Chapter 12>>> benji-sam-lance
"can you be my girlfriend?" saktong kakasubo ko pa lang ng cheesecake kaya ako naman ngayon ang nabilaukan sa tanong nya.
kasi naman ang iniexpect ko na itatanong nya ay kung ilan taon na ako, yung mga ganun hindi yung ganyan. grabe naman sya pangalan pa lang at course ko ang alam nya tapos kung makaaya na maging girlfriend ako! Pero bilang isa nga syang certified casanova di na dapat ako magulat.
"hey drink this! are you okay?" mukhang nagpanic din sya dahil nabilaukan ako kaya dali-dali nyang binigay sakin yung cappuccino ko.
"har har! Mag basketball ka na lang nga dahil wala kang pagasa maging comedian!" ang waley lang! pero grabe ang biro nyang yun muntikan ko pang ikamatay kung hindi lang ako nakainom kaagad.
"I'm dead serious here!" grabe din naman ang isa tong! Parang kakanina lang kami nakapagusap kung makapagtanong naman na maging girlfriend ako akala mo ang tagal na nyang nanliligaw sakin.
"No." this is my first time na mangbusted ng lalaki at take note guys campus heartthrob at team captain ng basketball lang naman yung binusted ko.
"please! Pumayag ka na Catherine! One week lang naman e." at may due date talaga syang hinanda. Ganyan ba talaga sya magtanong sa mga girlfriend nya, may kasama ng deadline. Tsk!tsk! napaka playboy talaga!
"at bakit naman ako papayag?" sino namang babae papayag sa alok nyang maging girlfriend na may kasamang expiration date? well siguro yung mga avid fan nya pero ibahin nya ako nasa matinong pagiisip ata to hindi kagaya ng iba.
"utang mo lang naman sakin ang buhay mo." Proud na sabi nya. Sa pagkakatanda ko ay sya din naman ang dahilan kung bakit ako muntikan mahulog sa hagdan kanina.
"hoy! Sa pagkakaalam ko walang namamatay sa pagkahulog na 5 steps ha!" OA naman kasi hindi naman ganun kataas ang huhulugan ko sana.
"alam mo ba kung gaano kalaking privilege ang maging girlfriend ko! kaya pumayag ka na Catherine just for one week!" mukhang disididong disidido talaga sya na mapapayag ako.
"bakit kasi ako? magpost ka na lang sa university ng "wanted: girlfriend for a week" dadagsain ka na ng mga babae!" totoo naman kasi sa sikat nyang yan kahit kilala pa syang Casanova alam ko na marami pading babaeng gugustuhin na maging girlfriend nya even for one week.
"yun na nga kasi ang dahilan ko gusto nila ako kaya papayag sila." sa pagkakasabi nya parang ang shunga ko at hindi ko yun napansin.
"at ano naman ang problema dun?" ang gulo nya, hindi ba mas maganda nga yun dahil hindi na sya mahihirapan pa na alukin sila?
"MADAMI! first mahirap makipagbreak after one week sa kanila kasi maghahabol parin sila sakin kahit ayaw ko na. second masyadong demanding sigurado akong hindi sila papayag na one week lang kami. third, baka marape nila ako sa sobrang pagkaobsessed sakin. fourth...." okay masyado na syang conceited masakit na sa tenga.
"hep,hep, hep tama na! so ano na ang ipaglalaban mo?" tanong ko sa kanya.
"na ikaw ang perfect para maging fake girlfriend ko for a week!" masayang sabi nya.
aangal pa sana ulit ako ng nagsalita ulit sya.
"pwera na lang kung may gusto ka din sakin na hindi din naman nakakapagtaka." sabi nya sakin ng may nakakalukong ngiti sa kanyang labi.

BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...