dedicated sa unang nagcomment at naglike! salamat!<3
hope you'll like the first chapter! at kayo rin!:)
Chapter 1>>>The unexpected Visitor
"Anak kamusta na ang unang linggo mo dyan sa nilipatan mo? Ayos ka lang ba dyan?" nagaalalang tanong sakin ni tatay.
Kausap ko ngayon si tatay sa cellphone. Nasa Maynila kasi sya ngayon at nagtratrabaho. Labag man sa kalooban nya na iwan ako dito sa batangas magisa ay tiniis pa rin nya. Gipit na gipit kami ngayon at kailangan magtrabaho ni tatay para mabuhay kami. Hindi na kasi sapat yung sweldo ni papa sa pangaraw-araw na tustusin namin lalo pa at magcocollege na ako ngayong pasukan at higit sa lahat baon pa kami sa utang.
Nagkasakit si nanay ng cancer at huli na ng nalaman namin iyon. Hindi biro ang sakit na cancer lalo na kung stage 4 na ito, maraming gamot, chimo, checkup sa madaling salita sobrang magastos. Naubos lahat ng ipon nina nanay at tatay kaya kinailangan pa naming mangutang kung kani-kanino para maduktungan ang buhay ni nanay pero sa kasawaing palad ay kinuha parin sya sa amin ni tatay.Nabaon man kami sa utang pero atleast nakasama pa namin ng mas matagal si nanay.
"ayos lang naman ako tay!wag na po kayong masyadong magalala sakin." which is not true, simula kasi nung lumipat ako dito sa apartment kahapon, parang may kakaiba dito na hindi ko mapoint out kung ano, basta may something na weird dito pero ayoko namang pagalalahanin pa si tatay at syaka baka dala lang yun ng malawak na imagination ko.sana nga.
"Kayo po tayt, kamusta naman kayo dyan? Wag nyo pong masyadong pinapagod ang sarili nyo ha!" pagpapaalala ko sa kanya. Paano na lang kong magkasakit sya diba? walang magaalaga sa kanya, malayo pa naman din ang maynila at higit sa lahat wala akong mapasahe.
"nako ayos lang ako dito anak!kaya wag kang ng masyadong magalala sakin basta magkonsentrate ka lang dyan sa pagaaral mo." Sabi ni tatay sakin.
"berting tama na yan, tapos na ang break natin!" rinig ko sa kabilang linya, siguro katrabaho ni tatay.
"sige anak tinatawag na ako! Tatawagan na lang kita ulit bukas, magingat ka dyan ha!"
"opo tay, kayo rin po magingat din po kayo dyan. Sige po babye!" sabi ko sabay baba ng telephono.
Papasok na sana ako sa akin kwarto para ituloy ang pagaayos ng mga gamit ko ng biglang may kumatok sa pintuan.
tok-tok-tok
Wait! Kalilipat ko lang dito kahapon ha, at si tatay pa lang may alam na lumipat ako dito. Sino naman kaya yun?
tok-tok-tok
"TEKA LANG!" sigaw ko mula dito sa kwarto ko.
tok-tok-tok
tok-tok-tok
"ITO NA PAPUNTA NA!" grabe naman makakatok yun, balak pa atang sirain yung pinto ng apartment ko.
tok-tok-tok
"Ito na nga d---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pagbukas ko ng pinto wala akong nakitang tao sa labas.
Tingin sa kaliwa.
Tingin sa kanan.
Wala namang tao sa paligid. Siguro may dumaan lang na bata na walang magawa sa buhay kaya ng tri-trip na lang sa bahay-bahay.sana nga.
BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...