Chapter 28

283 4 0
                                    

Chapter 28>>> Pupunta? o pupunta?

“Happy Biiiiirthday to you… happy biiiiiirthday to you… happy biiirthday happy biiirthday happy birthday to you!” masayang kanta nina tita D at ng ibang ko pang kasamahan sa café habang may dalang isang maliit na cake na may isang kandila sa gitna.

“Wow maraming salamat po!” gulat na pasasalamat ni Paige sa kanila bago hinipan ang kanidala.

Hindi nya siguro ineexpect na itong ginawa nina tita D lalo’t pat ngayon lang sila nag kakilala. Well Tita D was always like that sa lahat ng nagiging kaibigan nya bago man o luma.

“Nako dapat nga kami ang magpasalamat sa iyo iha at sinama mo kami sa hadaan mo kahit hindi mo naman kami kilala.” sabi sa kanya ni Tita D.

Naging close kaagad sila ni Tita D dahil parehas din silang madal-dal. tango at ngiti nga lang ang ginawa ko habang nag-uusap sila para tuloy sila yung magkaedad at ako yung mas matanda sa kanila na hindi makajoin sa usapan.

 

“Ahmm Paige sorry.”  biglang sabi ko kay Paige ng umalis si Tita D sa lamesa namin.

“Ha? bakit ka nagsosorry?” takang tanong nya.

“Wala kasi akong nabiling regalo sayo. Actually ngayon ko lang din nalaman na birthday mo.” nakakaguilty pala yung ganto.Yung nalaman mong birthday ng kaibigan mo sa mismong birthday pa nya.

 

“Yun lang naman pala akala ko na kung ano. Ayos na yun korni mang pakinggan po sapat ng yung friendship mo na regalo.” natatawang sabi nya.

“Ang korni nga nun Paige hahaha” natatawang pagsasang-ayon ko sa kanya. Parehas naman kaming natawa sa kakornihan nya.

“ay nga pala gusto mo bang sumama sa seminar sa baguio next week?” biglang singit nya sa gitna ng tawanan namin.

“Ha?” hindi ko kasi masyadong narinig Baguio lang tuloy ang narinig ko sa sinabi nya.

“Kailangan kasi ng school ng sampung representative sa seminar sa baguio next week. May isa pa kasing vacant slot so baka gusto mong umattend. 3 days and 2 night lang naman at all school expense kaya wala kang gagastusin.” sabi nya sakin. Wow ang ganda naman nun pwedeng pwedeng magkunwari ka lang na nakikinig sa seminar nakalibre ka ng trip sa baguio at libre pa lahat ng accomodation.

“Ahmm hindi na lang siguro. Mahirap din kasing umabsent ngayon sa school tapos may duty pa ako dito kay tita D.” priority first! kahit nakakatempt yung offer nya dapat unahin ang mas importante. At sa ngayon importante ang mga klase at duty ko.

“Excuse ka naman sa klase pag sumama ka tapos may malaking incentive pa yun at yung problema mo kay tita D ako ng bahala dun.” Okay mas nakakatempt na talaga sya ngayon.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon