chapter 25

252 4 0
                                    

Chapter 25: albolaryo

“ANO!” gulat na sigaw sakin ni lexter.

“Ang OA lang lex ha!”

“Iniwan ko lang namang yung thesis ko dahil sabi mo ay may emergency ka Catherine reyes!” pagrereklamo niya sakin. Wow, best friend ko na nga talaga sya isang text ko lang na may emergency ako ay pinuntahan kaagad nya ako kahit busy pala sya.

“Emergency naman talaga ito ha!” sagot ko sa kanya at lalo lang nya akong tiningnan ng masama dahil sa sagot ko.

“Ano ba kasing klaseng problema yan ha! at kailangan mo ng ganun?” medyo iritado na tanong nya sakin.

“di’ba sabi ko nga sayo kailangan ko tong gawin para sa isa ko pang kaibigan.” dahan dahan na paliwanag ko sa kanya.

Pinikit nya ang kanyang mga mata at hinilot ang kanyang sintido bago sya nagsalita ulit.

“Wala ka na bang ibang maproblema cathy ha, at pati problema ng iba ay prinopoblema mo na rin!” seryosong tanong nya sakin.

“gusto ko lang talaga syang tulungan lex, ganun din naman ang gagawin mo sakin kung sa  akin yun mang yari di’ba?” nakangiting tanong ko sa kanya.

“hindi ko pa din maintindihan kong bakit sa dinami dami na ng problema mo ay nakukuha mo pang makisama sa problema ng iba.” hindi ba pwedeng tumulong ang isang problemado sa problema ng iba lalo pa’t kung alam mo naman na kaya mong tumulong.

“Please lex! Minsan lang naman ako humingi sayo ng favor di’ba kaya pagbigyan mo na ako!” nakangiting sabi ko sa kanya. actually hindi lang ako nakangiti ngayon sa kanya nagpapacute na din ako. Cross fingered sana umiffect sa kanya at pumayag na sya sa hinihingi ko.

“Kailangan ko ba talagang gawin yan?” tanong nya sakin. I can feel na gumagana na ang pacute ko sa kanya, konting push na lang at sigurado akong papayag na din sya.

“Oo” sagot ko sa kanya na may kasamang madaming tango at abot tengang ngiti.

“Wala ka na ba talagang ibang kakilala na pwedeng gumawa nya?” tanong nya ulit sakin.

“Wala na at syaka I trust you lex alam kong kayang kaya mo yan.” sagot ko sa kanya. He is the perfect man for this job kaya hinding hindi sya pwedeng hindi pumayag.

“Aghh fine but after this you’ll going to pay me big time.” Yees! pumayag na din sya sa wakas.

“whaa! thank you talaga lexter! Ikaw na talaga ang huwarang bestfriend of the year.” masayang sabi ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon