Chapter 8

510 17 6
                                    

Chapter 8>>> 1st suspect

"cath please!" pagmamakaawa ni benji sakin.

"payagan mo na kasi ako!"

"Behave naman ako kahapon ah!" pagdadahilan nya.

"Okay fine! pwede ka nang umalis dito sa apartment..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla sya nagsalita.

"SABI NA! hindi mo talaga kayang iresist itong gwapo kong mukha!" masayang sabi nya na may pogi sign pa. ito na naman po kami.

"pwede ka ng pumunta kahit saan EXCEPT SA UNIVERSITY!" sinadya ko talagang laksan yung huling salita para maging mas malinaw sa kanya.

Ito na naman po kasi kami, gusto na naman nya sumama sakin sa university at gaya ng stand ko dati ayaw ko syang pasamahin kasi ayoko ng distraction at higit sa lahat yung...ehem... yung secret natin, yung iwas-mafall-kay-benji mission.

"ANO! Grabe ka naman cath, hindi ka na makatarungan! Hindi naman ata patas yan! Nasaan na ang freewill! nasaan na ang hustisya! Cath nasaan? NASAAN!" at feel na feel nya yang habang sinasabi kasi may hand gesture pa talagang kasama at with feelings.

"tumigil ka nga benji! Ang OA na masyado!" sabi ko habang sinusuot ko ang sapatos ko.

"pero cath!"

"wala ng pero,pero! Basta di kita dapat makita sa university." Sabi ko habang naglakad na papaalis sa apartment samantalang nanatiling nakaupo parin si benji sa sofa.

"I swear benji magagalit talaga ako pagpumunta ka sa university!" sabi ko sa kanya ng maakarating ako sa pinto.

"oo na, hindi na po pupunta!" malungkot na sabi nya.

Hindi ko alam kung anong meron sa mukha ni benji lalo na pagnakasimangot dahil naguguilty ako lalo na pagkasalanan ko pero at the same time nacucutetan din ako sa kanya. Kaya hindi ko alam kung gugustuhin ko bang laging nakasimangot na lang si benji.

"hindi man lang nagbabye!" sabi nya ng makalabas na ako ng apartment.

"INGAT CATH!"huling narinig ko sa kanya bago ako tuluyang nakalayo sa apartment.

---

"good morning devil!" bati ko kay devin ng makarating ako sa classroom.

At dahil sya nga si devin the devil isang tango lang ang binigay nyang sagot sakin. Ayos na yun sakin atleast diba natango na sya hindi kagaya dati snob lang ang beauty ko sa kanya. Lumelevel up na ang friendship namin. Siguro nahihiya parin sya sakin dahil nalaman ko na bading sya, kaya nga hindi ko na binibring-out yung topic na yun sa kanya baka mailang pa sya lalo sakin.

Mas maaga kami ngayon lumabas dahil hindi dumating yung prof namin sa last subject, na pabor na pabor naman sakin kasi at least makakapagpahinga ako ngayon kahit ilang oras. Nakakapagod na din kasi yung school-café-apartment na routine ko araw-araw. ginagawa ko na nga lang yung mga assignment ko tuwing breaktime namin o di kaya habang walang customer sa café kasi tuwing gabi pagod na pagod na ako.

Napag-isipan ko na sa garden na lang magpalipas ng oras. Madalas mga lovers talaga ang mga nakatambay dito dahil parang mini park na din ang itsura nito na perfect na perfect talaga sa mga couples pero dahil class hour pa ngayon walang masyadong tao ngayon dito.

Mas pinili kong umupo sa damuhan sa ilalim ng puno kaysa sa bench, mas feel ko kasi ang nature dito tapos super nakakarelax pa. tahimik ang paligid, masarap ang simoy ng hangin, malilom dahil sa anino ng puno, at mabango dahil sa mga nakapaligid na mga bulaklak.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon