chapter 32

207 9 6
                                    

maikli lang to pero atleast update hahah

-------->

Chapter 32 – will you help me?

"Dito na lang po ako sa upuan matutulog." sabi ko sa kanila. Lumipas na ang isang oras ngunit hindi parin humihina ang ulan mas lalo pa nga itong lumakas.

"Nako iha bakit ka naman dyan matutulog sasakit ang likod mo dyan"nag aalalang sabi sakin ni aling andeng. Gawa sa kahoy ang upuan nila kaya masakit talaga yan sa likod tulugan pero para sa mga katulad ko na sanay na sa hirap ay wala na lang yan.

"Nako, hindi po. sanay na po itong likod ko matulog sa matitigas kahit nga po dyan nyo ako patulugin sa sahig ay ayos na ayos lang." biro ko sa kanila.

"Bakit hindi na lang po sya doon matulog sa kwarto ni kuya?" biglang suhesyon ni lita.

"Oo nga iha dun ka na lang matulog para mas maging kumportable naman ang tulog mo dito sa amin." pagsasangayon ni mang carlito.

"Wag na po..."

"Wag kang magalala iha matagal ng walang gumagamit ng kwartong iyan kaya dyan ka na matulog." sabi sakin ni aling andeng. At dahil mapilit sila at bilang respeto na din sa kanila ay hindi na ako tumutol.

"Ipakita mo muna sa kanya lita ang kwarto ng kuya mo habang maghahain kami ng nanay mo para makakain na tayo." utos ng tatay ni lita sa kanya.

"Sige po. Halika ka na ate ganda." pagaaya sakin ni lita papunta sa kwarto ng kuya nya.

"Ito po ang kwarto ni kuya benji, halika pasok ka ate ganda." masayang sabi ni lita habang binubuksan ang pintuan ng kwarto.

Hindi kalakihan ang kwarto. Gawa sa kahoy ang mga dingding at may isang maliit na bintana sa may gilid. Isang gawa din sa kahoy na kama, maliit na kabinet at lamesa na study table ata ang tanging laman ng kwarto ni benji. May iilang libro maayos na nakapatong sa lamesa at isang pictureframe ng pamilya nya.

Wala sa sarili ay dinampot ko ang pictureframe na nakapatong sa lamesa.

Kuha ito sa kanilang taniman. Pasayang nagtatanim si benji at ang kanyang tatay samantalang nakapose sa gilid si lita at masayang nanunuod sa kanila si aling andeng. Sobrang saya nilang tingnan sa larawan na to.

Bahagya naman akong nagulat ng biglang magsalita si lita sa tabi ko.

"Yan ang kuya ko..." sabi nya sabay turo sa lalaking nakaplain blue shirt at pawisan na pawisan. Sheet bakit parang mas naging hot sya dito. OMG cathy pinagnanasaan mo ba si benji?

"Ang gwapo nya no?" biglang tanong ni lita sakin habang nakatingin din sa picture.

"Ahh oo gwapo nga." pagsasangayon ko sa kanya. Wait ha! bago kayo magreact mageexplain ako... hindi gwapo si benji ahmmm ano lang medyo konting gwapo lang, um-oo na lang ako kay lita kasi alangan namang kontrahin ko sya eh nasa pamamahay nila ako syempre bilang bisita sasangayon ka na lang... ay ano ba yan tama na nagmumukha na akong defensive.

"Nasaan na pala ang kuya mo lita?" pagmamaang maangan na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko din alam ate ganda, pero sabi sakin ni tatay naglayas daw si kuya." malungkot na sagot nya sakin.

"Miss na miss ko na sya..." naiiyak na sabi nya habang nakatingin sa picture ng kuya nya.

may isang luhang nakatakas sa mata ngunit mabilis nya rin itong pinahid at binalik ang masigla niyang ngiti. Magkapatid nga talaga sila ni benji ang bilis ang shift ng mood.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon