Chapter 3>>> devin the devil!
Time check: 7:29 am
Whooo! Grabe di ko alam na may hidden talent pala ako sa track ang field!!
May 1 minute pa bago magtime at mabuti na lang wala pa din yung prof ko nung dumating ako sa room namin. Buti na lang talaga umattend ako sa orientation kaya hindi ako naligaw ngayon first day ko.
On the bad side naman, dahil last minute na akong dumating mukhang nakaupo na halos lahat sila by friends at isang upuan na lang natitira which is sa pinakadulo at sulok ng classroom.
Ano ba yan ayoko pa naman sa dulo, wala kasi akong masyadong marinig kaya hindi ko maintindahan yung lesson ng maayos. Grade conscious right? Well may inaalagaan lang naman ako scholarship!
Kaya kahit ayaw ko, pumunta na lang parin ako dun, papasok na lang ako bukas ng mas maaga para makapili ako na mas magandang upuan.
Habang papalapit ako sa uupuan ko napansin ko naman yung nagiisang seatmate ko sa side na nakaubub. ano ba yan balak ko pa namang ifriend yung unang magiging seatmate ko pero mukhang mas gusto pa nyang kausapan ang kama kasya sakin. Bahala na basta magiging friendly parin ako sa kanya.
Sakto namang pagkaupo ko sa upuan ko ay dumating na din yung unang prof namin, kaso nga lang mukhang pinsan ata ni sleeping beauty itong seatmate ko kaya mahibing parin syang natutulog sa desk nya.
At dahil isang akong concern citizen ginising ko na si mr. seatmate ko habang busy pa si sir sa pagaayos ng gamit nya.
"pssstt!" sitsit ko sa kanya pero mukhang hindi naman effective.
"hoy!kuya!" mahinang sabi ko sa kanya habang sinusundot ko naman ngayon yung pisngi nya.
"hmmm" mukhang anok na anok talaga sya kaya dedma parin ung effort kong paggising sa kanya.
"hoy nandyan na si sir!" mas malakas ng konting sabi ko sa kanya habang niyuyugyug ko sya. Paghindi pa naman sya nagising ewan ko na lang.
Mukhang nakuha ko na sya sa yugyug at nagising na din sa wakas sya.
Habang inaangat na nya ang kanyang ulo mula sa pagkakaubub bigla na lang nagslowmo ang lahat. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon basta isa lang ang nasisigurado ko na kanga-nga ako ngayon.
WOH! Grabe anong meron sa araw na ito at puro gwapo ang nakikita ko ngayon umaga!? Pero I'm sure this time for real na talaga to at hindi na multo.
Natauhan lang ako ng makitang nakatingin na din pala sya sakin. Buti na lang wala akong pimple ngayon.
"uhhmm, hi! Ako nga pala si Catherine Reyes. Pero cathy na lang for short" nakangiting sabi ko habang nilalahad ko ang aking kamay. Paraparaan lang para makachansing!xD
Pero imbes na magpakilala sakin at makipagshakehands ay umubub na lang ulit sya na para bang walang narinig. Ay suplado!
"kung matutulog ka lang rin pala dapat ay hindi ka na lang pumasok!" mahinang sabi ko na narinig parin naman nya.
"walang kang pakialam kung anong gusto kong gawin." Simpleng sagot nya habang nakaubub parin.
"concern lang naman ako sayo! At lalo na para sa magulang mo, nagpapakahirap sila sa pagtratrabaho tapos ika..."
"ang daming satsat! Hindi ko naman kailangan ng concern mo lalo na ng opinion mo!" mukhang naiinis na talaga sya sakin kasi talagang nageffort pa syang bangon sa pagkakaubub nya para sabihin lang sakin yun.
BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...