chapter 19

305 5 2
                                    

Chapter 19>>> benji's graveyard

"Nandito na tayo!" masayang sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.

"Dito?" sigurado ba sya na nandito na kami?

"Oo dito, ano bang ineexpect mo?" WHAT! Bakit naman nya ako dadalhin dito sa lugar na to?

"Sa iba pero hindi dito sa..." tumigil ako sandali para tingnan ang buong paligid kung nasaan kami ngayon.

"SEMENTERYO?" pagtutuloy nya sa sasabihin ko.

Okay fine! Aamin na ako, hindi ko talaga in-e-expect na dito nya ako dadalhin kasi akala ko dadalhin nya ako sa mall o kaya sa park pero it's not a DATE! "kung hindi date, anong tawag mo dun?" sabi ng inner self ko. ano..ahmm...ano...ang tawag dun ay...ewan! basta hindi yun DATE! "yeh right!"

"Ano bang ipapakita mo sakin dito?" Tanong ko sa kanya kahit may konting hint na ako kung anong gagawin namin dito. Pero syempre mahirap na baka mali na naman ang hula ko, mapahiya pa ako.

"Ano pa bang ibang pwedeng makita sa sementeryo cath? Syempre yung puntod ko ang ipapakita ko sayo." natatawang sabi nya sakin.

"So yung puntod mo pala ang pupuntahan natin pero kung maka-YES ka naman kagabi akala ko kung ano na." minsan kasi ay hindi pala madalas ang overacting lang ni benji.

"Masama bang maging masaya?" tanong nya sakin.

Pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na nya ako papasok sa sementeryo. Nakalimutan ata nya na multo na sya kaya tumagos lang sa kamay ko ang kamay nya. "Ay oo nga pala!"

"Halika na cath baka tanghaliin pa tayo." sabi na lang nya sakin bago magsimula na ulit maglakad papasok sa sementeryo.

"Teka lang benji!" sabi ko kay kanya habang hindi parin umaalis sa pwesto ko. Humarap naman ulit sakin si benji at ng nakita nyang hindi pa din ako gumagalaw ay bumalik ulit sa papunta sa harapan ko.

"Wag mong sabihing takot kang pumasok sa sementeryo?" natatawang tanong nya sakin.

"Hindi naman" sagot ko sa kanya.

"Ano takot ka sa mga multo? Parang ang hirap naman atang paniwalaan yun dahil sa pagkakaalam ko may isang linggo ka ng kasamang multo sa apartment" mas tumawa naman sya ngayon this time.

"Hindi. Hindi ako takot sa sementeryo pati sa multo." inis na sagot ko sa kanya.

"E bakit ayaw mong pumasok?" tanong nya sakin.

"Gusto ko kasing bumili muna ng bulaklak bago pumasok sementeryo." sagot ko ulit sa kanya. Kahit likas na kuripot ako, handa akong gumastos ng kahit magkano ngayon para sa bulaklak dahil worthit naman ang pagbibigyan ko nito.

"Ano ka ba wag ka ng mag-abala pa. Ayos lang naman akin kahit walang bulaklak." nakangiting sabi ni benji sakin at wag ka may palo effect pa yan sa hanging na para bang nahihiya nga sya talaga at nag-abala pa akong ibili sya ng bulaklak. Pero may sinabi ba akong para sa kanya yung mga bulaklak? Parang wala naman ata.

"Medyo feeler lang ha! Hindi naman para sayo yung bibilhin kong bulaklak!" mabilis naman nawala ang ngiti sa mukha nya.

Hindi ko na hinintay pa ako sagot nya dahil pumunta na kaagad ako sa may kabilang kanto kung saan may nagtitinda ng mga bulaklak. Dalawang maliit lang na paso na may paboritong bulaklak ng pagbibigyan ko, mga puting rosas ang kumasya sa dala kong pera.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon