Chapter 33 – Revelations
"Iha kumakain ka ba ng bulanglang?" tanong sakin ni Aling Andeng habang naghahain ng hapunan namin. I offered my help pero dahil bisita ako ay hindi nila ako pinayagan tumulong at ako daw ang pagsisilbihan nila.
"Opo naman paborito ko nga po yan." nakangiting sagot ko habang pinapanuod silang buong pamilyang nagtutulungan sa paghain ng kakainan namin.
Sinasalang ni Aling Andeng ang kanyang niluto sa bowl samantalang naglalagay ng plato sa lamesa si Mang Lito na nilalagyan naman kaagad ni Lita ng kutsara't tinidor. Kahit ayaw nila ay tumulong na din ako sa paglalagay ng baso at tubig.
"Panginoon maraming maraming salamat po sa pagkain sa hapag namin ngayon. Salamat po sa lahat ng biyayang binigay nyo sa amin. Salamat din po at nakilala ko po si ate ganda at iniligtas nya po ako kanina sa disgrasya. Dinadalangin ko po ito sa ngalan ng ama, ng anak, at espirito santo... "
"Amen." sabay sabay naming sagot.
"Alam mo ate ganda the best tong bulanglang ni nanay. At mas sumasarap yan dahil lahat po ng gulay dyan ay ako mismo ang kumuha sa mga pananim ni tatay." proud na sabi ni Lita habang kumakain kami.
"Nako lita hanggang sa hapagkain ba naman ay napakadaldal mo parin." natatawang saway sa kanya ng tatay nya.
"Pagpasensyahan mo na Cathy yang si Lita ha, sadyang madaldal at makulit lang talaga ang batang yan." natatawang paumanhin sakin ni Aling Andeng.
"Nako, wala pong problema sakin yun.Natutuwa nga po ako sa kanya at syaka napakabait naman po ni Lita manang mana sa inyo" nakangiting sabi ko sa kanya. Masayang kasama si lita kaya nyang paga-anin ang paligid at may kakayahan din syang magpangiting tao kahit sa simpleng galaw nya lang.
"Narinig mo yun nay! Natutuwa sakin ni ate ganda." sabi ni Lita sa kanyang ina.
"Nabanggit nga pala sakin ni Lita na hindi ka daw taga rito Cathy." biglang sabi sakin ni aling Andeng sa akin.
"Ahh opo, representative po kasi ako ng school ko at may seminar po kami ngayon dito." sagot ko.
"Kung ganun taga saan ka pala iha?" tanong sakin ni Mang Berto.
"Taga batangas po." magalang na sagot ko sa kanila.
"Batangas?" tanong ulit ni Mang Berto na para bang may naalala sya sa lugar na yun.
"Diba doon pumunta si Kuya Benji? Yun yung nakalagay sa sulat nya diba Nay?" inosenteng tanong ni Lita sa kanyang nanay.
"Lita ilagay mo na yang plato mo sa lababo at pumasok ka na sa kwarto mo. Maaga ang klase mo bukas kaya magpahinga ka na ng maaga." utos sa kanya ng nanay nya na para bang walang tinanong si lita kanina sa kanya.
"Pero nay..." reklamo nya.
"Lita wag ng matigas ang ulo sumunod ka na sa nanay mo." suway sa kanya ng tatay nya.
"Sige po." tumayo na sya sa kanya upuan at gaya ng sinabi ng kanyang nanay ay nilagay na nya sa lababo ang kanyang pinggan.
"Good night ate ganda."
"Sige good night din Lita." Nakangiting sagot ko sa kanya bago sya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin pagkaalis ni Lita. Hindi na ulit nagtanong o nagsalita sina Aling Andeng at Mang Carlito kaya tinapos ko na lang ang aking kinakain.
BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...