Chapter 2>>> help me!
Tok-tok-tok
Galit kong binuksan ang pintuan pero na palitan din yun agad ng kilabot ng biglang magtaasan ang balahibo ko ng may naramdaman akong malamig na hanggin pagkabukas ko.
"imagination mo lang yan Catherine!" pagpapakalma ko sa sarili ko sabay tapik sa magkabilang pisngi ko.
"tama imagination ko lang yun!" dahan dahan kong sinirado ang pintuan. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod kong makikita sa loob na apartment ko.
"hi!"nakangiting sabi ng lalaki sa harapan ko.
"WAAAAAA!!" then everything went black.
Napabangon ako sa kama habang nakahawak sa puso ko. grabe daig ko pa ang nakipag-race sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Grabe ang creepy ng panaginip ko parang totoong nangyari! Buti na nga lang talaga at panaginip lang yun. Tama panaginip lang yun.
Hindi naman talaga ako takot sa multo pero syempre from the fact na patay na sila di ba parang ang creepy naman kung makakakita o makakausap mo ang mga multo.
Ano ba yan agang-aga multo kaagad ang iniisip ko. okay back to reality kailangan ko ng mag-ayos kasi pupunta pa ako ngayon sa university. guess what! It's my first day as a college student! Grabe excited na ako, sana may gwapo akong kaklase!hahah charot! Loyal ata to kay lex no!
At dahil first day ngayon hindi pa require na maguniform kaya nagsuot na lang ako ng simpleng tshirt at denim pants, at with konting bulbos at lip balm yan ready for school na ako. Ayos na yan hindi naman fashion show ang pupuntahan ko para magayos pa ng bonggang-bonga.
Time check, 7:00 am. Okay maaga pa, 7:30 pa naman ang kasi ang first class ko at since walking distance lang din naman ang university mula dito pwede pa akong dumaan muna sa bakery para bumili ng tinapaya.
Sa sobrang excited kong pumasok, nakangiti akong lumabas sa kwarto ko habang sinusuot ko ang jansport backpack ko na galing pang divisoria. Atleast jansport XD
"Good morning!" bati sakin ng taong nadaanan kong nakaupo sa sala.
"Good morning din!" masiglang bati ko sabay diretso sa pintuan papalabas.
Pero kakahawak ko pa lang ng doorknob na biglang may narealize ako na nagpatayo sa mga balahibo ko.
Dahan-dahan kong inikot ang ulo ko papaharap ulit sa sala para kumpirmahin kung totoo nga ba ang nakita ko kanina o hallucination ko lang yun dahil sa gutom.
"hi!" nakangiting bati sakin na gwapong lalaking nakaupo sa sofa ko.
"SINO KA!?" sabi ko sabay dampot ng pinakamalapit sakin na pwedeng ipangself-defense which is tambo. Kahit gwapo sya who knows baka killer to o di kaya rapist. OMG madami pa kaming pangarap ni tatay, masyado pang maaga kung mamamatay na ako.
Bago pa sya magsalita ulit ay inunahan ko na sya.
"HOY! Kung magnanakaw ka man! Maling bahay napasukan mo, kita mo oh, wala ngang kalaman-laman tong apartment ko lugi ka pa sa pag-akyat!" totoo naman wala nga akong tv dito, hindi din naman kasi ako masyadong mahilig manuod ng tv.
"HINDI!mali ka ng ini..."
"wag ka ng magdahilan! huli ka na nga sa akto, Lulusot pa!" anong akala ng sakin uto-uto porket gwapo sya maniniwala na kaagad ako sa sinasabi nya. Hoy kahit gwapo pa sya ng konting-konti kay lex hindi parin ako magpapadala sa kanya.
BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...