayun, honeymoon daw kasama ni Mommy sa France. Kala mo mga teenager."

"Talo ka nila Betty!" at tumawa ng pagkalakas lakas si GIa. "Nga pala, nakita ko si Beatrice kahapon sa hospital kasama si Yvan. Anyare dun?"

"Beatrice is actually pregnant with her 2nd child."

"Woah?! Really!?"

"Oo nga. 9 weeks na daw. Dadaanan ka daw sana nila kahapon kaso nung nagtanong daw sila sa office mo, may kausap ka daw na pharmaceutical company."

"Ay! Sana pala nilapitan ko na sila nung nakita ko silang dalawa. Anyway, TITO THOMAS JAMES! may darating ka na'ng isa pa'ng pamangkin'g iispoil-in mo ulit! Wag lang din sana magmana sa kasutilan mo."

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon